Chapter 50 - Epilogue

63 8 6
                                    

"I am giving you all 24 hours to fix and pack all your things! We'll return to Korea the next day!"

Galit na sabi ni pd-nim sa miyembro ng BTS.

Naglakad na sya pabalik sa pintuan ngunit bago sya makalabas ay muli pa syang napatingin sa miyembrong si Jimin at V nang ilang segundo't tumingin ulit sa iba pang miyembro sabay labas ng pintuan.

Ilang segundong naiwang tulala ang BTS dahil sa mabilis na kaganapan. Tila ba unang beses palang nilang makitang magalit nang todo si pd-nim sa kanila.

"A-anong sinasabi ni pd-nim?" pag basag ni Jhope sa katahimikan.

"Hindi ba't may linggo pa tayo rito sa pinas? Bakit sa susunod na araw na agad ang alis?" Sunod ni Jin.

Tahimik lang ang iba.

Napa-iling na lang ang leader na si RM at pinagmasdan isa isa ang mga miyembro hanggang sa mahagip ng mata nito si Jimin at V na nakatingin sa kawalan at nakakunot ang noo na tila clueless din sa nangyayari at si Jungkook naman na pinagpapawisan at nakayuko lamang.

Sa ilang taon na nilang pagsasama ay kilalang kilala na nila ang isa't isa kaya madali lang malaman kung may tinatago ang bawat isa.

"Jungkook." Seryosong tawag ni RM na diretsong nakatingin kay Jungkook dahilan upang mapatingin ang ibang miyembro sa kanilang dalawa.

Unti-unti namang umalis sa pagkakayuko si Jungkook at hinarap ang kanilang leader.

"Bakit ka na-late?" Tanong ni RM.

nagkunot naman ang noo ng ibang miyembro dahil sa tanong ni RM.

"H-huh?" Sagot ni Jungkook.

"Di ko lang pinansin pero alam kong di ka okay pagkapasok mo palang. Again, why are you late?" - RM.

Di mapakaling nagpalit palit ang tingin ng maknae sa mga kagrupo nyang nakatingin na sa kanya ngayon, naghihintay ng sagot.

"P-pdnim just talked to me earlier. Before this meeting." Mahinang sagot ni Jungkook.

Gulat naman ang mga miyembro dahil sa sagot ni Jungkook.

"I knew it. About what?" - RM.

"H-hyung--"

"ABOUT WHAT?!" Pagtataas ng boses ni RM dahilan para mas magulat ang ibang miyembro at matakot.

Halos maluha na si Jungkook dahil sa tensyong nararamdaman nya.

"About Jimin and V hyung" Tipid na sagot ni Jungkook.

Napatingin naman agad sa kanya ang dalawa at nakakunot ang noo.

Tahimik lang at walang nagsasalita dahil umaasa silang dudugtungan pa ni Jungkook ang sagot nya.

"And about the girl named Rae. The girl they admire" - Jungkook.

Napasapo naman sa ulo ang karamihan sa miyembro ng BTS dahil sa nalaman. Siguradong malilintikan sila tungkol dito dahil unang una sa kontrata ay hindi sila pwedeng makipagrelasyon o date man lang sa iba.

"N-nagsimula yung usapan namin nung sinabi nya ung napapansin nya tungkol kay Jimin at V hyung na laging malagkit ang mga tingin at laging nagaaway. And then he asked me kung alam ko ang dahilan, pinilit niya akong magsabi nang totoo dahil alam nyang dikit kaming maknae line. N-nung nalaman niya, bigla na syang nagalit at pina-alis ako." - pagdugtong ni Jungkook.

"Fuck!" - RM.

Tahimik lang ang ibang miyembro lalo na ang VMin sa nalaman. Di rin sila makapaniwalang aabot sa ganito ang lahat.

Lucky ARMY (continuation)Where stories live. Discover now