Chapter 47

276 8 20
                                    

"Kakarating ko lang, I'm sorry I'm late"

Yung ngiting nakabakas sa mga labi ko ay biglang nawala nang marinig ko ang boses na yon.

Agad agad kong tinanggal ang mga kamay na tumatakip sa mata ko at humarap kaagad sa taong nasa likuran ko at hindi nga ako nagkakamali. Ang boses na yon sobrang pamilyar.

"Park Jimin" mahinang pagkabanggit ko ng kanyang pangalan na walang ibang emosyon kundi ang pagkagulat.

"Oh? Bakit kung maka-acting ka naman jan parang di mo alan na magkikita tayo ngayon? Sabagay dapat kasi i-cocontact muna kita kaso nakalimutan ko nagmadali na kasi ako papunta dito. Emergency kasi kanina pinatawag ako ni manager-nim kaya ayon na-late ako sa meet up natin. Sorry talaga Rae, babawi ako talaga. Tara kain na tayo?" Pagyaya nya naman sakin kasabay ng paghawak nya ng mahigpit sa kanang kamay ko as in yung hawak ng kamay namin ay ung hawakan ng kamay ng magkarelasyon. Tipong bawat daliri namin ay magkakadikit. Ako naman hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil inaalala ko si Taehyung? Nasaan na sya? Paano kung makita nya kaming dalawa ni Jimin? Kinakabahan na ako.

"oh? Dalawang set pa talaga ang binili mo? Hindi halatang baliw na baliw ka samin ah" sabi nya nang may ngiti at nakatingin sa poster na hawak ko.

"Kung alam mo lang kung sinong nagbayad neto"

"Ha?" Tanong ni Jimin.

Nagulat naman ako diko namalayan na sinabi ko pala yon buti nalang mahina lang at di nya gaano narinig.

"A-ahm wala hehe." Sagot ko nalang.

"Rae, nagtatampo ka ba? Or kinakabahan? Please Rae, andito na ako oh sorry na please babawi ako. Gusto kong maging masaya ka naman bago ka man lang umuwi sa bahay nyo. Ihahatid pa kita so please ngumiti ka na."

Nagulat ako sa sinabi nya. Ako? Ihahatid nya? Nako delikado hinde!
"H-ha? Nako wag mo na ako ihatid delikado pa." Sagot ko sa kanya.

Nga pala hindi parin kami umaalis sa pwesto namin. Ayokong maglakad palayo dahil alam kong andito lang si Taehyung. Ayoko syang iwan. Alam kong andito lang sya.

"Delikado? Diba mas delikado kung ikaw lang mag-isa? Babae ka pa naman." Katuwiran nya.

"Alam mo, kahit babae ako, sanay na ako magpunta magcommute kung saan saan at wala namang pumapansin sakin. Nakapunta nga ako sa mall na to kahit ako lang mag-isa eh. Eh ikaw, idol ka, kilala ka ng lahat kaya once na may makapansin sayo edi mas delikado! Lalo na't magkasama tayo, mas mapupunta ka pa sa panganib for sure." Pagmamatigas ko.

ngumiti naman sya ng napakatamis aish ang cute nya nakakainis nawawala ung mata nya "oo na po Ms. Rae ang dami nyo na pong sinabi. Kung yan ang gusto mo susundin ko."

Ngumiti naman ako ng bahagya at hindi maiwasang tumingin tingin sa paligid upang makita si Taehyung, aish nasaan ka na ba taehyung!

"Ano? Ba't ka tumitingin tingin jan? Nagaalala ka ba baka may makarecognize sakin? Don't worry magiingat ako, lalo ka na. Iingatan kita." Pagsasalita nya, sinabi rin ni taehyung sakin yan kanina haynako.

"Ano? Let's go? Kain na tayo." Pagyayaya nya naman ulit sakin.

Wala na akong nagawa dahil humakbang na sya na hawak ang kamay ko kaya no choice sasama na ako baka kasi pag pinigilan ko pa lalo syang magtaka.

Taehyung kung nasaan ka man, hays ewan ko naaa!

"Rae?"

Dalawang hakbang palang ata ang natatapos ko nang marinig ko ang boses na iyon sa bandang likuran namin ni Jimin. Boses ni Taehyung yon! Hala!

Sabay kaming napatingin ni Jimin sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na yon at boom! Si taehyung nga! May bitbit na dalawang popcorn kung di ako nagkakamali sa akin ung isa.

Lucky ARMY (continuation)Where stories live. Discover now