Chapter 49

64 5 0
                                    

THIRD PERSON's POV

Isang maulang hapon ngayon at nasa meeting room ang lahat ng miyembro ng BTS upang pag-usapan ang iilang bagay na importante patungkol sa bagong single na sorpresang irerelease nila bago pa man sila magpatuloy sa inaabangang world tour.

Naka-upo silang nakapalibot sa isang malaking pabilog na lamesa.

"I guess we're complete now?" Tanong ng leader na si RM na nangunguna sa discussion ngayon.

"Isa pa, si Gguk wala pa." Sagot ni Suga.

Maya maya lang ay napatingin ang mga miyembro sa pintuang bumukas dumating na rin pala si Jungkook na tila balisa.

"Sorry I'm late" tanging banggit nya at naupo sa pwesto katabi ni Taehyung.

"Bakit ka na-late?" - Jhope.

"May inasikaso lang." Sagot ni Jungkook.

Nagsi-tanguan naman ang ibang miyembro at nagsimula na sa meeting.

"So aware naman kayo kung about saan ang meeting natin ngayon, dahil last time lang ay nakausap tayo ni pd-nim tungkol sa surprise single na i-rerelease natin. And he told us that before we get back to Korea, dapat fixed na ung details ng song at ire-record na lang." Panimula ni RM.

"So, where should we start?"  - Jin.

"Any suggestions for the theme?" - RM.

"How about the struggle of loving someone who's impossible to be with you?" - Jimin.

Agad namang nagtinginan ang lahat ng members sa suggestion ni Jimin.

Kita rin ang pagkalagkit-lagkit na tingin ni Taehyung sa kanya.

"Bakit? May masama ba sa suggestion ko?" Tanong ni Jimin habang naka-pout.

"Wala naman, nagulat lang kami." - Jhope.

"How about, doing anything to make the impossible possible?" walang emosyong sagot ni Taehyung.

Mula kay Jimin agad namang nalipat kay Taehyung ang tingin ng mga miyembro.

"Ehem" patikhim ni Jungkook na napapagitnaan ng dalawa.

Mukhang tila umiinit nanaman ang tensyon sa dalawa.

"Nakakatawa kayong dalawa, hanggang dito nagtatalo." - Jin.

"Elaborate mo nga ung suggestions nyo Jimin, Tae. Ikaw muna Jimin." - Suga.

Tumikhin muna si Jimin bago magsalita.

"Sa kantang iyon, magfofocus tayo sa struggle or hirap na ginagawa ng isang tao para lang mapa-sa kanya ang minamahal nya, kahit malabo. Para bang nilalabas natin ung katangahan nya ganon" saglit na nahagip ng mata ng nagsasalitang si Jimin si Taehyung at sakto namang nakakunot na nang todo ang noo nito.

Napa-ngisi na lamang sya at nagpatuloy sa pagpapaliwanag

"Pero syempre may part pa rin sa kanta na isisingit natin ung contentment, acceptance and loving yourself instead of loving someone who's impossible to be with you. Hmmm, that's it." - Jimin.

Nagsi-tanguan naman ang ibang miyembro bukod kay Taehyung na halatang wala na sa mood.

"How about yours, Tae?" - RM.

"Doing anything to make the impossible possible. Unlike Jimin's, itong suggestion ko ay mas lively & hopeful. Let me use Jimin's example, ang sa kanya hindi nya nakamit ang taong minamahal nya while yung akin more on cheering yourself to think positive in order to get the person you love. Dahil naniniwala ako na kapag mahal mo talaga ang isang tao, walang imposible sayo. At isa pa, doing anything to make the impossible possible suggestion also applies to all situations not just in love, we can also apply it on our dreams." Paliwanag ni Taehyung.

Napatingin sya kay Jimin pero hindi ito nakatingin sa kanya, ngunit halata ang inis dito dahil sa umiigting na panga.

"Okay, I love your suggestions. Yung isa self love and ung isa making impossible things to become possible, any suggestions?" - RM.

"How about love triangle?" Singit ni Jungkook habang nakataas ang kanang kamay na tila ba nasa recitation.

Napatingin naman lahat sa kanya lalo na ang dalawang katabi na si Tae at Jimin.

"Pffft" pagpipigil na tawa ni Jin.

"Joke lang" sabi ulit ni Jungkook habang dahan dahang binababa ang kamay at tumingin sa dalawang katabi.

"Sa totoo lang maganda ang suggestion nila so pwede na siguro tayong pumili roon sa dalawa." - Jhope.

"And then what if ung hindi mapili ay i-sama na lang natin sa mga tracks sa next album na gagawin? What do you think RM?" - Suga.

"Pwede, para walang tapon." Sagot ni RM.

"Isama na rin natin ung suggestion ni Gguk para sa next album HAHAHA!" - Jin.

Napatingin naman ang maknae line kay Jin ngunit walang emosyon.

"Joke lang din." Sabi ni Jin nang mahalatang seryoso ang mukha nila.

"So, ano sa tingin nyo? Sino ang napili nyo?" - RM.

"Ikaw." Pagbibiro ni Jin.

"Jin hyung mamaya na nga yan trabaho muna tayo rito ah." - Suga.

"Luh? Sabi ko Ikaw? with question mark yon!" Pagsisinungaling nya.

"For me, gusto ko ung kay Taehyung. Kasi hindi lang sya ma-apply sa love, pwede ring about your dreams." - RM.

Nagsitanguan naman ang karamihan sa grupo maliban kay Jimin.

"Yea, I agree" - Suga.

"Kay Tae rin napili ko." - Jhope.

"Same, lively song naman muna tayo ngayon." - Jin.

"4 of us agreed, how about you maknae line?" - RM.

"I'm fine kahit anong mapili." - Jungkook.

Napatingin naman silang lahat kay Jimin na tila naghihintay ng sagot.

"Majority wins" tanging nasabi na lang ni Jimin.

Napa-ngisi at napa-iling naman si Taehyung sa narinig knowing na double meaning ang laman ng suggestion nya.

"Okay so, this is it. New suprise single to be released soon before our world tour concert with a theme of 'making impossible things to become possible' suggested by: Kim Taehyung..." Pagbabasa ni RM matapos syang magsulat sa papel na hawak nya.

"Kailan tayo magi-start sa lyrics?" - Suga.

"Siguro I'll submit this to pd-nim muna and we may start once he confirmed the theme." - RM.

"Saan ang recording natin? Dito sa Philippines or sa Korea na?" - Jungkook.

"Kapag natapos natin kaagad ang details, maybe rito na sa Pinas since we still have a week--"

"Sa South Korea gaganapin ang recording."

Gulat na napatingin ang miyembro ng BTS nang biglang may lalaking nagsalita at pumasok sa loob ng meeting room dahilan para maputol ang sinasabi ni RM.

Agad naman silang tumayo at nag-bow bilang pagbibigay respeto sa lalaking pumasok na si pd-nim pala.

Hindi nila inaasahang pupuntahan o bibisitahin sila rito kaya bakas ang pagka-gulat sa mga reaksyon nila.

Seryoso at tila nakakunot ang noo ni pd-nim nang maglakad sya papunta sa harapan kung nasaan si RM.

Nagsi-upo naman ang miyembro ng BTS na nagtataka sa nangyayari. Walang nagtatangkang magsalita kahit isa sa kanila.

"I am giving you all 24 hours to fix and pack all your things! We'll return to Korea the next day!"

-----------------------------------

A/N: hi! pabitin muna haha! Thank you for reading my story! Patapos na rin po ito, one chapter na lang so please anticipate! Thank you!

Lucky ARMY (continuation)Where stories live. Discover now