Kabanata 6

26.2K 1K 62
                                    

Kabanata 6

Tracy


Pabagsak akong naupo sa kama ng mumurahing motel room. Para akong nawalan ng lakas at hindi mapigilang matulala habang nakalapat sa aking tainga ang cellphone ko. 

I can't believe Levireigh Grimmerson, the so-called compassionate Alpha of the peaceful Astrid City, turned down my request that easily. Nasaan doon ang compassionate?

"He's a jerk. A heartless, egoistic son of a bitch," nanggigigil kong sabi habang kausap si Tina sa cellphone.

"Girl, malay mo naman kasi nagpapakipot o kaya na-hurt. Sabi mo hindi ba parang nagpapa-charming? Tsaka oh my goodness, girl I saw his photo earlier. Damn, I regret not coming with you!"

Napairap ako sa kawalan. "Seriously, Tina? I'm hearing these words from my own bestfriend right now?"

Mahina siyang humagikgik sa kabilang linya. "Eh kasi naman parang wala naman sa itsura no'n ang pagiging walang puso."

"Looks can be deceiving." I groaned and massaged my calves. "Sana hindi na lang ako nag-heels."

Napatingin ako sa salaming nasa tapat ng kama. God, I look awful. Baka kaya hindi ako pinagbigyan ng lintik na Levi na iyon dahil hindi kaaya-aya ang itsura ko kanina. 

"Eh ano nang plano mo ngayon? Uuwi ka na ba or what? Si tito Theo buti na lang na-busy dahil sa mga fake orders. Girl, hati tayo sa babayaran doon."

"Thanks but honestly, hindi ko pa alam, Ti. Nasa Astrid pa ako. I'm staying at one of the cheapest motels in the area. Baka susubukan kong pumunta na lang ng Brenther bukas."

Nahiga ako sa kama at tinitigan ang elesi ng ceiling fan na lumalangitngit. Napakabagal ng ikot no'n at tila anumang oras ay bigla na lamang malalaglag sa akin. Lumunok ako at bahagyang umusog para kung sakali mang madagdagan pa ang kamalasan ko at mahulog nga ang fan, hindi naman sa akin mismo babagsak.

"Hold on, Brenther? Are you insane? Tracy, hindi mo ba alam na ang Alpha ng Brenther ang pinakakinakatakutang pinuno sa distritong 'yan? Diyos ko! Do you have a death wish or something? Astrid is the only pack in the inner district that will let you roam around their city! Hindi porke't nakakapaglakad-lakad ka diyan ay gano'n na rin sa ibang city ng inner district!" Tina said in a hysterical way.

I sighed. "I have to try, Ti. Hindi ako pwedeng umuwi na wala man lang akong napapala. Nandito na ako. Ngayon pa ba ako magpapadaig sa takot?"

"Ewan ko sayo, Tracy. That's already suicide to be honest. Bakit ba kasi kita sinuportahan sa planong 'to? Kapag may nangyaring masama sayo sino na lang ang maid of honor ko?"

Napailing ako. "You really know how to ruin a serious conversation, hmm? Ipapaalala ko lang na wala kang boyfriend-" Natigilan ako nang madinig ang ilang malalakas na katok sa labas ng pinto. Muli akong bumangon at agad dinampot ang vase sa ibabaw ng bedside table. "I'm gonna call you back in a minute."

Tuluyan kong pinatay ang tawag at dahan-dahang binuksan ang pinto, ngunit nang makita ko ang masungit at may balbas na bersyon ng lalakeng kumakain ng popcorn kanina ay hindi ko napigilan ang pagkunot ng aking noo.

I even blinked a couple times, making the guy's thick eyebrows twitch a bit. Hindi nawala ang balbas niya. What's going on? Am I looking at a completely different person?

Tila na-weird-uhan siya sa akin. Ang salubong na mga kilay ay lalong nagdugtong habang ang mga mata niya'y bahagyang sumingkit. "What?" seryoso at tila walang pasensya niyang tanong.

"Huh? Uh, excuse me but you're the one who knocked on my door."

"As if I'm too dumb to realize that. I'm asking why you're looking at me like that." Napunta sa vase ang tingin niya. Mayamaya'y tila nauubusan ng pasensyang umiling saka bumulong-bulong. "God, I can't believe I'm wasting more than twenty words right now."

ALPHAS OF REMORSE SERIES #1: The Blue-eyed AlphaWhere stories live. Discover now