Chapter 30

419 25 11
                                    

RAE's POV

Kinabukasan 11:00 am.

Sunday..

Yeeeeeeey pagkagising ko kanina buti naman andito na sila Mama't papa.

Long story daw kaya sobrang natagalan sila.

Ngayon naman, kumakain na kami ng pananghalian. Habang kumakain kami dito, naisipan kong yayain sila, family bonding kami since ngayon nalang din naman ulit nangyari ung araw na day off si mama't papa sa trabaho nila. Nakakamiss na rin kasi eh . Lagi silang busy sa trabaho.

"Ma , pa, family bonding tayo mamaya?" Pag aaya ko sa kanila.

"Oo nga pa! Ma!" Ate.

Nakita naman agad namin ung reaksyon nila. Parang nalungkot na ewan haaay nakoo.

"Ay nako, sorry ladies, day off nga kami ngayon ng papa mo, ang dami naman naming mga papel na aayusin galing sa office tignan nyo oh, tambak.. Parang hindi rin namin day off ngayon sa sobrang dami aasikasuhin." Sabi ni mama sabay turo sa lamesa na ang daming folders na patung patong.. Ohh i see.

"Maybe, next time nalang mga anak? Babawi kami ng mama nyo promise!" Sabi naman ni papa.

Hays ano pa nga ba.. Wala na kaming magagawa.

"Sige po ma," sabi nalang namin.

"Pero kung gusto nyo, kayo nalang ni Ate mo? Bibigyan namin kayo ng Papa mo ng pang mall?" Mama.

Nagtinginan naman kami ni ate.. Eh sakto linggo ngayon, tuwing linggo kasi lagi kaming umaalis ni ate pumupunta kaming mall may misyon kaming ginagawa Tuwing weekends kasi, maraming korean sa mall kaya ayurn! Hahaha!

Kaso naisip ko na sana family bonding ngayon, eh bawal din sila mama't papa kaya kami nanaman ni ate.

Sa pamamagitan ng tinginan, naiintindihan namin ang gusto naming ipahatid na mga mensahe HWAHAHA!

"Ay sige po ma!" Sabay na sabi namin ni ate.

"Hay nakoo, yung misyon nyo nanaman gagawin nyo no?" Papa.

Alam nila lahat ng kalokohan namin hahaha! Parang bagets nga kasi sila makausap kaya madali kaming nagkakaintindihan at nagkakasakayan sa trip.

"Hehehe!" Ate.

"Aish.. Sige na mamaya ko na kayo bibigyan kapag paalis na kayo." Papa

Kaya nagmadali na kami ni ateng ubusin ung pagkain namin at dumeretso sa kusina para maghugas ng plato! 😂

Sumunod ay naligo na muna agad ako. At pagkatapos ko namang maligo sumunod na si ate..

after 1 hr, natapos na rin kami sa pagkilos sa wakas. Hirap kasi kaming pumili ng damit na susuutin haha plus ang bagal pa kumilos ng ate kokaya inabot kami ng isang oras.

Naka tshirt ako ng Wings tshirt ung logo ng new album ng bangtan tapos ripped jeans and brown timberland shoes.. Ano? May problema kayo sa suot ko? Haha ganun ako pumorma eh.. Ayoko ng masyadong pambabae ewan ko kung bakit!

Si ate naman, naka crop top na stripes na black & white na pinatungan ng longsleeves checkered at shorts ang pang baba at naka brown timberland shoes din.. Gaya gaya amp.

Ano? Ang layo ng pormahan namin no? Girly sya tapos ako naman, simple lang pang boyish. Hindi ko talaga hilig mga pormahan ng ate ko magkaiba kami ng taste pagdating sa mga suotan eh.

So yun na nga ready to go na kami para sa chararat weekends namin hahaha!

Binigyan naman na kami ni Papa ng pera panggastos oryt! Hindi namin magagamit ung pera namin ngayon hahaha! Buo parin ung pangconcert ko kung sakali😂

Lucky ARMY (continuation)Where stories live. Discover now