Chapter 27

357 22 5
                                    

[Park Jimin is calling you.]
Decline or Accept

Tumatawag nanaman sya..

Sana man lang kapag sinagot ko ang tawag nya, magsorry man lang sya.

Pero ba't ganun? May pumipigil sa mga daliri ko na sagutin ang tawag nya kahit na gustung gusto ko syang makausap kasi, ewan ko.

Napatingin nalang ako sa mga kasama ko with ANONG-GAGAWIN-KO look.

Tumango nalang sila sa akin bilang pag sang ayun na sagutin ko sya. Kaso kinakabahan ako. Diko alam kung bakit eh.

Sana man lang magsorry sya pleeaase!

Nagpunas muna ako ng mga luha bago ko pindutin ang accept botton at nakita ko agad ang mukha nya na naiilang.

Tingin ko, hindi nya alam ang sasabihin nya.. Kaya parang hindi mapakali ang mukha nya.

Hindi sya makatingin ng deretso sa mismong screen ng phone nya. Samantalang ako, nakatitig lang sa paggalaw ng ulo nya.

"Ah-uhmm, Rae.. uhmm." Boom sabi na nga ba eh.. Naiilang to .

"Uhmm, Rae, S-sorry sa nasabi ko kanina." Ngayon, hindi na talaga sya makatingin sa akin, sa screen ng phone nya.

Anong sasabihin ko? Wala rin akong masabi eh. Hindi ko rin alam sasabihin ko. Hayst! Anubanamanyan..

"R-rae?" Sabi nya ulit na hindi parin natatanggal ang pagkailang.

"Oh?" Sagot ko.

"Alam ko masasakit na salita ung nabitawan ko kanin--"

"Oo alam mo na masasakit na salita yun pero balewala lang naman sa inyo yun diba? Hindi porke't taga hanga nyo lang ako, magbibitaw ka na sakin ng ganyang mga salita. Feeling ko minamaliit ako eh." Nakita ko nalang na biglang nanlaki ang mga mata nya sa mga nasabi ko, kahit ako hindi rin makapaniwala sa mga salitang nabitawan ko eh.

Di ako makapaniwala na masasabi ko sa kanya yun.. May sarili atang utak ung bibig ko?

This time, nafi-feel ko na, malapit nang may mamuong luha nanaman sa mga mata ko pero pinigilan ko iyon. Ayokong umiyak sa harapan at baka mas lalo akong sabihan ng masama nyan.! Baka mamaya sabihan na ako ng OA or what!

Palibhasa kasi, hindi naman nila nararamdaman feelings ng mga fans nila. Kaya ganun ganun nalang.. Karamihan naman talaga ganun eh.

"I-i really sorry Rae, hindi ko ginusto na magsabi ng masasakit na salita sayo. Nung tinanong mo kasi ako kung seryoso ako na malapit na kitang maging forever, Hindi ko alam ang isasagot ko kasi natotorpe ako, kaya nagawa kitang asarin ng ganun.. Pero ang t-totoo.."

Ang totoo ano?!! Ano ang totoo???!!
Wala lang akong reaksyon na nakatingin sa kanya pero sa loob looban ko, inip na inip na ko sa susunod na sasabihin nya.

"Ang t-totoo, m-may gusto talaga ako sayo.. Matagal na Rae."

Lucky ARMY (continuation)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt