#6- Ano kayang size nun?

12.4K 403 3
                                    

no kayang size nun?


pinagbibigyan mo lamang ba ako ngayon? nasa gilid ko amoy ko ang iyong pabango ano tong dagang gumagapang sa aking dibdib habang tinititigan ka kunwari nakikinig..

"Eeee! Ang daya naman Gian. Kantahin mo naman yung ginawa mong lyrics. Wiz ko pa naririnig eh." Kanina pa si George nagrereklamo. Sinusubukan na naming kantahin yung ginawa namin at irecord kaso kapag solo ko na, hindi ko kinakanta. Ang kinakanta ko lang yung sabay kami.

Langya, ang totoo kasi niyan wala pa akong nagagawang lyrics kaya yung mga nasulat niya palang ang kinakanta namin.

"Saka nalang." Sumimangot lang siya at sinabing break time muna daw. Tinignan ko ng maigi ang papel na may sinulatan niya. Bakit ganito ang lyrics niya? Kumuha ako ng ballpen.

Iniipon ko lahat..

Ginulo ko ang buhok ko. Pusang gala! Ang hirap naman. Ano bang magandang idugtong dito? Wala talagang pumapasok sa isip ko.

"Fafa Gian bukas naman. Teka, kaya ka pala hindi kumakanta dahil wiz ka pang mini-make na lyrics! Ka-imbyerna ka." Binatukan niya ako kaya sinamaan ko lang siya ng tingin. "Kyeme lang. He-he."

"Bakit ang aga nating uuwi? Next week na ang submission." Tinaasan niya ako ng isang kilay.

"Halur? 6pm na kaya! Baka hinahanap na aketch ni mamu. Mag gagabi na oh, uuwi pa akey!" Napatingin naman ako sa relo ko, 6:13 na nga. Tumingin din ako sa labas at nakita kong mag gagabi na.

Ang bilis naman. Nag eenjoy palang ako. Ang sarap kasing pakinggan ng boses ni George, kapag pinikit mo ang boses mo ma-iinlove ka talaga sa pagkalambing at feminine nito.

Minsan nga na-isip ko na baka babae talaga si George, pero hindi eh. Paking tape! Sayang lang talaga magandang katawan, pati boses at mukha kaso wala siyang female body organ. Kung babae sana nay boobs... pero feeling ko minsan naka bra siya kasi may konting umbok.

Kaya hanggang ngayon palagi ko siyang kinukulit na maging lalaki dahil sayang siya. Gwapo to pag nagpakalalaki, pwede na niyang palitan si Gino bilang bokalista sa banda namin.

"Sige aayusin ko lang to." Sabi ko kay George habang inaayos ang mga ginamit namin dito sa Gom's. Ito na ang naging tambayan namin dahil halos palagi kamibg tumatambay dito para sa kanta.

"Ay fafa Gian, mauna na aketch. May dadaanan pa kasi kami ni Mamu. So I'm going na. Bayiii. Thankz yow Kuya Gom!" Pipigilan ko pa sana si George para maihatid ko na siya sa bahay nila kaso derederetso na paalis. Napa-buntong hininga nalang ako.

Naglalakad na ako palabas ng mall ng may naalala akong bilhin. Pumanta na ako sa boutique ng brand na palagi kong binibilhan. Kumuha na ako ng para sa akin ng may maalala ako. Tamang tama, ano kaya kung ibili ko din si George? Napangiti ako. Maganda to baka magbago ang isip niya sa kasarian niya. Ano kayang size nun?

~~~

Yung lyrics po pala ay isa sa kanta ng Moonstar88. Fan kasi nila ko. Haha.

Pretty Crazy StalkerWhere stories live. Discover now