#15 EPILOGUE - Stalker's anthem

19.9K 578 43
                                    

Stalker's anthem


"Pare ano okay na ba?" Kinakabahang tanong ko kay Genti.

Kahit naman papano may nangyari din naman sa inuman session namin kahit inabot kami ng magdamag dahil puro kalokohan ang lumalabas sa bibig ng mga unggoy.

"Oo okay na. Hinihintay nalang dumaan si George." Sagot naman ni Genti. Eto na to. Magtatapat na ako.

Nandito ako ngayon sa Broadcasting room. Pinakiusapan ko pa ang dean namin para payagan akong gumamit dito. Mabuti nalang gwapo ako kaya crush ako ng matandang dalaga na yun. Kakanta ako mamaya habang dadaan si George sa may locker na punong-puno ng picture niya na kinuha ko ng patago at dinownload ko sa fb yug iba.

Ewan ko ba sa mga kaibigan kong to. Ang babading magplano.

"Ayan na! ayan na!" Excited na sigaw ni Gino habang tumatalon. Tss. unggoy talaga.

"O ready kayo diyan. Alam niyo na ang gagawin niyo." Sabi ni Glenn sa mga kakutsaba naming schoolmate. Ang laki din ng gastos ko para dito.

"Gian in 5.. 4.. 3.. 2.." Huminga ako ng malalim. Nag sign naman si Glenn ng 1 kaya nagsimula na akong tumugtog.

Every breath you take
Every move you make
Every bond you break
Every step you take
I'll be watching you

Every single day
Every word you say
Every game you play
Every night you stay
I'll be watching you

Oh can't you see
You belong to me
How my poor heart aches
With every step you take

Nakikita ko ang nangyayari sa corridor habang kumakanta dahil sa laptop at camera ni Genti. Mabuti nalang magaling siya sa ganito.

Nakakatuwang panoorin ang reaction ni George nakanganga lang siya habang naglalakad sa mala museum niyang corridor.

Every move you make
Every vow you break
Every smile you fake
Every claim you stake
I'll be watching you
Since you've gone I've been lost without a trace

I dream at night, I can only see your face
I look around but it's you I can't replace
I feel so cold and I long for your embrace
I keep calling baby, baby please...

Oh can't you see
You belong to me
How my poor heart aches
With every step you take

Natigil siya sa isang picture na kinuha ko nung nasa park kami at nagpakain sa mga bata. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko siya kinunan ng litrato samantalang ang alam ko bading siya. Mabuti nalang babae siya kung hindi tangina lang. Magdududa na ko sa sarili ko.

Every move you make
Every vow you break
Every smile you fake
Every claim you stake
I'll be watching you
Every move you make
Every step you take
I'll be watching you
I'll be watching you

Nagsimula na ang step two. May mga taong magbibigay sa kanya ng daisy na puti habang naglalakad. Daisy lang, kulang sa budget eh.

Every breath you take
Every move you make
Every bond you break
Every step you take (I'll be watching you)

Every single day
Every word you say
Every game you play
Every night you stay (I'll be watching you)

Nakikita ko siyang tanong ng tanong sa mga tao kung nasaan ako pero sinabihan namin silang wag sasabihin kung nasaan ako. Hanggang sa nag-isa isa nang lumapit sa kanya si Genti, Glenn, Gino, at Glenda para magbigay ng bulaklak.

Every move you make
Every vow you break
Every smile you fake
Every claim you stake (I'll be watching you)

Tinanong niya si Glenda kung nasaan ako. Tinuro naman ni Glenda ang speaker sa gilid. Tumingin doon si George, ang sunod na nangyari ay hindi ko na siya nakikita sa camera hanggang sa biglang bumukas ang pinto ng broadcasting room.

Every single day
Every word you say
Every game you play
Every night you stay (I'll be watch-

Hindi ko na natapos ang kinakanta ko dahil bigla akong napatayo nang tumakbo siya palapit sakin at niyakap ako. Napangiti ako.

"Oh bakit ka umiiyak?" Tanong ko. Hindi naman siya nagsalita. Umiling at umiiyak lang siya habang nakayakap sakin.

"Walang.. hiya.. ka.. kasi.." Sabi niya sa pagitan ng hikbi. "Bakit.. mo.. gina.. wa.. to?"

Natawa ako sa kanya. Halos hindi na siya makapagsalita.

"Hindi kaya magmukha akong nasa lamay nito at puro puting daisy ang bulaklak na binigay mo?" Pabirong tanong niya nang mahimasmasan.

"Wag ka nang magreklamo. Sana nga baby's breath lang ibibigay ko sayo." Hinampas naman niya ako sa braso.

"Pero seryoso Gian, bakit?"

"Hindi mo parin alam? Baka mamaya manampal ka nanaman diyan bigla." Hinampas nanaman niya ang dibdib ko. Battered boyfriend at future battered husband yata ang abot ko nito.

"Mahal mo ko?" Tanong niya.

"Kinanta ko na't laha't-lahat ang stalker's anthem sa buong campus para sayo sa tingin mo gagawin ko to dahil gusto ko lang?" Natawa siya sa sinabi ko.

"Akala ko ba ako ang stalker mo? Anyare?" Pabirong tanong niya.

"Wala eh. Ang bilis ng karma. Nabihag ako ng kagandahan at kaseksihan mo." Tumawa siya ng malakas. "Mahal kita."

Bigla siyang natanga dahil sa sinabi ko. Nakanganga lang siya habang nakatulala sakin.

"Georgina Gonzaga will you be my girlfriend?" Nanatili lang siyang nakatanga sakin. "Huy ano na? Sumagot ka naman. Naka ON-AIR pa tayo. Wag mong sabihing baste-"

Bigla niya akong hinalikan. Smack lang di ako gaya ni Gino manyak, palaging torrid. Kala mo lumalamon kapag nanghahalik ng babae.

"OmyGee. Kikyeme pa bey akiz? Havey na havey na itetch! Oo na fafa Gian. I'm you're jowa na and you're my jowabels na too."

Takte. Di bale na ngang hindi ko na-intindihan ang sinabi niya yayakapin ko nalang. Basta ang alam ko may narinig akong Oo at jowa daw eh. Mahal na mahal ko tong babaeng to. Magmukha man siyang bakla o babae, kahit na nabobobo ako sa mga sinasabi niya ayos lang. Tanggap ko siya. Kahit na ampon lang siya ng baklang si mamu, at weird mga kaibigan niya, ang mala-tomboy na si Glenda, pati ang baklang si Gabriel.

Teka hindi ko ba nabanggit? Oo bakla si Gabriel sabi ni Glenda. Kababata daw nila. Kaya pala ang tagal niyang hinawakan at pinisil pa ang kamay ko nung nakipagkamay siya nang ipakilala kami. Akala ko nang-aangat ng away, crush lang pala ko. Halos maligo ako ng sampung beses ng malaman ko yun.

Hanggang dito nalang. Nakakatamad na.

~~
A/N:

Trivia: The writer and composer of this song actually said that they intended for this song to be a sinister one and people think it's a romantic song hahaha

Thank you sa mga readers ng PCS! :)

Pretty Crazy StalkerWhere stories live. Discover now