6. It can't be

10.8K 306 15
                                        


Pagkatapos ng sayaw nila Prim ay pumasok na kami ni Luther sa gitna. Madaming kababaihan ang nag ingay ng pumasok si Luther. Umirap pa ako sa kawalan ng halos magyabang siya sa lahat. Nagsimula ang tugtog na Side Kick kaya kinabahan ako ng bahagya. Sa nakita ko kasing sayaw ni Luther kanina ay hindi ko alam kung ano mangyayari samin dito sa gitna.

Iginalaw ko ang katawan ko. Halos mastatwa ako ng si Luther na ang gumalaw. Fuck! Hindi siya nagsisinungaling kanina.! He really have the moves.

Ngumiti siya at kumindat sakin kaya naman sinabayan ko na siya kahit gulat na gulat ako. Bawat galaw ni Luther ay malinis at parang propesyonal sa ginagawa niya. Damn this fuckboy! Akala ko si Simon lang ang magaling sa hiphop dance pero nagkamali ako. Pakiramdam ko nga ay mas magaling pa si Luther sa kanya.

Lalong umingay ng nag chorus na, sabay na kaming nag grind ng katawan ni Luther. Nagsimula kong ma enjoy ang nangyayari dahil kampante akong malinis ang galaw naming dalawa.

"Wooooooooo!!!!!" Sigaw ng mga taong nakapaligid sa amin.

"Wala e, may panalo na.. masyadong ginalingan eh." Sigaw ng iba. Ang saya saya kong natapos ko ng maayos ito kahit gulat na gulat ako sa pinakita ni Luther.

"So..." salita ni Luther na bahagyang hinihingal pa. Pakiramdam ko ay may umiikot sa sikmura ko na kung ano at kuryenteng gumapang sa buong pagkatao ko dala ng pagkakahawak niya sa beywang ko. "How about our dinner?" Panay ang kaway ni Luther kahit nasa gitna pa kami. Isa isang lumapit ang kagrupo ni Prim kaya hindi ko na nagawang sumagot.

"You got them serve, Sasha!" Tuwang tuwang sigaw ng mga kasama nila Prim tsaka kami niyakap. Pakiramdam ko ay nanigas ako bigla ng makulong kaming dalawa ni Luther sa gitna. Magkadikit na magkadikit kami ni Luther habang nakayakap sila sa amin at tuwang tuwa.

Nagtama ang mga mata namin ni Luther. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi nakisama ang mga mata ko. Titig na titig lang din ako sa kanya.

"You owe me a dinner, Sasha.." bulong ni Luther kaya napakurap kurap ako sa harap niya.

"Pigilan niyo!" Tili kung saan. Isa isang nawala ang mga nakayakap sa amin at mga tao ng biglang nagkagulo.

"Si, Simon napa-away.." sigaw ng isang kasama ni Prim. Kumunot ang noo ko. Mabilis na kumawala si Luther at lumapit kung saan may gulo. Huminga muna ako ng malalim tsaka patakbong sumunod sa kanya.

"You suck, Maggie.." sigaw ni Simon sabay bitaw sa kamay ni Maggie. Nakahawak naman ang kabilang kamay niya kay Glen.  Nanliit ang mga mata ko.

"Sinagot ni Maggie si Glen." Iritableng salita ni Luther na para bang hindi natutuwa sa nangyari. Nanliit ang mata ko. Nandito naman pala si Simon pero bakit di siya nagpakita? At ano nangyari?

"The show's finished.. umalis na kayo." Sigaw ni Luther sa mga taong naka-ikot kay Glen at Maggie. Napatingin si Maggie kay Luther kaya umiling si Luther at tumalikod. Alam kong may nangyayari dito na hindi maganda pero hindi ko talaga maintindihan.

Imbes na guluhin ko ang isip ko ay bumalik kami sa gitna. Ala na nga si Prim kaya naiwan kami. Kahit kami ang nanalo ay hindi ko makuhang ngumiti. Nakakuha pa kami ni Luther ng special prize pero pareho kaming tahimik at hindi makuhang matuwa.

Lumipas ang araw at pala isipan pa din sa akin ang nangyayari. Ayoko naman tanungin si Luther dahil alam kong ala siyang matinong sagot.

Napaayos ako ng higa ng makareceived ako ng text.

Luther

- can I claim my prize?

Me

- what prize?

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now