#11- Nakakaaliw pala magselos

13.2K 423 6
                                    

Nakakaaliw pala magselos


"Tutulungan kita." Sabi sakin ni Glenda pagkaupo ko palang sa harap niya. Nandito kami sa isang coffee shop. Nagtext siya sakin at sinabing may sasabihin daw siyang importante. "Para mapasagot mo si George kailangan mo ng tulong ko."

"Alam kong may kapalit ang pagtulong mo kaya sabihin mo na kung ano." Deretsong sabi ko at saka humigop ng kape. Nakita ko ring namula siya at tumingin sa ibang direction.

"T-tutulungan mo rin ako kay Gino." Sa totoo lang hindi na ko nagulat sa sinabi niya. Palagi ko siyang napapansin na nakatingin sa gagong yun. Langya, sabi ko na nga ba may gusto to kay Gino.

"Hindi lang ikaw ang may gusto kay Gino. Marami sa kanyang nagkakagustong babae na mas maganda sayo." Halatang na-iinis na siya nang tumingin sakin.

"Alam ko, kaya nga tutulungan mo ako kapalit ng pagtulong ko sayo di ba?" Bulyaw niya sakin. Mga babae talaga, hindi kayang itago ang emosyon. Konti lang galit kaagad. Tss.

"Paano mo nasabing kailangan ko ng tulong mo? Kayang kaya kong manligaw sa kanya ng walang tulong ng iba." Sa gwapo kong to? Hindi ko na kailangan ng tulong. Gusto ko pa sanang idagdag kaso nakakatamad nang magsalita.

"Talaga? Kaya pala ni hindi ka manlang pinapansin ni George." Napatigil sa ere ang isusubo ko na sanang cake dahil sa sinabi niya. Tama siya, magda-dalawang buwan na kong nanliligaw pero hanggang ngiti at isang sentence lang ang sinasabi sakin ni George. Napansin kong pinipigilan niyang ngumiti. "I see. Siguro nga hindi mo na kailangan ng tulong ko. I'll go ahead."

Inayos niya ang gamit niya pagkatapos ay akmang tatayo. Napabuntong hininga ako, hinawakan ko siya sa pulsuhan at pinigilan sa pagtayo.

"Sandali. Sigurado ka bang kaya mo kong tulungan na mapasagot si George?" Unit-unti siyang humarap sa akin ng nakangiti.

"Of course." Hindi ko alam pero parang natakot ako sa ngiti niya. Pakiramdam ko nagtayuan lahat ng balahibo sa batok ko.

Naglalakad na ako papunta sa classroom ko nang makasalubong ko si George. Pero imbes na tumingin sa kanya, nilagpasan ko lang siya.

"First step, wag mo na siya papansinin."

Yan ang pinaka-unang sinabi sakin ni Glenda. Nung una hindi ako naniniwala dahil kung hindi ko siya papansinin paano ko pa mapapasagot si George? Pero binatukan ako ng loko at sinabing siya daw ang babae sa amin kaya siya daw ang mas nakakaalam.

Edi okay, hindi na papansinin kung hindi. Kaya ko naman siguro siyang tiisin?

"Pre, anong drama mo?" Narinig kong tanong ni Glenn. Kasabay ko sila kaninang naglakad at ngayon nga ay tinatanong na nila ko tungkol sa hindi ko pagpansin kay George.

"Wala." Simpleng sagot ko at pagkatapos ay may narinig akong tumawag sakin, tumingin ako sa may pintuan at tumayo para lapitan ang babae.

"Gian ito na ang notebook na hiniram ko sayo. Salamat!" Nginitian ko din si Glenda, nag-usap pa kami ng ilang minuto pagkatapos ay umalis na rin siya dahil malapit ng dumating ang mga professor.

"Di ba si Glenda yun?" Narinig kong tanong ni Genti kaya tumngo nalang ako at nagsimulang buklatin ang libro ko. "Bakit ganun ang itsura niya? Biglang naging Chiks.

Mission #1 namin ni Glenda: Ang mapansin ni Gino. Dapat mag-ayos siya ng itsura. Kung gano kasi ka OA magdamit si George dati, ganun naman ka-boring manamit si Glenda. Palagi lang siyang naka t-shirt, pantalon, backpack, at rubber shoes. Pero ngayong araw, naka blouse at skirt siya. Tss, pinaghandaan talaga.

"Anong kagaguhan to Gian?" Halata sa boses ni Gino ang pagka-irita. Ang obvious mo dude. Tinignan ko lang siya pagkatapos ay tinaasan ko ng kilay.

"Anong problema niyo samin ni Glenda?" Nakita kong seryoso na silang nakatingin sakin pero mas naaaliw ako sa itsura ni Gino. Hindi ko pinapahalata dahil mahirap na, baka mabulilyaso pa ang plano.

"Wag mong sabihing kumaliwa na ang target mo at naging si Glenda na, na kaibigan ni George?" Diniinan pa talaga ni Glenn ang pagkasabi niya ng 'kaibigan'. Pfft. Ulol talaga tong mga to.

Ang plano namin magpapakita lang si Glenda kay Gino, pero ang sira ulo nagselos samin ni Glenda. Sakyan ko nalang kaya? Nakakaaliw pala magselos ang manyak na gaya nito.

"Bakit? Maganda naman si Glenda." Sabi ko sa kanila habang nakatingin parin sa librong binabasa ko kuno. Napansin ko ang pagpasok ng teacher sa classroom at nagsiupuan na ang mga kaklase ko, pero hindi nakalampas sakin ang pagdabog ni Gino ng libro niya. Sarap talaga asarin ng unggoy na yun.

Natapos ang buong klase na nakabusangot ang mukha ni Gino. Sa totoo lang hindi ako nakokonsensya dahil sa lahat ng asar sakin ni Gino, at sa lahat ng pina-iyak niyang babae tama lang sa kanya to. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong may text si Glenda.

"Si Glenda? Katext mo si Glenda?" Tumingin ako kay Genti na katabi ko at nakita kong nakatingin siya sa cellphone ko. Lumayo ako sa kanya bago ko binasa ang text.

From: GlendaGanda (Siya naglagay ng pangalan na to sa contacts ko. Tamad ako kaya hindi ko na napalitan.)

She's worried. Mission accomplished. :D

Napangiti ako. Making her as an apprentice isn't bad after all, putek napapa-english pa ko sa saya.  Narinig ko ang pagkalampag ng upuan at nakita ko nalang si Gino na palabas ng classroom.

"Una na ko." Narinig kong sabi niya bago lumabas ng pinto. Mas lumawak ang ngiti ko at nagtext kay Glenda.

To: GlendaGanda

Dito din.

~*~

AN: Gino and Glenda's story is titled Not so pretty, But really Crazy Stalker

Pretty Crazy StalkerWhere stories live. Discover now