1. Pay for my bills

34.4K 541 16
                                    

"Simon, wait.." hinihingal akong sumunod kay Simon na parang may marathon sa bilis maglakad. Finally, nahanap ko din siya pagkatapos ng isang oras na pag-iikot ko sa loob ng auditorium. It's our acquaintance party. Sinigurado ko sa sarili ko that I will look good this night para sa kanya. I can't believe na hindi manlang niya ako tinapunan ng pansin. The nerve of him! 

"Simon," pigil ko sa braso niya. Huminto si Simon sa paglalakad at halatang halata sa mukha ang pag kairita.

"What is it, Sasha?" Nanginig ang tuhod ko sa sobrang kaba ng makita ko ang nakakatakot na mga mata niya. God! Nakakaintimidate talaga siya kahit ala naman siyang ginagawa. Napatitig ako sa mapanganib na mata niya at sa perpektong hugis ng panga niya. Natauhan lang ako ng nag igting ang kanyang panga.

"A-re you leaving?" Parang tanga akong napalunok at nautal. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako sa itsura niya at the same time ay na-eexcite. I love challenge. Simon's my first love and he's a challenge to me now. Kahit madalas niya akong binubully noon ay nasisiyahan ako.

I was so fat back then. Nakabraces pa ako at nakasalamin. Simon used to bully me.  Pero imbis na mainis ako ay lalo lang akong nahulog sa kanya. Sabi nga ni Celine yung bestfriend ko noon. Nababaliw na daw ako. I don't mind. Nababaliw na nga talaga ako. I'm proud eversince kahit mataba at nerd ang itsura ko. Hindi ako nahihiya kung mataba at nerd ako. I'm still confident, though. Atleast sa lechon walang tapon, eh sa hipon? Duh! Ano naman ang pakelam nila kung mataba ako? Madami lang kasi kaming pambili ng pagkain.

My family migrated to States dahil na din sa work ni daddy. Well, you know-- habang lumalaki ako at nagdadalaga ay natuto akong iayos ang sarili ko. I mean-- maayos naman ako, it's just that natuto akong mag ayos ng sarili. Nagpapayat ako at nagsuot ng contact lenses.

Time flies at na- adopt ko na ang pagiging liberated ng mga tao sa States. I got so many boyfriend and played with them. I don't do serious relationships. I just don't liked. I just love the fun.

After so many years ay umuwi kami sa Pilipinas. I was kinda excited at the same time thrilled. Paano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila ako? Will Simon bully me again? Naiisip ko palang na makita niya ako makes me more thrilled.

I love games and challenges. I love having fun. Gusto ko ng mga bagay na may challenge. Mabilis akong magsawa at mainip. Kaya kapag nainip ako, goodbye na. Pero kay Simon? Umh... may feelings naman ako.

"Yes," malamig na salita niya sabay tanggal ng kamay ko na nakahawak sa kanya. Ang champaigne na tux niya ay bumagay sa kanya nang husto. Ewan ko ba, kung bakit siya ang gusto ko. Siguro, sobrang challenge ang nadadama sa kanya. He's snob, proud and arrogant. I kinda like it.

"Oww," ngumuso ako at sumunod sa kanya sa paglalakad. Nag-iingay sa loob ng auditorium dahil sa ginawa ni Glen kay Maggie. It was so sweet.

Pinatunog niya ang alarm ng sasakyan niya sabay bukas ng pinto nito. I got confused. He's really leaving? Why? The party isn't finish yet.

"Can I come?" I remain myself composed.Hindi na din ako magtanong kung bakit siya aalis or san siya pupunta. Parang may kung ano sa sikmura ko ang bumabaligtad. Nagtindigan ang balahibo ko sa nakakatakot na mga mata niya. 

Nanliit ang mata ni Simon. Somehow, kinabahan ako. He look so pissed. Bakit?

"Okay," malamig na usal niya sabay pasok sa loob. Napangisi ako at lumunok. Gusto kong magtatalon sa tuwa. Simon used to be cold at me, sa sobrang aloof niya ay mas lalo lang akong ginaganahan na pansinin siya.

Pumasok ako sa frontseat na pigil ang hinga. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero okay lang. I just want to chill with him.

"Why did you leave the party? Hindi kaba kailangan don'?" Tanong ko sa kanya paraay mapag usapan. Nabibingi kasi ako sa sobrang tahimik namin dalawa. Diretso lang ang mata ni Simon sa daan habang tamad na nakahawak sa manibela at panay ang buntong hininga. Na para bang nasa sasakyan ang katawan niya pero nasa ibang lugar ang isip niya.

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now