Dedicated to: SheilaValencia343
-----------------------------------------------------------------
"Bukas na ang kasal ni Luther, anong plano niya?" si Eros.
Lutang na lutang ako habang kumakain kami ng almusal ngaun. Bukas na talaga ang kasal ni Luther pero wala pa din kaming plano.
Nagkibit balikat ako at tamad na nilaro laro ang ham sa harap ko.
"Bakit hindi ka makasagot?" si Kuya Eros ulit.
"Mam--mam--" panay ang talak ni Bree sa tabi ko na nakaupo sa high chair. Si papa naman ay masaganang masaga ang pagkain sa kabisera na tila ba walang pakialam kung ano man ang pinaguusapan namin ni Eros.
"Paano ako sasagot kung hindi ko alam ang sagot?" iritableng salita ko sa kanya. "Tsaka, seriously kuya? Ngaun ka lang yata walang alam?" tumaas ang kilay ko sa kanya.
Usually kasi ay alam na niya ang mangyayari sa hinaharap. Siguro hindi niya mapredict kung ano ang mangyayari sa amin ni Luther---oh--- kung ano ang mangyayari bukas.
"Tsss.." umiling si kuya uminom ng kape.
"Calm down, Eros. Mas tensyunado kapa sa kapatid mo." pagsingit ni papa sa usapan.
"Are you not even bothered, pa?" sagot pabalik ni Eros kay papa. Ako ay palipat lipat ng tingin sa kanila. Totoong bothered si kuya pero si papa ay kalmado lang. Nakuha pa nga niyang subuan ng subuan si Bree, e.
"Papa! Baka naman hindi na matunawan si Bree.." nanlaki ang mata ko sa sunod sunod na pagsubo ni papa sa anak ko. Sinasabayan pa niya ng pagtawa dahil lahat ng isinubo niya ay nilululok ni Bree ng walang hirap.
"I doubt that, ang takaw kaya ng anak mo.." natatawang salita ni papa. Umiling nalang ako at patuloy na tinusok ang ham.
Nakisali na si Eros sa pagpapakain kay Bree na apura naman ng subo. My goodness! Akala ba nila baboy ang anak ko?
Napasinghap ako ng biglang tumunog ang phone ko. Medyo kinakabahan pa ako dahil kahapon pa ako naghihintay ng text ni Luther o sabihin niya sa akin kung ano manlang ang plano niya-- oh may plano ba talaga siya.
Jusko! Kasal na niya bukas. And yet, parang normal na normal lang ang lahat. Bakit hindi ko makuhang maging normal? I mean-- kung nakikita lang nila ang nararamdaman ko ay malamang ay nasa ospital na ako ngaun.
Luther:
-There's a party for Simon tonight. I'll pick you up at seven.. I miss you..
Kumunot ang noo ko. Talagang party pa ang sasabihin niya sa akin? Talagang nakuha pang makiparty ni Luther gayong kasal na niya bukas? And Jesus! Wala ba siyang plano?
Bahagya akong nakaramdam ng inis. Kahit naman sasama ako kay Luther ay hindi ko na siya nireplayan. Akala na niya ba patay na patay ako sa kanya? Well一 medyo medyo lang naman. Kung gusto niyang ituloy ang kasal niya bukas.. Tangina niya!
Lalo akong nawala sa mood at mas lalo lang napabigat ni Luther ang nadadama ko. Nakakainis talaga siya!
"Oh, bakit mukhang bumagsak sa lupa ang mukha mo?" natatawang salita ni Eros. Lalo akong sumimangot.
"tigilan mo nga ako!" pagtataray ko. Nagkatinginan sila ni papa. Nagkibit balikat si Eros habang natawa ng bahagya si papa.
"Aalis ako mamaya, pa." paalam ko kay papa ng lumipat kami sa garden. Kandong kandong niya si Bree na apura ang pagtalon sa binti ni papa.
"Okay," sagot ni papa na hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Seriously?
"Hindi mo ba tatanungin kung saan ako pupunta?" hindi makapaniwalang tanong ko. Dati kasi, kahit ccr lang ako ay tinatanong niya kung saan ang punta ko.

YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..