#4- First day niya

12.7K 473 18
                                    

First day niya



"Mamuuuu! Mamu Gandaaaa! Ditetch na me. Magjujuluto na us para sa pang lafang!" Sigaw ni George na sobrang lakas pagkapasok namin sa bahay nila. May babae namang bumaba sa hagdan.

"Barbie doll Wiz you ngang magtarzan! Wiz mansyones ang hawsalu nate-" Natigil siya sa pagsasalita ng makita ako.

Takte! Bakla to sigurado. Mukang babae lang pero halata din sa katawan pag malapitan. Boses palang at ang pagsalita bading na bading. Bigla namang ngumiti yung tinawag na Mamu ni George. Lumapit siya sa akin at inikutan ako habang tinitignan ang buong katawan ko. Putspa! Feeling ko hinuhubaran na ko.

"Ay Mamu, itetch pala si fafa Gian my lababo so switch." Napakunot nalang ang noo ko. Feeling ko nasa ibang planeta ako dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Nakakabobo. Ang naintindihan ko lang ay pangalan ko.

"Aaaay! bet na bet kiz ang fes oh!" Sabi ng 'Mamu' ni George habang nilalagay ang palad sa ilalim ng baba ko pagkatapos ay pinisil ang braso ko. "Mmm.. Yummy!" THE FOX?! Kung kanina feeling ko hinuhubaran ako, ngayon feeling ko nire-rape na ako! Bigla namang hinila ni George palayo ang Mamu niya. Nakahinga ako ng maluwag. Salamat sa Diyos!

"Mamu! Stop in the name of lababo." Hindi ko alam pero sinaway niya siguro ang Mamu niya dahil bigla itong nag-pout at lumayo. Pero bakit kailangan pang sabihin yung lababo? Kanina ko pa yun naririnig. Tumingin sa akin si George, "Ay sorry. Hindi mo nga pala kami naiintindihan."

Tinaasan ko lang siya ng kilay para malaman niyang obvious na hindi ko sila naiintindihan. Anong akala niya sakin kalahi nila?

"Pinakilala lang naman kita kay Mamu." Pinakilala pero parang ang dami nung sinabi. Kaduda-duda. Humarap siya sa sakin at tinuro ang Mamu niya. "Gian, ito ang nanay ko. Si Gardo Gonzales, pero Mamu ang tawag ko sa kanya."

"Euw Barbie! Wiz mo aketch ma-calling na Gardo. Euwness." Nandidiring sabi ni Mamu pagkatapos ay tinignan ko ang sinabi niyang nanay. Nagflying kiss siya at nag beautiful eyes pa. Nyemas, Bading na bading! Alam ko na kung kanino nagmana ng kabaklaan si George.

Ngumiti nalang ako. Pero nagtataka lang ako, pano nabuntis ng mamu ni George ang totoong nanay niya?

"Para saan ba tong mga niluluto mo?" Tanong ko kay George. Nasa kusina na kami ngayon at nagluluto. O baka mas bagay sabihing nagluluto sila habang ako nakaupo at nanunood lang. Wala akong hilig sa pagluto.

"Malalaman mo nalang mamaya. Wag kang magulo diyan." Masungit na sabi ni George. Kanina pa talaga masungit tong baklang to. Nakakainis na.

"Pagpasensyahan mo na ang barbie ko. First day kasi niya ngayon." Bulong saakin ni Mamu sabay kindat at kumuha siya ng sauce para sa spaghetti na niluluto nila. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. First day? First day ng ano?

"Gian dalhin mo na yung spaghetti. Ako na ng iba. Tara sumunod ka nalang." Sinunod ko nalang nga kesa masungitan nanaman ako. Ang bossy niya ngayong araw.

Sayang nga lang at hindi makakasama si Mamu sa amin. Marami daw kasing customer na nagpapatahi ngayon. May patahian kasi sila ng damit sa tabi ng bahay nila.

Nagtatawanan kami kanina ni Mamu habang si George naman seryoso lang sa pagluto. Ngayon alam ko na kung saan ni George nakuha ang pagiging masiyahin niya at kakulitan. Masayang kakwentuhan si Mamu kapag hindi alien language ang gamit nila kaya naging close kami. Mabiro kasi siya at talagang nakakatawa.

Sumakay na kami sa kotse at sinabi niyang pumunta sa park. Hindi na ako nagtanong kung mag aano kami sa park kahit kating kati na ang dila ko, basta sinusunod ko lang kung anong gusto niya.

Nang makarating kami sa Park inayos ni George ang isang picnic table doon na parang may party. Habang nag-aayos siya may mga street children na lumapit sa kanya. Tatayo na sana ako para paalisin ang mga bata ng biglang yakapin ni George ang isa.

Hindi nagtagal marami nang bata ang lumapit sa kanya. Isa-isa niyang binigyan ng pinggan ang mga bata at nilalagyan ng spaghetti. Nakaupo lang ako sa kabilang table habang pinapanood siya. Nakita kong parang nalilito na siya dahil marami ang nangungulit sa kanya. Tumayo na ako at lumapit.

"Need my help?" Tanong ko. Tumingin naman siya sa akin na parang tuwang tuwa na makita ako samanatalang kanina ang sungit.

"Salamat naman at na-isip mong tumulong ano?" Masungit parin pala. Tumingin siya sa mga bata. "Ito si Kuya Gian niyo. Kung may kailangan pa kayo lapit kayo sa kanya. Opo?" Sabay-sabay namang sumagot ng 'opo' ang mga bata at nginitian ko sila.

Hindi ako mahilig sa mga bata. Lalo na kung mga street children. Hygienic akong tao at ayoko ng marurumi. Kung iniisip niyong bading ako makakatikim kayo ng halik sa akin. Pero habang tinitignan ko si George na niyayakap ang mga batang madudungis, nagbago ang paningin ko sa kanila. Na-isip ko rin.. sana naging babae nalang siya.

Pretty Crazy StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon