#7 - Aanuhin ko to

12.3K 447 17
                                    

Aaanuhin ko to


Maaga na akong pumasok ngayong araw para maibigay ko kay George ang binili ko. Nahirapan pa akong pumili nito dahil sa liit ng katawan niya. Dumaan muna ko sa locker ko para kunin ang mga libro ko ng may makita akong pink na sobre. Kinuha ko yan at nilagay lang sa gilid kasama ng iba pa, total naman gagawin kong lalaki si George kaya hindi ko na kailangan pang basahin yang mga love letter niya at hindi na rin ako makakatanggap ng ganito.

"OMG, Aniz ang dinu-do mo ditey Fafa Gian?" Sabi ni George habang tumatakbo palapit sa akin, na sobrang lawak ng ngiti. Hindi ko na-intindihan ang sinabi niya kaya napangiti nalang ako. Nakita ko ring nakatingin sa kin ang mga kaklase niyang babae kaya nginitian ko. Tumili naman sila. Langya, gwapo ko talaga.

"Ibibigay ko lang sana sayo to." Pinakita ko sa kanya ang paper bag na hawak ko. Parang bigla namang may kuminang sa mga mata niya nang makita ang regalong hawak ko. Hindi na niya hinintay na iabot ko sa kanya ang paperbag. Siya na mismo ang kumuha sa akin. Nang makita kong bubuksan na niya ay pinigilan ko. "Sa bahay niyo na buksan okay?" Nakatulala lang siya sakin habang tumatango. Ang cute talaga. Ginulo ko naman ang buhok niya at naglakad na ako papunta ng classroom ko.

"Bye Fafa Gian! Salamat ditey." Narinig kong sabi ni George kaya lumingon ako at kinawayan siya. Nakita ko ding nasa likod na niya ang mga babaeng kaklase niya kaya kinawayan ko din. Medyo OA lang yung iba dahil mukhang hihimatayin pa, napailing nalang ako. Tumalikod na ako at naglakad na papunta sa room. Tangina, iba na talaga pag pinanganak na gwapo.

"Pareng Gian, balita ko binigyan mo daw ng regalo si George. Nililigawan mo na?" Narinig kong sabi ni Gino habang tumatawa na halatang nang-aasar. Tinignan ko lang siya pagkatapos ay binalik ulit ang tingin ko sa binabasa ko.

"Tigilan mo ko Gino kundi masasapak kitang gago ka." Walang ganang sabi ko habang nakatingin parin sa libro. Tinawanan niya lang ako.

"Pero pareng Gian, ang pagbibigay ng regalo sa babae, ay senyales na ng panliligaw. Pero ang pumapatol sa bading ay bakla na rin. Gian, naglaladlad ka na ba?" Bigla namang inalis ni Glenn ang pagkaka-akbay niya sa akin na akala mo nandidiri. Tss.

Ako? Bakla? Eh mas lalaki pa nga ako sa mga to. Hindi nalang ako umimik.

"Pero Gian binigyan mo talaga ng regalo?" Tumango nalang ako. Wala akong balak makipag gaguhan sa mga to ngayon. May quiz pa kami mamaya at hindi ako nakapag review kagabi.

One look at ibang-iba na, malagkit.. nanana. Narinig ko kumakanta si Gino hindi yata memorize yung kanta kaya puro 'nana' lang ang naririnig ko. Maya-maya pa hindi na siya nakatiis at kinanta na ang chorus, pero ang mga sira ulo kong kaklase sinabayan si Gino This guys inlove with you pare, this guy's inlove with you pare.. bading na bading sayo.

Tinignan ko yung tatlo ng masama, lalo na si Gino na feel na feel pa ang pagkanta. "ULOL!"

Natapos ang napaka-boring na araw. Naglalakad na ako palabas ng gate pauwi. Sumisipol pa ako ng kantang ginawa namin ni George. Anong kayang ginagawa ng baklang yun ngayon? Binuksan na kaya niya yung regalo? Napangiti ako. Gusto ko sanang makita ang reaction niya pagkabukas ng paper bag.

"Giaaaan!" Lumingon ako ng marinig ang boses ni George. Hawak niya ang paper bag na binigay ko. Napangiti ako lalo.

"Oh George, Nabuksan mo na ba ang regalo ko? Ano nagustuhan mo ba?" Tumikhim naman siya. Nakita kong namumula ang mukha niya at hindi siya makatingin ng deretso sa akin. Inabot niya ang paper bag sa akin pero hindiko yun kinuha at nakatingin lang ako sa kanya. "Bakit mo binabalik?"

"Gian kasi ano.." Huminga siya ng malalim. "Aanuhin ko to? Brief kaya to! Hindi ko to magagamit." Nagpipigil ako ng tawa dahil hininaan pa talaga niya ang boses niya pagbanggit niya ng brief. Kausap ko niya pero hindi siya makatingin ng deretso sakin.

"Hindi ba kasya sayo?" Umiling lang siya ng sunud-sunod. Baka nga mahilo pa siya dahil parang makakatapon na ang ulo niya sa paraan ng pag-iling niya. Isinubsob naman niya ang paper bag sa dibdib ko kaya wala na akong nagawa kundi kunin yun. Pagkatapos ay tumakbo na siya palayo ng hindi parin sa akin tumitingin. Anong nangyari dun? Tangina, wag niyang sabihing panty talaga ang gamit niya?

~~

Pretty Crazy StalkerWhere stories live. Discover now