23. Atasha's property

8.6K 272 22
                                    

Graduation na namin mamaya so I decided na ibili ng regalo si Luther. Wala pa akong plano kung saan ako magtatrabaho after ng graduation. Hindi ko pa din kasi alam kung ano ang gusto ko. Nagpost lang ako ng resume sa isang site para sa mga job hiring. Tapos.

Isang buwan na kami ni Luther..  Don't really know the score or how to label it. He just confessed and that's it. Sabi niya lang naman "I'm breaking his rule" wala naman siyang sinabi na mahal niya ako diba? Good thing nagbago naman siya. Madalas kami ang magkasama or di kaya ay magdamag kaming magkausap. And as of now.. wala pa naman akong nababalitaan about sa kanya.

Our so called 'relationship' is discreet. Ilan lang ang nakakaalam. Well, alam naman ng iba noon na kami.. pero hindi nila alam na totoong may kami na. O kahit ako ay hindi pa din malaman kung ano ba.

Luther

-Morning sweetheart..

Napangiti ako ng buksan ko ang message ni Luther. Nasa mall kasi ako para bumili ng gift at magpaayos para sa graduation mamaya. Nagtipa ako ng reply ko sa kanya habang papasok sa Watson. Wala kasi akong maisip iregalo sa kanya. Kaya sarili ko muna ang bibilan ko.

To Luther

- send to many ba yan o para sakin lang?

Lumapit ako sa beauty section at naghanap ng facial mask. Nakapili ako ng isang lavander cooling mask, kumuha ako ng tatlo at nag ikot ikot ulit.

Luther

- TH ka lagi noh? Kung send to many yan dapat may 's' wala naman diba? So singular lang yan. Ikaw lang. Tss.

Natatawa kong binasa ang reply niya. Highblood to palagi! Of course, sino naman ang hindi magtatamang hinala sa kanya? I've seen his phone before na palaging send to many. Naiimagine ko pa ang nakataas niyang kilay habang iritang irita ngaun. Pikon pa naman yan.

Hindi ko naman kasi maiwasan na magtamang hinala. Knowing Luther? Malay ko ba diba? What if hindi naman niya ako mahal? He never say it though. Gusto lang niya ng ganito. Walang assurance pero may karapatan. Parang nasa trial and error stage. Kapag hindi nag click.. magiging syntax error ang ending.

Ramdam ko naman na seryoso siya sa kung anong meron kaming dalawa. Pero iba pa din kung naririnig at sinasabi seyo diba?

Natawa ako bahagya at dinampot ang napili kong ibigay sa kanya. Pag kaabot ko ng bayad sa counter ay nagtipa ako ng reply.

To Luther

- You can't blame me. Seen your worst.

He want to try us. What do he expect?

Pumasok ako sa favorite restaurant ko.

"Good afternoon, ma'am." Salita ng staff na sumalubong sa akin. Tumango ako. "Table for?" Dugtong niya.

Gusto kong umirap sa babae. May nakikita ba siyang kasama ko?

"Just me." Sagot ko. Tumango ang babae at tinuro ang way kung saan available. Umupo ako at inilagay sa katapat na chair ang mga pinamili ko.

"Baby back ribs and Ice tea." Tumango ang babae pagkatapos kuhanin ang order ko. Dinukot ko ulit ang phone ko para tignan ang reply ni Luther.

Luther

- What do you want me to do para maniwala ka? I'm not good in this, Sasha.. I won't do the fucking thing if I'm not serious. You know me. This is my best.

Napangisi ako sa reply niya. Gusto kong sabihin mo na mahal mo ako. Na buong buo. Walang subok o ano. Gusto kong maramdam yung may karapatan talaga ako seyo. Yung kaya kong isagaw na akin ka.

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now