#12- Ayokong mawala siya

12.6K 398 3
                                    

Ayokong mawala siya


Nasa labas kami ngayon ng classroom nila Glenda. Wala pa sila George at Gino. Nag-uusap kami tungkol sa susunod naming gagawin para sa mga taong minamahal namin. Takte, ang korny ko na. Langyang buhay to.

"Gian sa sunod pwedeng ayusin mo ang pagbigay ng updates tungkol sa mission natin? Para maka-feel naman ako ng kilig. Ang tipid mong magtext eh." Tss. MabutI nga nagtext ako. Nakakatamad kaya. Tumango nalang ako.

"Sigurado ka ba talagang gagana ang hindi ko pagpansin kay George? Baka mamaya maunahan ako ng bakulaw na Gabriel na yun." Pagsisigurado ko. Mahirap na.

"Gumana na nga di ba? Ngayon naman ang gagawin mo ngingitian mo siya. Yung parang walang nangyari. Ngiti lang ah. Wag kang magpa-cute" Napakunot noo ako. Una dahil gwapo ako at hindi cute. Pangalawa, last week wag papansinin ngayon naman ngingitian? "Just trust me on this."

Tumango ako sa kanya, pagkatapos ay nakita ko si George na nakatayo at nakatulala sa amin. Nginitian ko siya, mukhang nagulat pa siya pero naging seryoso ang mukha niya at deretsong pumasok sa classroom nila. Sungit. Di manlang ako nginitian.

"Mukhang mapapa-explainlabyu pa ko ngayong umaga." Sabi ni Glenda habang iniiling ang ulo.

"Ano ang Tawag sa nakahubad na Bear?" Biglang sabi ko.

"Gian anong connect?" nagtatakang tanong ni Glenda. Tumingin ako sa may corridor, nakita kong kinaka-usap siya ng kasamahan namin sa basketball.

"Wag ka nang magtanong kung bakit. Basta sakyan mo nalang. Ulitin natin, anong tawag sa bear na nakahubad?"

"Ano?"

"Eh di BEAR-naked" Bigla namang humagalpak sa tawa si Glenda at hinampas ako sa braso. Loko to ah, masakit kaya yun may pagka-tomboy pa naman to. Nakita kong nakasimangot si Gino kaya napangiti ako.

"Sinong Bear ang singer at sikat?" Tanong ko ulit.

Natatawa namang sumagot si Glenda ng, "Sino?"

"eh di si Justin Bei-Bear." Mas lumakas pa ang tawa niya at humampas ulit sa braso ko. Nakahawak siya sa tiyan niya at pumapadyak pa. Nakangiti lang ako at nakaharap kay Glenda pero sa gilid ng mata ko nakita ko ang masamang tingin ni Gino saming dalawa.

"Ayos ah, ang aga-aga may naglalandian agad sa harap ko. Wooh! Grabe sira agad araw ko!" Napatigil sa pagtawa si Glenda at sabay kaming napatingin kay Gino na halatang nagpaparinig samin. Pumasok lang siya sa classroom habang kumakanta ng Yugto ni Rico Blanco.

Gagong yun. Ahas agad? Hindi naman niya nililigawan to. Ni hindi ko nga type tong si Glenda. Masiyadong sadista.

"Thanks. Kaya ka pala nag-joke." Tumango lang ako. Ito namang si Glenda para nang kiti-kiti na kinikilig. Tss. Ang babaw talaga ng mga kakiligan ng babae. Yung iba nga makita lang ang kagwapuhan ko kinikilig na.

"Hindi ka ba nababahala na malandi ang tingin sayo ni Gino?" Napaisip naman siya sa tanong ko.

"Medyo. Pero at least nakikita kong nagseselos siya kaya alam kong may chance di ba?" Nagkibit balikat nalang ako. Sabagay, may point siya. "Ikaw, hindi ka ba nababahala kay George?"

"May tiwala siya sayo dahil magkaibigan kayo kaya alam niyang wala tayong gagawin. Pero nakakaaliw."

"Paano kung sa ibang babae? Paano kung isipan niyang may nilalandi kang ibang babae?" Ako naman ang napa-isip sa tanong niya.

"Then I guess I just have to prove myself to her. Ang kailangan ko nalang gawin ay ang makuha ang tiwala niya. Kung magagawa ko yun, alam ko sa sarili kong hindi ako magloloko, dahil ayokong masira ang tiwala niya, lalong lalo na ayokong mawala siya." Napangiti naman si Glenda. Hinawakan niya ang kaliwang balikat ko.

"Very well said. Sa ilang beses na pag-uusap natin yan na yata ang pinaka-mahaba mong sinabi sakin. Words of love. How sweet. Oh wag kang mag-blush." Tangina, nagblush ba ko? Langya, nahiya ako bigla sa sinabi ko.

Narinig na namin ang bell kaya nagpaalam na kami sa isa't-isa.

"Teka sandali." Hinawakan niya ang braso ko kaya napalingon ako sa kanya. "Hindi ka ba natatakot na baka mag-away kayo ni Gino?"

Natawa ko ng konti sa sinabi niya. "Hindi."

Buong klase nararamdaman ko ang itim na aura ni Gino sa likod ko pero imbes na matakot natatawa ako.

"Gian kung nakakamatay ang tingin, kanina ka pa walang buhay. Baka pati ako natangay na ni kamatayan dahil malapit ako sayo." Bulong sakin ni Genti. Napangiti ako kaya tumaas ang isang kilay niya pero hindi na siya nagtanong. Yan ang gusto ko kay Genti, parehas kaming tamad magsalita at hindi chismoso.

Lumabas na ang teacher kaya naman tumayo na ako para ayusin ang gamit ko. Simula last week hindi na kami gaanong nag-uusap ni Gino. Minsan nauuna akong umuwi, minsan naman siya.

"Gian." Lumingon ako kay Gino at nakita kong seryoso ang itsura niya. Tae, gusto kong tumawa. Ang hirap magseryoso kapag si Gino ang nakikitaan ko ng ganyang itsura.

"Bakit?" Pilit kong pinapaseryoso ang boses ko.

"Bakit ka lumalapit kay Glenda?" Wooo, Gian. Seryoso siya, magseryoso ka din.

"Ano bang pakealam mo? Bakit ka nagagalit? May gusto ka ba kay Glenda?" Nakita ko ang gulat sa mukha niya. Natahimik siya sandali. Ang hayop na to, siya nalang yata ang hindi nakakaalam na may gusto siya kay Glenda.

"Layuan mo na si Glenda. Wag mo siyang gawing panakip-butas. Sinasabi ko sayo Gian, Lumayo ka na habang kaibigan pa ang tingin ko sayo." Pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya at naglakad palabas pero natigil siya ng magsalita ako.

"Sabihin mo yan sakin kapag naamin mo na sa sarili mong may gusto ka kay Glenda. Sa ngayon, wag kang maki-alam sa aming dalawa." Kadiri, feeling ko nakikipag-agawan ako kay Glenda dahil sa mga sinabi ko.

Sinipa ni Gino ang upuan bago umalis. Isa-isang hinawakan ni Glenn at Genti ang balikat ko pagkatapos ay umiling at sumunod palabas. Tinignan ko ang cellphone ko at itinigil ang pag-record sa usapan namin ni Gino.

~~~

Pretty Crazy StalkerWhere stories live. Discover now