#13- Sabi mo mahal ka

12.8K 400 7
                                    

Sabi mo mahal ka


"Layuan mo na si Glenda. Wag mo siyang gawing panakip-butas. Sinasabi ko sayo Gian, Lumayo ka na habang kaibigan pa ang tingin ko sayo."

Abot tenga ang ngiti ni Glenda habang pinaparinig ko sa kanya ang usapan namin kahapon ni Gino. Sa totoo lang ni-record ko ang usapan namin dahil ayokong magkwento ng mahaba sa kanya. Nakakatamad magsalita.

"Syet Giaaaaan!" Tili ni Glenda habang hinihila ang braso ko na parang matatanggal na sa katawan ko. Napatakip naman ako sa tenga ko. sa sobrang lakas ng sigaw niya. "Pa-bluetooth nito ha?"

Tumango lang ako at in-on na ang BT ko. Nandito kami sa likod ng building namin, mahirap na baka makita nanaman kami ni George at Gino, baka kung ano nanamang sabihin ng mga yun. Kaya nga uwian na kami nagkita.

Kinwento sakin ni Glenda na nagtampo daw sa kanya si George dahil mukhang mas close na daw kami, at kaya daw siguro ako tumigil sa panliligaw ay dahil si Glenda na ang gusto ko. Halos masuka nga ako, hindi ako magkakagusto sa babaeng to. Mafe-friend zone ko lang to pag nagkagusto siya sakin. Hindi naman talaga ako tumigil sa panliligaw kay George, kaso si Mamu na ang pinapadalhan ko ng chocolates at hindi na siya.

Pinindot nanaman ni Glenda ang play button at pinakinggan ulit.

"Hindi ka naman masaya ano?" Pang-aasar na tanong ko.

"Hindi nga eh. Extra kasi ang boses mo. Ang hot lang ng boses ni Gino-bebe ko. Sandali gagawin ko lang ringtone." Saka niya binalik ang tingin sa cellphone niya at nagpipundot. Gagawin talagang ringtone ng hanep.

"Nagiging babae ka na ah." Sabi ko, ngumiti lang siya sakin. Naloko na, maluwag na yata turnilyo nito. Dati kapag sinasabihan ko to ng ganun binabatukan ako. "Alam mo-"

"Hindi pa." Biglang singit niya. Tinignan ko lang siya ng masama at saka siya nag peace sign at nagpipindot ulit sa cellphone niya.

"Malalaman mo.." Diniinan ko pa ang pagkasabi ko niyan. Natawa naman siya. "Pakiramdam ko may gusto na talaga yung unggoy na yun sayo."

"Talaga?" Ang bilis sumagot, kanina parang walang pakealam sa sasabihin ko. Tumango ako.

"Kaso, hindi pa niya alam." Sumimangot naman siya. "At least di ba? May pag-asa ka."

Tumili nanaman siya. Proven, may topak na talaga to. Nagtatalon pa siya sa tuwa at bigla akong niyakap.

"Thank you Gian! Grabe partners in crime na talaga tayo. Bet na bet na talaga kita para sa BFF and ever ko! Mabuti nalang talaga nakilala kita." Natawa naman ako sa kanya.

"Glenda?" Bigla siyang napabitiw sa akin at sabay kaming napatingin sa taong nagsalita.

"George ah ano, it's not what you thin-" Pero hindi na natapos ni Glenda ang sasabihin niya dahil tumakbo na paalis si George.

Hahabulin sana siya ni Glenda pero pinigilan ko.

"Ako na." Tumango naman siya. Tumakbo ako papasok ng building at hinabol si George. Itong babaeng to, ang bilis tumakbo.

"George sandali!" Tawag ko sa kanya. Pero hindi manlang siya lumingon kaya nilabas ko na ang pagiging The Flash ko, di bale nang may makakita ng sekreto ko mahabol ko lang si George. Langya, nakuha ko pang magbiro dito sa sitwasyin ko.

Lumingon siya at nanlaki pa ang mga mata ng makitang malapit ko na siyang mahabol. Binilisan din niya ang takbo niya.

"George Teka!" sabi ko.

"Hey! No running and shouting on the corridors!" Narinig kong sigaw nung isang teacher pero hindi parin tumigil si George kaya hindi din ako tumigil.

Pretty Crazy StalkerWhere stories live. Discover now