Simula

56.7K 1.5K 130
                                    

Simula

Tracy


The inner district of Remorse isn't for the faint-hearted.

I live in a strange place. A border. Between a mystical place where creatures of the night lurk even in broad daylight, and a region filled with people who used to hunt down those deadly shifters.

Although the shifters, or the lycans as we call them, are civil nowadays, hunters still keep their guards up. At kung ako ang tatanungin, tama lang iyon dahil kahit bali-baliktarin man ang mundo, halimaw pa rin ang uri nila. They will always be on top of the food chain, fighting for supremacy against the blood-sucking vampyres and the modern-day witches.

We stay away from the inner district not because we respect their boundaries, but because we're still humans and we're afraid.

Baliw lang ang magtatangkang tumapak sa kanilang teritoryo kaya nang malaman ko ang plano ng boyfriend ko at ng tatay ko, pakiramdam ko ay kailangan ko na ring ihanda ang sarili ko sa nalalapit na pagluluksa.

My stiletto kept clicking against the tiled floor as I graced towards the bedroom. Tumaas ang kilay ko nang makita ang mga gamit ni Rouge na halos patapos nang ma-impake.

Humalukipkip ako't sinubukang kunin ang kanyang atensyon. "So talagang hindi kayo magpapapigil ni Papa? Talaga bang papatayin ninyo ako sa pag-aalala?"

Dismayado niya akong binalingan, marahil ay dala ng hindi ko pa rin pagpayag. Pinanood ko siyang ibinaba ang bag ng kanyang tent sa kama.
Bahagyang lumubog ang parteng iyon dahil sa bigat ng bag.

"Hon, ang tagal na naming plano ang hike na 'to. New year's eve pa lang, nakaset na 'to. Please, don't do that. Ayokong ganyan ang itsura mo bago kami umalis."

Muli siyang bumalik sa pag-eempake at iniwasan ang mga titig ko. Nagpakawala naman ako ng isang malalim na hininga habang pinanonood siyang ipagpatuloy ang ginagawa na tila wala talagang balak magpaawat pa.

In the end, hindi talaga niya ako nilingon. Naglakad na lang ako patungo sa kanyang kama para maupo saka ko hinilot ang aking sintido.

"You don't understand, Rouge. Si Papa na lang ang tanging pamilya ko. This hike is too much for him. Matanda na siya't hindi na dapat masyadong nagpapagod," paliwanag ko.

Nagtaas-baba ang mga balikat ni Rouge. Bakas ang awa sa kanyang mga mata nang balingan niya ako, ngunit naroon din ang diterminasyon na hindi ko alam kung saan ba talaga nanggagaling.

It was as of he's been wanting this hike more than my father does. At iyon ang hindi ko maintindihan. He hates the beasts of Remorse anyway so why, out of all the people I know, siya pa talaga ang nagpresintang samahan ang Papa sa Mt. Vermont?

Rouge walked the length towards the bed. Tinabihan niya ako at ang braso ay umangkla sa aking mga balikat.

"I'm sorry, okay? I shouldn't have mentioned this to him in the first place. Pero intindihin mo rin si tito Theo. Wala pang isang taon mula nang mamatay ang Mama mo. Kung mananatili lang siya sa inyo, lalo lang niyang mamimiss si Tita. He needs this hike, Tracy. He needs to fulfill his promise to your mother. Siguradong hindi siya matatahimik hangga't hindi niya 'to nagagawa," he said with sincerity written in his honeycomb eyes.

Sandali akong hindi nakakibo at nag-isip. Nanatili lamang akong nakatitig sa mga mata niya, hindi makapagdesisyon dahil biglang nanikip ang aking dibdib nang maalala ang hiling ni mommy. She did wish for her ashes to be spread where my father proposed to her, and if I wouldn't let dad fulfill that promise, what kind of daughter does that make me? 

Isang malalim na buntonghininga ang muli kong pinakawalan. "Ano pa nga bang magagawa ko eh kayong dalawa na ang kalaban ko sa bagay na ito? Eversince you two got so closed with each other, palagi na lang akong natatalo sa mga usapan. Kayo na lang kayang dalawa ang magpakasal?"

ALPHAS OF REMORSE SERIES #1: The Blue-eyed AlphaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang