#8- Wala talaga as in wala

12.6K 441 1
                                    

Wala talaga as in wala


Naglalakad ako ngayon papunta sa office ng Dean namin dahil pinapatawag daw ako, hindi ko alam kung bakit. Pero mabuti nalang dahil ang sarap tulugan nung gurang naming teacher.

"Fafa Gian!" Lumingon ako at nakita ko si George na tumatakbo palapit sa akin kaya tumigil ako at hinintay siya. Ganun parin naman siya manamit, yung mga neon. Ewan ko ba sa baklang to, green na palda, orange na damit, blue na sapatos, at Pink na headband. Langya, nasanay nalang siguro ang mata ko kahit nakakasilaw ang mga damit niya.

"George, san punta mo?" Tanong ko nang makalapit na siya sakin. Tinuro niya daan kung saan ako pupunta kaya nagsimula na kaming maglakad. Medyo na-miss ko rin ang bading na to. Na-submit ko na yung kanta namin kahapon. Naging busy kasi si George ng ilang araw dahil sa thesis nila kaya ako na ang nag-ayos nung kanta.

"Na-miss kita fafa Gian!" Pagkatapos ay ikinawit niya ang kamay niya sa braso ko habang naglalakad kami. Hinayaan ko nalang dahil nasanay na ko. Kwento siya ng kwento habang ako nakikinig lang.

Nabigla pa kami dahil sabay kaming natigil sa harap ng pinto ni dean, kaya tinanong ko siya kung mag aano siya dito.

"Wiz ko knowing. Pinapatawag daw aketch sabi nung prof. namin." Sabi niya habang naglakad na kami palapit sa pinto ng office. Kumatok muna kami bago binuksan ang pinto. Ngumiti naman si dean pagkakita sa amin.

"You are Mr.Geronimo and Ms.Gonzales, right?" Tumango kaming dalawa ni George. "Good. You're here. I want the both of you to perform the song that you've submitted to Mr.Gainza on the opening of St. Therese University Day."

Nagkatinginan kaming dalawa ni George, sa isang araw na yun ah.

"But dean, sa nexing dayish na yun." Kumunot ang noo ni dean. "I mean po sa susunod na araw na yun di ba po?" Tumango naman si dean.

"I heard the song you made at kayo ang napili namin para mag-represent ng Commerce department." Napanganga kaming dalawa. Tapos na kaming kausapin ni dean. Wala na kaming nagawa kundi ang pumayag.

"Hindi mo din alam na para sa University day yung ginawa nating kanta?" Tanong ko kay George pagkalabas na pagkalabas namin ng office. Umiling siya sakin.

"Wiz ko talaga knowings. Iniisip ko kasi na sana ikaw ang partnership ko, kaya wiz ako naghe-hear kay sir. Akala ko project lang itey." Natawa naman ako. Naalala ko kasing parehas pala naming iniisip ni George ang isa't-isa. Kaso ako iniisip kong sana hindi itong bakla na to ang partner ko.

Nagpaalam na kami sa isat isa dahil may kanya kanya pa kaming pasok.

"Pare ano, bakit ka pinatawag?" Tanong ni Genti. Hindi sila nakatanong kanina dahil strikto ang gurang naming teacher.

"Napili yung kanta namin para sa opening ng foundation day." Nagkatinginan silang tatlo habang ako inaayos ko ang mga gamit ko. Sila kasi hindi pa tapos ang klase nakaayos na ang mga gamit, kung may dala man silang gamit.

"Wow congrats tol! Biruin mo sa dami natin yung sa inyo ni George ang napili? Hindi naman kayo nagkagustuhan niyan?" Nang aasar na sabi ni Glenn. Umiling nalang ako habang nakangiti.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Nalintikan na. Yang ngiti ni yan, may gusto ka na kay George no?" Tanginang Gino to ang lawak ng ngiti. Bigla siyang tumingin kay Glenn. "Pre akin na. Panalo ako."

Ang sama ng tingin ko sa dalawang ugok. Si Genti naman parang wala lang pakealam. Nagtetext lang.

"Walangya ka Gian, nadugasan ako ng 500 dahil sayo." Umiiling na sabi ni Glenn habang kumukuha ng pera sa wallet niya at dahil sa kamay na nakaabang ni Gino.

"Teka nga lang. May sinabi ba akong may gusto ako kay George?" Natigil silang tatlo sa ginagawa nila at napatingin sa akin. Kahit si Genti na nagtetext natigil sa pagtype. Parang may pinindot akong pause dahil sa sinabi ko.

"Ibig sabihin wala kang gusto kay George?" Tanong ni Genti. Natawa naman ako sa sinabi nila. Seryoso sila sa tanong na yan? Gago talaga.

"Seryoso kayo mga tol? Wala." Sabi ko pero napayuko ako at kinuha ang cellphone ko para kunwari may katext ako. Bakit parang may kumokontra sa loob loob ko nung sinabi ko yun.

"Kahit kaunti? Kahit crush lang pare?" Tanong ni Genti.

"Mga gago. Wala talaga, as in wala. Tangina naman, kaibigan ko lang yun. Hinding hindi ako magkakagusto sa George na yun kahit kailan." Sabi ko at tumingin ulit sa cellphone ko. Takte! Anong nangyayari sakin? Bakit pakiramdam ko nagsisinungaling ako kahit totoo ang sinasabi ko?

"Uuum, Gian." Tumingin ako kay Genti at nagtanong ng ano. Ngumuso naman siya sa likod ko. Nakatalikod kasi ako sa pintuan at nasa harap ko siya. Lumingon ako at nakita ko si George, nagulat pa ko ng may makita akong luha na tumulo mula sa mata niya. Pagkatapos ay bigla siyang tumakbo paalis.

"Nalagutan na." Narinig kong bulong ni Gino.

"George!" Pagkaalis niya ay tumakbo kaagad ako para habulin siya. "George sandali!" Tumigil naman siya sa pagtakbo pero nakatalikod parin siya sakin. Nasa likod na niya ako ngayon at may halos isang metro pa ang layo ko sa kanya.

Nagulat ako nang humarap siya sakin ng nakangiti. Pero namumula ang mata at ilong niya, halatang umiyak.

"Ay sorry Fafa Gian, ano.. sige una na ko. Kita nalang tayo sa opening ng foundation day. Bye!" Pagkatapos ay tumakbo na siya palabas ng gate at naiwan akong nakatanga lang at nakatingin sa likod niyang papalayo.

~~~

Pretty Crazy StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon