Kabanata 1

37.1K 1.3K 97
                                    

Kabanata 1

Tracy

I found myself in the middle of a foggy woods I barely recognize in my waking life. Ngunit ang aking sistema, tila kilala ang lugar na iyon. Tila . . . may bahagi ng aking pagkataong  tinatawag ng lugar.

I looked around, trying to find my way out. Nadarama ng aking talampakan ang basang mga dahon at ang magaang pagtusok ng mga natatapakang sanga. The wind's whisper is in sync with the birds, creating a calming sound.

Where am I? This isn't the first time that my dream had brought me to this serene place. Ngunit kahit gaano kapayapa ang paligid, may parte ng aking pusong nakadarama ng takot.

Ilang kaluskos ang nagmula sa kung saan. Humarap ako sa direksyong pinanggalingan ng mahinang ingay, ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang matanaw ang lobong may gintong mga matang nanlilisik habang nakatitig sa aking gawi. Its teeth were in display as it snarled, getting ready to attack me.

Nagwala nang todo ang aking puso. My eyes opened widely as I gasped after my back felt the tree behind me. 

The wolf is going to kill me...

Halos hindi ako makagalaw upang tumakbo. Nanatiling nakatutok ang aking mga mata sa papalapit na lobo habang ang dibdib ko ay dumadagundong dala ng matinding takot at pangamba.

I held my breath and squeezed my eyes shut when it started running towards my direction. The next thing I knew, I was already sitting in front of a wounded boy while my shaking hands were gripping onto a sharp stone that's halfway buried in his chest.

Napapalahaw ako dala ng takot dahil sa nagawa. Mayamaya'y tuluyan akong bumalikwas ng bangon. Panaginip. Dinalaw na naman ako ng pamilyar na masamang panaginip.

Napabuga ako ng hangin at kaagad na hinagod ang aking dibdib. Pawis na pawis ang aking noo at ang lalamunan ay nanunuyo dahil sa nangyari kaya nang tuluyang kumalma, inalis ko ang comforter at lumabas ng silid upang kumuha ng tubig.

Nang mapawi ang panunuyo ng lalamunan ay bumalik ako ng aking silid at isinuot ang aking roba bago ako nagtungo sa veranda. Madilim pa sa labas at mula sa aking pwesto ay tanaw ko ang higanteng dome ng UCH.

If only my father will let me be in there, maybe I will understand where all my bad dreams are coming from, and why my boyfriend went missing after entering a lycan territory.

I sighed. "Nasaan ka na ba talaga, Rouge?"


"SOMETIMES I wonder how it would feel like to be your Papa's daughter. Parang hindi yata ako mahal ng mga magulang ko." Tina groaned and massaged her shoulder. "Masarap maging sexy pero nasisira ang ganda ko sa lintik na trainings! I swear if I'll break another fingernail, I will disown them and quit. Nada. Kahit gaano ko kagustong sumunod sa yapak nila, nanghihinayang ako sa lahat ng nagagastos ko sa salon!"

"At ano naman ang gagawin mo kung aayaw ka?" Napabuntong hininga ako saka muling binalik ang aking atensyon sa ginagawang pag-eksamin sa police reports. The records are barely helping with Rouge's missing case but I'd rather stick my nose in each boring page of these reports than sit and do nothing. "As if managing this boring furniture business wouldn't kill you to death?"

Unlike Tina's family who are still active members of the United Clans of Hunters, my family stopped the long history of being hunters and huntresses. My father quit when I was young and started a small furniture shop in the ouskirt of Castañier, a kilometer away from UCH's main headquarters.

United Clans of Hunters is currently the biggest private organization that works with the government. Anything related to paranormal creatures were taken care by UCH and the other hunter organizations.

ALPHAS OF REMORSE SERIES #1: The Blue-eyed AlphaWhere stories live. Discover now