35. Goodbye

8.1K 244 35
                                        

Forbidden? Paulit-ulit kong tinitigan ang tattoo ni Luther habang masayang nakikipag kwentuhan kay Celine.

Kahit pala pilitin ko ang sarili ko na kaya ko ay hindi pa din iyon kayang tanggapin ng nararamdaman ko.

Simon left para sunduin si Maggie sa school. I'm with Draco the whole time. Masyado kasing bida si Dominic at Gaile dahil sa nalalapit nilang wedding.

I find Dominic, coward. May mahal siyang iba pero wala siyang lakas para ipaglaban. If  I were on his position? Itakwil na ako ng pamilya hindi ko isusuko kung saan ako sasaya.

Sabi nga nila, ang kapalaran ni Pedro ay hindi kapalaran ni Juan.  Si Dominic, pwede siya lumaban pero ayaw niya lang. Kami ni Luther? Lumaban man kami pero wala kaming patutunguhan. Magkapatid kami, end of story.

It sucks right?

"Alam mo ba bakit may party?" dumidilim na kaya binuksan na ang mga ilaw sa garden. Hindi na bumaba si Kristele simula ng nag-away sila ni Draco kanina. Sabi na e, she'll take it seriously.

Panay ang text ni Draco habang nakakunot ang noo. Ni hindi ko nga alam kung narinig ba niya ako o ano. "Hoy!" marahan kong hinampas ang balikat niya kaya napasinghap siya at bumaling sa akin na kunot ang noo.

"Pardon?" naguguluhang sagot niya kaya umirap ako. Sa huli, he continued what he's doing kaya hinayaan ko nalang. Tutal, mukhang nagbyahe sa ibang lugar ang utak niya.

Umingay ng nag propose ng toast si mommy. Malaki ang ngiti niya para sa couple na nasa harap. Are they even couple? Walang bakas ng kahit anong ngiti sa mukha ni Dom.

Naisip ko din, bakit nga ba ako nandito? Malayo kasi ang table namin ni Draco kaya para lang kaming outsider na nakatanga dito.

Napatingin ako ng sumigaw ang isa kong pinsan. Mabilis lumapat ang tingin ko kay Celine na nakakapit sa leeg ni Luther habang papunta si Luther sa malalim na part ng pool.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil sa sakit. Mabuti nalang at medyo madilim kaya hindi mapapansin ang lihim kong pag-iyak.

Gusto kong tumakbo at mag walk out. Gusto kong sumigaw at hilahin si Luther paalis dito. Pero ayokong gumawa ng eksena.

How can I move on kung magkasama kami? Paano ko makakalimutan yung, minsan, sa buhay ko.. Kami ni Luther ang nasa ganyang posisyon.

Huminga ako ng malalim ng medyo kumalma ako. Pilit ko nang iniwasan ang pagtingin kay Luther pero hindi naman maiwasan ng pandinig ko ang pangbubuska ng mga kamag-anak ko sa kanila.

Siguro kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na makita si Luther sa iba. Pero habang naiisip ko iyon, unti- unti, nawawasak ako.

Siguro, naisip din ni Luther na hindi na talaga kami pwedeng dalawa. Masakit pala na, ikaw ang sumuko at nagtaboy pero sa huli ay ikaw pa din ang masasaktan.

Minsan, lalo na kapag masasakit na salita ang sinasabi sa akin ni mommy ay sana malaman ko na hindi nila ako tunay na anak. That way-- mas magiging masaya pa siguro ako.

Napasinghap ako ng biglang nag-ring ang cellphone ko. It's Eros.

Tumayo ako. Way na din siguro ito para tumakas dito. Bumaling ako kay Luther for the last time pero nagulat ako ng mahuli ko siyang titig na titig sa akin.

Parang may kung anong bumaliktad sa sikmura ko at may nag-fiesta sa dibdib ko. I thought he'll never look at me. We can't be together though.

"Are you okay?" bungad ni Eros sa akin. Nakapasok na ako sa bahay kaya medyo nakahinga na ako ng maluwag. Hindi naman ako na-bother coz I know that no one will find me.

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now