#14- Walang lokohan

14.1K 352 7
                                    

Walang lokohan


"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Kanina pa ko naaasar sa mga gungong na to. Nakaka-bad vibes ang reaction nila. Nagkwento ako sa kanila dahil gusto kong may maka-usap tungkol sa nangyari kahapon, at hihingi na rin sana ng payo. Pero ang mga gago tinawanan lang ako.

"Titigil kayo o ihahampas ko sa inyo tong gitara na hawak ko?" Tumigil sila at tumingin sakin. Salamat naman sa Di-

"HAHAHAHAHAHAHA!" Tingnan ko sila ng masama.

"Sorry pare nakakatawa ka kasi.. pfft hahahahahahaha" sabi ni Genti. Nakahawak pa siya sa tiyan niya. Ewan ko kung nata-tae o ano.

"Dude hahaha talaga haha bang hahaha gina- haha wa-hahaha mo yun? hahahahaha" Sabi Glenn na halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi dahil sa kakatawa.

"Tol akala ko tanga ka . Hindi pala, Hahahaha sobrang tanga lang hahahahahahahhahahaha." Pulang pula na ang mukha at tenga ni Gino sa kaka-tawa.

Hinayaan ko nalang sila at tinugtog ang gitarang hawak ko. Mamatay man sila sa kakatawa wala akong pakealam.

Maya-maya mga pagkatapos yata ng sampung oras natigil na sila pero halatang medyo natatawa parin.

"Ano tapos na kayo sa panglalait niyo?" Tanong ko.

"WOOOOOOOH!" Sigaw ni Gino habang inaalog na parang pinapatino ang walang pag-asa na niyang utak. "Laughtrip yun ah. Malala pa yun sa pagbigay niya ng brief kay George dati."

Napangiti ako pero napailing din ako. Parang baliw lang tong mga unggoy na to. Pinaalala nanaman sakin ang katangahan ko.

"Pero Gian di nga, talagang sinampal ka ng tatlong beses?" Nakangiting tanong ni Genti. Humawak naman ako sa pisnge ko. Naalala ko yung sampal si George, ang bigat pala ng kamay ng babaeng yun. Tumango ako bilang sagot.

"Pfft." Lahat sila tumalikod pero naririnig ko silang lahat na nagpipigil ng tawa.

"Yung tatawa makakalayas na sa pamamahay ko." Seryosong sabi ko. Humarap naman sila sakin at pilit na pinaseseryoso ang mukha pero ang resulta, mukha lang silang tumatae kaya ako naman ang natawa ng sobra.

Nagtinginan naman silang tatlo na nakakunot ang noo.

Lumapit sakin si Glenn at hinawakan ako sa balikat. "Tol pwedeng pwede ka na lumabas ng gate."

"Ulol!" Sigaw ko. "Magseryoso nga kayo. May problema ako. Ang walang maitutulong lumayas dito."

"Gian pare ang tanga mo naman kasi. Hinalikan mo yung tao tapos sasabihin mo ginawa mo yun dahil gusto mo lang? DAHIL GUSTO MO LANG?" In-emphasize pa ni Glenn yung huli.

"Ano bang promblema sa sinabi ko?" Tanong ko. "Dapat nga matuwa siya dahil sabi ko gusto ko, kaysa naman sabihin ko hinalikan ko siya dahil ayaw ko."

Napasapo naman silang tatlo sa noo. "Ay tanga."

"Unggoy ka talaga." Mahinang sabi ni Genti sakin. "Pare kailangan mo munang umamin bago mo halikan ang babae."

Dapat pala sinabi ko muna kay George ang nararamdaman ko.

"Aah, ganun pala yun." Tumango-tango naman ako.

"Gago ba kayo? Hindi naman lahat ng hahalikan mo mahal mo." Sabi ni Gino bago uminom ng empi light at sumubo ng pulutan.

"Yan ang sabi ng manyak na gaya mo." Sabat ni Genti.

"Bakit? Kahit naman babae humahalik sa mga lalaking hindi nila mahal." Sabi ulit ni Gino.

Pretty Crazy StalkerWhere stories live. Discover now