29. Feed him

7.5K 203 21
                                        


"Sasha.." napatingin ako ng bumukas ang kwarto at iluwa si Draco. Ilang araw na akong tulala at walang ginawa kundi umiyak ng umiyak. I can't continue my life. I can't.

"Hindi kaba napapagod umiyak?" Iritado niyang isinara ang pinto. Umiwas lang ako ng tingin at niyakap ang tuhod ko.

Hindi ako pinayagan ng parents ni Draco na bumalik sa unit ni Luther. For some reasons hindi ko maintindihan kung bakit bigla silang nagkaroon ng pakialam sa akin. Ang pag kakaiba lang namin ni Luther ay may body guards siya. Ako? Malaya ako pero hindi ko pa din siya pwede makita o malapitan.

Huminga siya ng malalim ng hindi ako sumagot. "Mag-ayos ka.. dadating ang daddy at mommy mo." Seryosong salita niya kaya nakuha niya ang atensyon ko. Para saan pa at pupuntahan nila ako?

Will it lessen the agony? I bet hindi. Kung hindi lang din nila ako papayagan na makaharap si Luther then it's better if they will leave me alone. Kasi kahit anong sabihin nila. Hindi nila mababago ang nasa isip ko. Hindi din sila ang magiging dahilan para bumitaw ako.

"Para saan?" Matabang na sagot ko.

"Sabi ni Mama iuuwi ka daw sa inyo." Para akong nabuhayan bigla sa sinabi niya. For real? Akala ko ba ayaw nila na sa bahay ako tumira? So it means makikita ko si Luther?

"Totoo ba yan o pinapaasa mo lang ako?" Sagot ko. Bumalik kasi sa isip ko yung mga salita ni Mommy, though dad's quiet the whole time. I still have doubt.

Nagkibit balikat siya. "You should hear it yourself then." Huminga siya ng malalim. "Actually, they're here.."

Para akong nabato ng sabihin niya na nasa baba ang magulang ko. Ano ba sasabihin nila? Na itigil ko kung anong meron kami ni Luther? Lalong nabuo ang galit sa dibdib ko simula ng malaman kong siya ang nawawalang anak ni Daddy. Of all people.. why need to be him?

And I hate Mr. Vera Cruz. We met years ago.. kung alam niyang hindi kami pwede ni Luther. Bakit hinayaan niyang mangyari kami? Ano ba ang nangyari sa kanila at kaming dalawa ang pinahirapan ng ganito?

Pagbaba ko ay pinatuloy nila ako sa library. Nanginginig kong pinihit ang knob. Lately, palagi akong nanghihina at parang walang lakas.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sina mommy at daddy. Walang tao sa loob maliban sa kanila. Biglang kumalabog ang dibdib ko sa pinaghalo- halong emosyon.

Iritableng mukha ni Mommy ang bumungad sa akin. When I turn into dad, tahimik lang siyang nakatingin sa akin.

Tahimik akong umupo sa katapat ng inuupuan nila.

"Bakit po?" Malamig na sagot ko. Matinding pagpipigil ang ginawa ko para hindi pumatak ang mga luha ko.

Tumikhim si Mommy habang si Daddy ay huminga ng malalim. "Umuwi kana sa bahay.." simula ni daddy. Bahagyang napaawang ang bibig ko at walang makapang salita. Ang mata ko ay naramdaman kong bahagyang nagtubig at nanginig.

"Yosef! She can't live with us." Singhal ni Mommy. Napabaling ako sa kanya. Sa panahong ito, siya ang taong inaasahan ko para intindihin at pagaanin ang loob ko. Pero bakit ganito? Bakit parang siya pang ang naglulugmok sa akin imbes na ibangon niya ako?

Matalim ang mga mata ni Daddy na bumaling kay Mommy kaya natigilan ito at tila natauhan. "Why, Arlene? She's our daughter." Malamig na salita niya. Parang punyal itong rumekta sa puso ko. Hindi ko inaakalang lalabas iyon sa bibig ni Daddy after all the hatred that I've given him.

"Our daughter," sarkastikong salita ni Mommy. " that's so happens to be inlove with your son, Yosef. Naririnig mo ba sinasabi mo?" Ngumiwi si Mommy. Pabalik balik lang ang tingin ko sa kanila. Hindi ko maintindihan kung bakit pa sila pumunta dito. Para lalo lang bumigat ang loob ko?

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now