Chapter 48

69 2 0
                                    

RAE's POV

4 weeks passed since I met Taehyung & Jimin.. nagkasama kaming tatlo manood ng sine.

Yun lang ang tanging nagawa namin dahil right after ng movie ay nakatanggap sila ng tawag from their co-members.

Nagpaalam na silang dalawa sakin at umuwi na rin agad ako.

It was one of the best days happened into my life. Who would expect na magiging totoo lahat ng dati ay iniimagine mo lang?

Lahat ng pagfafangirl at lahat ng napapanaginipan mo ay magkakatotoo pala.

Hindi lang talaga ako makapaniwala like of all the fangirls in the world bakit sa akin nangyari ito? Sobra sobrang blessings jusko.

From that day feel ko sobrang haba ng buhok ko.

Gusto kong ipagsigawan sa mga tao na 'hey kasama ko si Jimin at Tae mainggit kayo please!' gusto kong ipagyabang kaso hindi pwede.

Gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko.

Gusto kong ilabas sa kanilang dalawa lahat ng kilig at lahat ng mga gusto kong sabihin.

Sobra sobrang pagtitiis ang ginawa ko mabuti nalang at nakayanan.

Napakabango nilang dalawa, yung amoy nila ung talagang hahanap-hanapin mo sa araw araw kada-gising mo.

Yung mga ngiti nila.

Kung panaginip man ang lahat nang ito sana hindi na ako magising.

May ilan ilan ding napapalingon sa aming tatlo noong araw na yon pero hindi nalang pinapansin at hindi pinapahalatang suspicious ang mga galaw.

Sa totoo lang kabadong kabado rin ako nung araw na yon dahil paano kung may makakilala talaga sa amin at pagkaguluhan sila.

Na-iimagine ko ung mga malalagkit na tingin sa akin ng fans.

Matapos ang araw na yun, hindi na nasundan ang meet ups namin.

Nagkakausap pa kami ni Jimin through phone pero saglitan lang dahil baka busy nga sila.

Laging pasulyap lang na parang 10 or 5 minutes pero kahit ganoon, sobrang buo na ang araw ko. Sobrang swerte ko.

Ibang armys hindi nararanasan ang nararanasan ko kaya I should be thankful dahil dito. Sobra sobra na to.

Iginugugol ko lang ang oras ko araw araw sa pag-spazz. Tuloy tuloy lang ang paga-update sa mga taong nagaabang ng updates ko.

Kating kati talaga akong magpost about sa nangyayare sa buhay ko kaso pinipigilan ko talaga dahil alam kong once na kumalat yon, malaking problema.

Maaring sabihin ng iba na I'm just making up stories or dala lang ng kahibangan ko dahil sino nga naman talaga ang magaakalang may ganitong kaganapan.

Maari ring may ibang maniwala.

Mas maigi nang manahimik nalang alang-alang sa akin at sa career ng bangtan.

Sa loob ng 4 weeks na lumipas na yun, madalang na lang talaga kaming makapagusap ni Jimin. Siguro isang araw sa isang linggo.

Si Taehyung naman hindi ko pa rin nakakausap.

Kahit saglit man lang.

Baka tuluyan nang mapalitan ang bias ko neto ah.

Pero okay lang baka busy lang talaga sila.

At sino ba naman ako para mag-demand sa personal time nila? After all, I'm still just a fangirl. Nothing more.

JIMIN's POV

"Dude, where are you? Magkasama ba kayo ni Tae? Kanina pa kayo hinahanap ni pd-nim taba."

"Yea yea magkasama kami. Pakisabi naglibang lang pauwi na rin kami. Bye."

Hindi pa rin mawala sa isip ko ung araw na tumawag sa akin si Jin hyung.

Akala ko katapusan ko na. Akala ko nabuking na.

Yun ung araw na magkasama kami ni Rae. Pati ni Tae na rin. Hindi ko alam sa tingin ko talaga pinlano nyang unahan ako kay Rae.

Hindi sya nag-tagumpay ang ending, tatlo kaming nag-bonding na imbes kaming dalawa lang ni Rae. Badtrip.

Hindi ko na rin masyadong nakakausap si Rae dahil marami kaming ginagawa sa ngayon. May mga shinu-shoot kami. Sobrang busy ng sched namin lagi kaya minsan ko nalang din sya nakakausap.

Simula rin ng araw na yon, hindi na naging maganda ang pakikitungo namin ni Taehyung sa isa't isa. Kung dati ay sobrang close namin, ngayon bahala na. Walang pakelamanan.

Napapansin na rin kami minsan ng iba naming kagrupo at tinatanong kami pero hindi ko nalang sinasagot.

Basta whatever happens, I'll make her mine.

TAEHYUNG's POV

"Hyung? Ano nang ganap? Hinahanap na kayo ni manager sejin at pd-nim. Kabado rin si manager sejin. Hindi ko naman masabi kung anong dahilan dahil malamang sa malamang lintik na. Kasama mo ba si Rae?"

"Oo pati si Jimin."

"Ano?! Kala ko si Rae lang?"

"Naabutan kami ni Jimin. Sige na sige na. Pauwi na kami pakisabi may pinuntahan lang saglit. Bye."

Naalala ko pa rin ung tawag sa akin ni Jungkook. Muntikan na. 4 weeks na rin ang lumipas sariwa pa rin sakin ang mga kaganapan.

Simula nung araw na yon tuluyan nang nag-init ang dugo ko kay Jimin. Walang pansinan samin.

Nagkakaroon na rin ng mga araw na nagtatalo kami sa harap ng co-members namin nang dahil sa kung anu-anong bagay mabuti nalang at inaawat kami. Kundi matagal nang basag bungo sakin nun.

Pikon na pikon talaga ako sa kanya.

Busy kami ngayon sobra kaya hindi ko alam kung paano ko isisingit sa mga oras ko ang pakikipagkita kay Rae o pakikipagusap man lang.

Pero gagawin ko pa rin ang lahat para sa akin sya mapunta.

No choice ka Jimin hyung. Babawi ako.

I'll do everything. Just to get her.

THIRD PERSON's POV

Abala ngayon sa trabaho ang grupong BTS habang nasa Pilipinas dahil kahit na bakasyon ang pinunta nila doon ay may kaunti pa rin silang kailangang gawing proyekto para sa kanilang mga taga-hanga.

Dalawang buwan lamang ang kailangan nilang igugol sa Pilipinas dahil planado na rin ang kanilang world tour concert na gagawin.

Sa ngayon ay anim na linggo na ang pagbabakasyon nila rito pero hindi nila pansin dahil marami pa rin silang gawain. Tila hindi pa rin ramdam na bakasyon ang pinunta nila doon.

Ngunit nagkakaroon pa rin naman ng mga oras upang makapagpahinga at makapagikot-ikot sa mga lugar dito.

Mayroon nalang silang natitirang dalawang linggo para masulit ang pamamalagi sa Pilipinas.

Mapag-tagumpayan kaya ng dalawang miyembrong si Taehyung at Jimin ang kanya-kanya nilang plano para kay Rae? Sino naman kaya ang mananalo sa pagitan nilang dalawa? Magdulot pa kaya ito ng masayang pagsasama ng dalawang miyembro? Abangan sa susunod na dalawang huling kabanata.

Lucky ARMY (continuation)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant