28. Dahilan

7.7K 232 28
                                        

Napahawak ako sa ulo ko ng makadama ako ng matinding kirot. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakaalis sa hotel at kung nasaan ako ngaun.

Nanaginip ba ako kagabi? Tama! It was all dream. Tumayo ako para sana mag-ayos ng sarili ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

"Umh.. gutom ka?" Bungad ni Draco. Nakatunganga ako sa harap ni Draco. Malamlam ang mga mata niya habang puno ng habag na nakatingin sa akin.

Umiling ako. "Nasan si Luther?" Tanong ko sa kanya. Nakaramdam ako ng pagkahilo at pagbaligtad ng sikmura kaya mabilis akong tumakbo papasok ng cr. Halos lumabas lahat ng bituka ko sa sobrang pagususuka na ginawa ko. Naalala ko na hindi pa pala ako kumakain ng kahit ano mula kagabi.

Naghilamos ako at lumabas ulit ng silid.

"Ayos ka lang ba?" Puno ng pag-aalala si Draco. Pagod akong ngumiti at tumango sa kanya. " Bakit ako nandito? Alam mo kung nasan si Luther? Pupuntahan ko siya." Salita ko.

Nakuha ko ang buong atensyon ni Draco. Kumunot ang noo niya habang nakatunganga sa harap ko. Tinagilid ko pa ang ulo ko para malaman niya na hinihintay ko ang sagot niya.

"What? Pwede bang ihatid mo ako sa unit namin?" Sagot ko ulit. Draco sighed heavily at mabilis na lumapit sa akin tsaka ako niyakap ng mahigpit.

"Tara na.. baka hinihintay na ako ni Luther." Sagot ko habang isa isa ng bumabagsak ang luha ko. Lalong humigpit ang yakap sa akin ni Draco kaya lalong nagtuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko.

"Sasha.. alam mong hindi na pwede." Halos ibulong niya nalang iyon. Nakaramdam ako ng iritasyon kaya bahagya ko siyang itinulak.  "No.. hindi totoo yong nangyari kagabi diba? It was just a nightmare. Kasal nalang ang kulang sa amin, Draco... We've been together for years.. and then.." nanginig ang boses ko.

"Shh-- I don't know what will I tell you to ease the pain.. I just--" tumingala si Draco. "Kahit ako ay nagulat,"

Niyakap niya lang ulit ako ng napahagulgol na ako ng iyak. Hindi ko pa din matanggap na nangyayari ito. Na pwede palang mangyari na isang iglap lang.. bumagligtad ang mundo mo.

Kahit nalaman ko na kapatid ko si Luther? Walang nagbago sa nararamdaman ko. Dapat ay kilabutan o mandiri ako sa nangyari sa amin diba? Dapat ay mawala lahat na kung anong meron sa isip ko dahil hindi pwede. Dahil hindi tama. Dahil magkapatid kami.

Pero kahit anong pilit kong ipasok sa utak ko na kapatid ko siya? Mas lalo ko lang akong nahuhulog sa kanya. Mas lalo ko lang nararamdaman na mahal ko siya. At mas lalo lang akong nagpupursige na ipaglaban siya.

"Please, Draco... gusto ko siyang makita.." pagmamaka-awa ko sa kanya. Kumalas sa pag kakayakap si Draco. Seryoso siyang bumaling sa akin at pinunasan ang mga luha ko. "Sige na.. hindi ko kaya Draco. Mahal ko siya.."

"Sasha-- fuck!" He sighed again. "This is not right but fuck! Okay, gagawa ako ng paraan." Bahagya akong kumalma. Simula kagabi ay ngaun lang ako kumalma.

Ayokong maniwala na nangyayari ito. Ayokong tanggapin na mawawala si Luther sa buhay ko. Simula ng naging kami. All I wanted is the real strings for us. Pero eto ba yun? Eto ba yung strings na ibibigay sa amin? Ang maging mag-kapamilya kami? Magkapatid?

Nanghihina akong lumabas sa silid. Mabuti nalang at si Draco at Darton lang nasa bahay. Kasi, hindi ko sila kayang sagutin kung ano man ang ibabato nilang tanong sa akin.

Nanginginig akong dinampot ang cellphone ko. Sa nangyari kagabi malamang ay kalat na ang gulo. I can't contact Luther. Nasaan na kaya ang phone non? Nasaan siya? Nasa bahay ba? Parang gustong sumabog ng utak ko sa dami ng tanong at iniisip.

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now