Maraming booth ang bumungad sa akin pagpasok ko ng university. Anniversary kasi ng university kaya one week ang events at activities.
Malapit na din ang graduation kaya abala kami sa pag-aayos ng mga requirements. Ang sabi pa nga ni Luther ay uuwi si Simon next week kaya kailangan namin sunduin.
Namin.
Until now nagugulo pa din ako kung nagpapanggap pa din si Luther o totoo na. He's been good lately. Palagi kaming magkatext o di kaya ay magkasama. Para ngang hindi ko na kayang mabuhay na wala siya.
"Nasan si Luther?" Kalabit ko kay Darton na apura ang pagtira sa shooting birds na booth. Panay pa ang mura niya dahil palaging sablay ang tira niya.
"Don't know.." kibit balikat niya at humawak ulit ng baril barilan at umarte na parang propesyonal. Umirap ako at kinapa ang cellphone sa bag ko. Dalawang araw na kasi siyang hindi nagpapakita sa akin.
To Luther:
- San kana?
Mabilis lang nagreply si Luhter na ikinagulat ko. Minsan kasi oras ang tumatagal bago siya magreply lately. Hindi siya mahilig magtext pero ang daldal niya sa personal.
From: Luther
- Just around.
Tumaas ang kilay ko. Ano naman ang inaarte sa just around nito? Pansin ko na dalawang araw na niya akong iniiwasan. Umupo ako sa gilid ng booth kung nasaan si Darton. Sila Camille kasi ay abala sa pag-aayos ng ghost town kung saan plano kong ayain si Luther mamaya.
To Luther:
-I'm here too. Tara dito.
From Luther:
..............
Napakunot ang noo ko sa reply niya. Nararamdaman ko na parang may bumabagabag sa kanya. Kilala ko na kasi si Luther. Hindi niya hinaharap ang problema. Palagi siyang tumatakbo at sinasarili ito.
Ano na naman kaya ang problema niya? Ugh.
Hindi na ako nagreply. Kahit nababagabag ako ay pinili ko nalang enjoyin ang mga booths. Maybe, may topak lang si Luther. Minsan kasi hindi mo maintindihan ang ugali non. Yung hindi mo mabasa ng usto. Kadalasan kasi mas magawa siya kaysa sa salita kaya madalas ay hindi mo siya maintindihan.
Minsan dinaig pa ang climate change sa pabago-bago ng mood. Siguro ay may low pressure ngaun sa utak non!
"Tara dun sa color booth?" Napasinghap ako ng biglang lumitaw si Eros sa harap ko. Malaki ang ngiti niya habang nakalahad ang kamay sa akin. Good thing Eros not asking question about me and Luther anymore. Simula ng nag-confess ako sa kanya ay naging mas malapit na kami sa isa't isa. He's been there for me sa lahat ng oras.
"Wala ka bang ibang friends?" Umirap ako sa kanya habang kinakaladkad niya ako sa dagat ng tao na nagkakagulo sa iba't ibang booths.
"Meron." Sagot niya at nagdiretso ng lakad. "Nasaan? Bakit wala akong nakikita?"
"Ikaw." Natatawang sabi niya kaya umirap ako. Sometimes..nalilito din ako sa kanya. Minsan kasi sobrang maalaga at mabait sa akin si Eros. Don't get me wrong.. I like him as a person and a friend. Pero aaminin ko naman na hindi ako pinanganak kahapon.
Sa dami ng pwedeng kaibiganin niya sa school, bakit ako? Bakit hindi ang iba?
Huminga ako ng malalim nang matraffic kami sa kumpol ng tao sa wedding booth. Mayroon kasing ikinakasal ngaun at halos palibutan ito ng madaming tao.
"Eros," tawag ko sa kanya. Nasa harap pa din ang mga mata niya habang seryosong nakikinig sa pekeng kasal.
"Hmmm.." tanging sagot niya. Hinawakan ko ang chin niya para mapaharap siya sa akin. Bahagya pa nga siyang napalundag pero nanatiling kalmado lang. "Aminin mo nga.. bakit ang bait mo sa akin? Bakit mo ako kinaibigan? Gusto mo ba ako?" Diretsong tanong ko. Damn.

YOU ARE READING
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..