#2- Organ sa middle

15.7K 492 26
                                    

Organ sa Middle


Saturday ngayon kaya mahaba dapat ang tulog ko. Pero ang lintek na George hindi ako tinitigilan, tawag ng tawag, 9 daw kami magkikita.

Dumating ako sa 'Haluin Mo' ng mga bandang 9:30 nakita ko na si George na nakaupo. Nakasuot siya ng violet na pantalon, pink na blouse at green na sapatos, may headband pang yellow. Hindi ko alam pero, fiesta ba ngayon?

"Oh hey fafa Gian! you're there na pala, you're so matagal naman. hihihi." Sabay pulupot sa braso ko. Kung maka pa-cute kala mo hindi bading. Upakan ko to eh.

Hindi ko nalang siya pinansin, nilayo ko ang katawan niya at umupo na ako sa harap niya. Sa lahat ba naman ng lugar na pwede naming puntahan sa kainan pa ng halo-halo eh ang aga-aga.

"Bakit ganyan ang suot mo? Kelangan ba talaga kakulay mo ang mga ingredients sa halo-halo?" Tumingin lang siya sakin pagkatapos ay tumingin sa damit niya at saka malanding hinampas ang braso ko na may kasamang malandi paring tawa.

"Ikaw ha fafa Gian, you're a joker talaga. Hihihi." Hindi kaya joke yun. Inirapan ko nalang. Ano? Hindi lang naman babae o bading ang may karapatang mang irap.

"Oh anong na-isip mong gawin ngayon?" Tanong ko sa kanya dahil mukhang ang balak niya lang ay kumain.

"Edi magde-date tayo!" Sabi pa niya habang tuwang-tuwa na kumakain ng halo-halo. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ng masama nginitian niya lang ako. "Joke lang fafa Gian, gagawa muna tayo ng tune para masaya! Mahirap gumawa ng lyrics agad-agaran eh."

"Anong kalokohan nanaman ba to?" Tinanong ko ang katabi ko na mukhang masayang-masaya na naglalakad. Tumingin lang siya sa akin.

"Anetch--I mean ano?" Inosenteng tanong niya sakin.

"Bakit tayo nasa mall? Sabi ko sayo magseryoso ka sa paggawa ng kanta natin. Hinding-hindi ako makikipag date say--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko tinakpan niya ang bibig ko.

Ang bango ng kamay niya at ang lambot... huh? Inalis ko ang kamay niya. Bakla yang kasama mo Gian. Bakla. Bading. Shokla.

"Wag mong kalimutan ang Beki." tinignan ko siya ng nagtataka. "Pwede sa susunod kasi wag ka magmo-monologue. Napaghahalataang baliw ka eh." Mataray na sabi niya.

"Na ano kita? Totoo naman di ba?" Nakaka-offend bang sabihan ng bakla ang bakla?

"keber. Tara na nga " Bigla nanaman siyang naglakad paalis. Problema nun?

"Hoy sandali saan ba talaga tayo pupunta?" Sigaw ko habang hinahabol siya dahil medyo malayo na siya sa akin.

"Doon sa organ sa middle!" Sigaw niya pabalik. Natigil ako sa paglakad. Ano daw? Organ sa.. gitna? Tumingin ako sa ano ko. Pano kubg nay balak siyang ipa-gang rape ako.. sa mga kapwa niya bading? Tangna!!

"O nag-aano ka diyan? Ano nangyari sayo mukha kang nanay na hindi maka ire." Nasa harap ko na pala siya. Binalikan yata ako nung napansing hindi ako sumusunod sa kanya.

"Kung ano man ang masamang binabalak mo sakin wag mo nang itukoy. Mas malaki ako sayo at kaya kutang bugbugin." Sabi ko ng nagbabanta sa kanya.

Bigla naman siyang natawa ng sobra. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Totoo naman na mas malaki ako sa kanya. Mga nasa 5'5 lang siya at 6'1 ako.

