#5- Nalagyan ng sauce

12.1K 483 33
                                    

Nalagyan ng sauce


Nakaupo kami ngayon ni George sa bench at pinapanood ang nga batang masayang naglalaro. May dala siyang DSLR kaya kinukuhanan niya ng litrato ang mga bata. Nalaman kong mga bata silang namamalimos sa daan at pinag hahanap buhay ng mga magulang. Matagal na daw itong ginagawa ni George. Once a week nagdadala siya ng pagkain para sa mga bata.

"Bakit mo na-isipang gawin to?" Tanong ko sa kanya. Binaba niya ang camera. Parang nakita kong nalungkot ang mukha niya pero agad siyang ngumiti at tumingin sakin.

"Dahil kagaya rin nila ako dati." Nagulat ako sa sinabi niya. Sandali kaming natahimik. Maya maya ay tumingin siya sa mga langit at nagpatuloy sa pagkwento. "Dati din akong namamalimos dito. Hindi ko na masiyadong matandaan, basta sabi ni mamu nakita niya lang ako na nakahiga sa picnic table habang nakikipag-date siya sa lalaki niya. Natawa nga ako, iniwan daw niya yung gwapong lalaki para sa akin. May pinsan siyang abogado kaya madali lang niya ako naampon. Kaya nga Barbie ang tawag sakin ni Mamu kasi gustong gusto niya kong binibihisan at inaayusan."

"Kaya pala.." Bulong ko sa sarili. Tumingin na siya sa akin at kumunot ang noo. Narinig pala ako. "Ang ibig kong sabihin.. Kaya pala sabi mo nanay mo si Mamu. Hindi naman kasi nanganganak ang mga bakla di ba? Alam mo George pare pwede ka pang maisalba."

"Anong ibig mong sabihing pwede pa akong maisalba?" Nakapag desisyon na ako. Kung hindi pwedeng maging babae si George, pwes gagawin ko siyang lalaki. Gusto ko si George bilang tao, baka pwede ko pa siyang isama sa banda pag naging lalaki siya.

"Pwede pa kitang tulungan maging lalaki. Siguro na-impluwensyahan ka lang ni Mamu kaya ka naging bakla. Pero malay mo magawan pa natin ng paraan yan, malay mo confused ka palang. Ano game?" Desididong sabi ko. Lalong kumunot ang noo niya sa mga sinabi ko, pero ilang segundo lang ay tumawa na siya ng malakas. Ako naman ang napakunot noo.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko pero tawa lang siya ng tawa.

"Wala, wala. Nakakatawa ka kasi. Tara na nga, iligpit na natin tong mga pinagkainan at five pm na." Tumayo na siya at sinimulang ayusin ang mga pinagkainan. Nagpaalam na kami sa mga bata. Isa-isa nila kaming niyakap. Maliligo nalang ako pag uwi, total nakakatuwa naman sila.

Hanggang sa matapos kami ni George kinukulit ko siya na tutulungan ko siyang magpakalalaki pero nakangiti lang siya sa akin.

"George, ano na? Tutulungan nga kita. Alam kong hindi pa huli ang lahat. Pwede ka pang maging lalaki, tapos isasama kita sa banda namin. Ano?" Pangungulit ko, pero hindi siya sumasagot. Nakangiti parin siya at iniling ang ulo niya.

"Ano silence means yes di ba?" Sabi ko nung nasa tapat na kami ng bahay nila. Tumawa nanaman siya. Tae, mukha ba kong nagbibiro? "Seryoso ako woy!"

"Bahala ka sa buhay mo." Natatawa paring sabi niya. Tumalikod na siya at naglakad papasok ng bahay nila nang may mapansin ako sa may bandang puwetan niya.

"George!" Tawag ko ulit. Lumingon naman siya sakin ng nakangiti parin. "Nalagyan ng sauce yang short mo."

Kumunot ang noo niya kaya tinuro ko ang pwet niya. Sinubukan naman niyang tignan, nang sa wakas ay makita niya bigla siyang namula at parang hindi makatingin sa akin.

"Uhm.. Ano.. Hindi to ano, sauce.. Ah ano.. sige Gian.. ano pasok na ko..bye!" Hindi mapakaling sabi ni George sabay takbo papasok ng bahay nila. Langya, anyare dun? Puro ano ang sinabi. Tangina lang, ang cute lang mamula ng mukha. At ano raw? Hindi sauce yung nasa short niya? Napaisip naman ako. Alam ko na.. ketchup.

Pretty Crazy StalkerWhere stories live. Discover now