#1- Shukot Ball

35.3K 709 38
                                    

Shukot ball


Pagbukas na pagbukas ko ng locker isang sobreng pink nanaman ang ang tumambad sa akin. Nyemas! Galing nanaman ba ito sa kanya? Dapat ko nang maitago to bago pa makita ng mga kaibigan ko.

"Wow pare! Ang ganda niyan a, hindi namin alam trip mo pala ang mga pink?" Sabi ni Glenn. Nagtawanan naman ang mga kaibigan ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

Kinuha sa akin ni Gino ang envelope. At binasa ang nakasulat sa likod.

"To hunnybunch sana bet mo itetch! love, George' Awww ang sweet naman." Sabay tawanan ulit ng malakas. Ako nakatingin lang sa kanila.

"Akin na nga yan!" Inagaw ko yung sobre at nilagay sa locker kasama ng iba pa. Nakakairita lang makatanggap ng sobreng pink halos araw-araw. Hindi ko naman binubuksan.

"Gian mukhang patay na patay talaga sayo yung bading na yun ah." Sabi sakin ni Genti habang naglalakad na kami papunta ng classroom namin.

Sa aming apat na magkakaibigan si Genti ang pinakamatino, si Glenn ang pinakapasaway, si Gino ang pinakamalakas mang-asar, at ako ang pinakagwapo, malakas ang appeal, at pinakahabulin ng babae. Hindi ako bias, nagpapakatotoo lang.

"Oo nga pare, ang hirap talagang maging pogi. Kasalanan to nila mama. Masiyadong ginalingan at nasarapan sa pagkagawa sakin kaya pati bading nahuhumaling na kagwapuhan ko. Psh."

"Sayang nga at hindi nakuha ni George ang schedule mo. Hindi mo ba nami-miss ang honeybunch mo?" Sinamaan ko ng tingin si Gino, pero imbes na matakot natawa pa ang loko.

"Naalala ko nung pinipilit niya yung tao sa registrar's office na makuha ang schedule mo. Laughtrip mga tol!" Sabi naman Glenn. Hindi nalang ako nagsalita, hinayaan ko nalang sila. Hindi naman kasi talaga ako palasalitang tao.

"So Gian, Ano ang feeling ng may stalker na bakla? Pfft.. Hahahahaha" Hayop na Gino to, masasapak ko na to.

Nasaharap na kami ng classroom pero nang-aasar parin tong mga mokong na to. Kaya si Genti ang kasabay kong maglakad at nasalikod naman namin sila Glenn at Gino.

"Gian may nakatingin sayo." Tinignan ko naman yung nginuso sa akin ni Genti.

Pucha! Sa kabilang classroom nga pala si George, at ngayon nakatayo siya sa may pintuan at nakatingin sa akin.

Bago ko pa mabawi ang tingin ko at makapasok sa classroom namin nakita ko na si George na kinindatan ako at nagflying kiss. Takte! Dyosporsanto ang sakit sa mata! Bubugbugin ko na yung bading na yun pag di ako nakapagtimpi.

"Syet naman Genti! Bakit tinuro mo pa??" Tumingin lang sa akin si Genti at pumasok sa classroom.

Nandito na kami sa classroom pero hanggang ngayon inaasar parin ako ng dalawang to sa nangyari kanina.

"Hi Hunnybunch!" Sabay kindat at flying kiss sa akin ni Gino. Takte! Pasalamat talaga to mahaba ang pasensya ko.

Pumasok na si Mr.Gainza at nagsimulang magcheck ng attendance. Nakaupo ako sa gilid ng classroom at ang nasa kaliwa ko ay bintana kaya doon ako nakatingin.

Maya-maya bigla nalang may sumiko sa akin. Tinigan ko ang katabi ko sa kanan na si Genti. Bigla niyang nginuso si Mr.Gainza. Bakit ba ang hilig ngumuso nito? Napapahamak ako palagi, tanggalan ko ng nguso tong sira ulo na to.

"Are you even listening to what I'm saying Mr.Geronimo?" Amputek! Ano ba ang sinasabi ng matandang panot na to? Napansin niya yata na hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumingin na siya sa klase. Oo na nga makikinig na ako.

Nagsalita na ulit si Mr.Gainza, "Gaya nga ng sinasabi ko kanina, gagawa kayo ng kanta ngunit ang partner niyo ay galing sa ibang section. Napagkasunduan ng mga teachers na pagsamahin ang iba't-ibang klase. Section ni Mrs.Gloria ang nabunot ko kaya asahan niyong nasa kabilang room ang partner niyo. Isusubmit niyo ang kanta at .."

Pretty Crazy StalkerWhere stories live. Discover now