"Nakakalurkey!" at tumawa nanaman siya. Napansin yata niyang naiinis na ko kaya nagsalita na siya ulit. "Waley akong balak to you noh. Kita kits mo ba yun? Dun tayo gagawa. Si kuya Gom ang may ari nun." Turo niya sa isang pwesto na puno ng musical instruments.

"ha? eh kitang-kita tayo ng mga tao diyan!" Sabi ko sa kanya na nagpapanic. Putek! Oo may banda kami nila Glenn, Gino at Genti. Pero iba to, may bading akong kasama.

"May knowings ka pa bang iba?" Napaisip ako. Langya, gitara lang ang meron ako. "See? Taralets." at hinila na niya ko papunta dun.

Gom's Music pala ang tinutukoy niya. Hindi talaga ito boutique parang booth lang sa gitna ng mall. May iba-ibang musical instruments, at ang tinutukoy pala ni George kanina ay yung organ. Oo organ.

May nabubuo na kaming tono ng kanta.

"George cr lang ako." Paalam ko sa kanya. Nasa may table siya at may sinusulat. Nagpapahinga muna kami dahil kanina pa kami dito.

"Gutech mo samahan me you?" Sabi niya ng nakangiting aso. Kinilabutan ako. Hindi ko nalang siya sinagot at tumakbo ko paalis. Narinig ko pa siyang sumigaw,"Pakipot. Balik ka fafa Gian ah!"

Hanep talagang bading yun. Ang trip sa buhay. Pagkapa ko ng cr sinara ko kaagad ang pinto. Mahirap na baka gahasain ako nung bading na yun.

Pagbalik ko sa Gom's ang daming tao. Anong meron? May naririnig akong tugtog ng piano at kumakanta.

I gotta change that station that I have, Cause all I hear is you, It just keeps reminding me of all the things we used to do, And I know that I should turn off the radio, But it's the only place I hear your voice anymore,

It's ridiculous, It's been months since I've spoken to you, Why can't we keep in touch?Don't know why I can't do this,

"Ang galing niya noh? Narinig kong tanong ng babae sa katabi niya.

" Oo nga ginawan niya ng girl version yung So Sick ni Ne-yo." Sagot nung isa. Sino ba ang pinag-uusapan nila. Naku-curious tuloy ako.

"Excuse me po makikidaan." Sabi ko sa mga tao. Halos hindi ako makadaan sa sobrang dami.

But enough is enough, No more walking around with my head down, I don't want to be a fool crying over you,

If your so sick of love songs, So tired of tears you said you loved me, Why aren't you here?I'm so sick of your love songs so sad and slow, I just can't turn off the radio,

Nagulat ako sa nakita ko. Si George tumutugtog ng piano at nakapikit pa siya habang kumakanta. Mukha siyang babaeng babae habang kumakanta. Ang ganda din ng boses niya.

I gotta fix that calendar I have that's marked July 16th, Cause it seems like you've forgot that was our anniversary, When I heard your song it made me want to erase your memory, Now when I hear your song I know it's meant for me,

I can't believe, That your so sick of love songs, So tired of tears you said you loved me, Why aren't you here? I'm so sick of your love songs so sad and slow, But I just can't turn off the radio

Tapos na siya sa pagkanta at mukha pa siyang nagulat sa palakpakan ng mga nanunood. Pero agad ding nakabawi at nag bow at kumaway sa mga tao.

"O Gian andiyan ka na pala. Ang galing ni George ano? Music genius yata yan eh. Lahat ng instrumento dito natutugtog niya." Nakatingin ako kay kuya Gom na nakangiti sa akin. Hindi pa naman siya matanda mga edad nasa 50 palang.

Tumingin ako kay George na nakatayo at kinakausap ng isang lalaki, bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti. Napahawak ako sa dibdib ko. Putspa! Ano to? Nababading na ba ako?

~~
A/N: play video to hear the song!

Pretty Crazy StalkerWhere stories live. Discover now