Chapter 43

324 19 12
                                    

a/n: uhm ayun, hello at sorry dahil di na ko nakakapagupdate. Patawarin nyo ko guys, medyo sabaw pa ung chapter na to kaya pagpasensyahan nyo na. Nakita ko kasing marami nang naghahanap ng update. Kaya eto kahit wala pang pumapasok sa utak ko, nagpumilit ako kaya feeling ko sabaw pa to. Hehe.

-------------------------------

JIMIN's POV

Natapos na kami maghugas ng pinagkainan ni Tae. Nasa kanya kanyang kwarto na kami at 10pm na rin. Baka tulog na ung ibang member. Kanina pa ko nakakahalata kay Tae, hindi naman ganoon ung mga kilos nya eh ibang iba sa kanina. Nararamdaman ko na rin yung mga kilos na yun. Parang alam ko nang alam nya ung tungkol samin ni Rae. Nakakahalata na sya. At sigurado akong nagplano na rin sya. So anong gusto nya? Magpaligsahan talaga kami? Hahaha sanay ako jan. Kilala ko na sya. Alam kong di sya magtatagumpay. Simula ngayon kailangan ko nang magfirst move. Kinuha ko ang phone ko sa patungan katabi ng kama ko at tinext si Rae.

"Rae, still awake?"

Sent.

After a seconds, she replied. Ambilis ah.

"Yup why?"

Diko na sya nireply-an at tinawagan ko na kaagad.

Inabot siguro ng 1 min. bago nya sagutin.

"Hello? Chim? Bakit?" Sabi ng nasa kabilang linya.

"Sorry for disturbing you but are you free tomorrow?" Sabi ko agad agad.

"W-what? Are you serious? For what?"

"Tomorrow at exactly 3:00pm kita nalang tayo sa mall kung saan tayo nagkita. Bawal ang pero pero. Byee. I love you" pagkatapos, in-end ko na ung call. Magsasalita pa sana sya pero hindi ko na pinagpatuloy dahil alam kong marami syang tanong at magdadalawang isip pa sya.

Rae, handa akong gawin ang lahat mapasakin ka lang.




RAE's POV

Anong paguusapan namin? Anong binabalak nya? Bakit biglaan? Magsasalita pa sana ako pero pinatay nya na ung tawag. Oo bastos sya pero kinilig ako sa part na may pa- i love you sya eh. Pero Rae, di pwede. Hinding hindi. Gulong gulo ang isip ko ngayon di ko alam kung bakit kailangang magkaganto. Anong ihaharap ko? Ngayon palang kinakabahan na ko. Tinatadtad ko na sya ng text naka ilang tawag na rin ako pero di nya sinasagot. Nananadya ba sya para di na ko makaangal? Nakakainis ng onti ha.

First time yun na as in dalawa lang kami? Paano kung may makakita samin? Pano kung may makahalata sa kanya? Ako yung kinakabahan sa pwedeng mangyari. Bakit kasi bigla bigla syang magyayaya? Ano ba kasing sasabihin nya? Pwede nya naman nang sabihin sakin through phone eh hindi ung magyayaya pa sya na makipagmeet up nilalagay nya sa delikadong sitwasyon sarili nya eh.

Anong gagawin ko? Diko na sya mapipigilan. Wala na kong magagawa papayag nalang ako. Hindi naman pwedeng tanggihan ko sya dahil umaasa syang pupunta ako. Pag di ako pumunta sigurado magagalit yun. At ang kapal naman ng mukha kong gawin yun sa isang park jimin diba?

Pero kasi nagtataka talaga ako eh. Ano naman kayang paguusapan namin? Hays ayoko na mabuhaaaaay bakit kailangang gantoo? Taehyung, magtataksil ako sayo patawarin mo ko!

Hindi ko alam kung tama ba to? Diko na alam kung sinong pipiliin ko. Dalawang idol ko may gusto sakin. At ang masaklap bias at bias wrecker pa. Oo iisipin nyo na maswerte ako. Pero ang hirap ng ganto. Ano ba kasing nagustuhan nila sa akin? Hindi naman ako ganoon kaganda para magustuhan nila diba? Hindi ko talaga ine-expect na mangyayari ang araw na to. Kase simula nung una alam ko na sa sarili ko na hinding hindi nila ko makikilala at hindi ko sila makikita sa personal dahil fan lang ako. Isa lang sa libu libong fans nila. Kahit nga ung mga fan service na ginagawa nila, kahit maka eye to eye man lang sila, hindi ko inexpect na mangyayari yun. Hinanahangad ko ung panahong yun oo pero nawawalan din naman ako ng pagasang magkatotoo yon. Hanggang imagine nalang ako pero eto na ngayon. Ano? Sobra sobra na. Masarap sa pakiramdam na nakilala ka ng idols mo. Masarap sa pakiramdam na may nagkakagusto sayo. Pero ang hirap na ng stage na to. Parang hihilingin ko nalang na sana mamatay na ko.


TAEHYUNG's POV

Wow, jimin. Sa susunod na makikipagusap ka ulit sa kanya siguraduhin mong walang makakarinig ha?

Nandito lang naman ako sa labas ng kwarto nya oo. Nakikinig nanaman ako sa paguusap nila. Tama rin ang narinig ko. Niyaya nya si Rae. Magkikita sila bukas sa mall kung saan namin unang beses syang nakita. At silang dalawa lang.

Jimin, handa ka talagang gawin lahat no? Handa kang gawin lahat maagaw lang sya sakin. Sa pinapakita mong kaugaliang yan, mas lalo mo kong ginagawang gago. Mas lalo mong pinapalabas ung tunay na ugali ko. At feeling ko, tinutulungan mo kong simulan ang mga planong binabalak ko.

Tingin mo magtatagumpay ka? Hahahaha tanga hindi. Hinding hindi. Pagsisimula palang tong mga to pero parang ang ganda na ng plano ko.

Hintayin mo lang, tignan natin bukas.

Goodluck.

Lucky ARMY (continuation)Where stories live. Discover now