4. Cover Photo

12.7K 336 33
                                    

"Ano kaba, Dad.." napangiwi ako pagbaba ko ng hagdan ng makita ko si Mommy at Daddy na naglalambingan. Dumiretso ako sa gawi nila para storbohin ang kadramahan nilang dalawa. Ang aga aga pati langgam ay kinikilabutan sa kanila.

"Ate, can I borrow your, Tori shoes?" Harang sa akin ni Kristele. Tinaasan ko siya ng kilay habang naghihintay ng sasabihin ko. " Where's yours?" Sagot ko.

Umirap muna siya." Duh! Nakalimutan ko kila Becka. Kunin ko na ah.." hindi pa ako nakakasagot ng dumiretso na siya ng takbo sa taas. Bakit pa siya nagpaalam kung kunin din pala niya? Hay nako! Lalong nasira ang umaga ko.

"Gusto mo pa?.." salita ni Mommy habang sinusubuan ng ubas si Daddy. Hindi ko alam kung bakit kinikilabutan ako. Years ago.. nagtaksil si Daddy kay Mommy at halos isumpa na niya ito. Sumama si Daddy sa ibang babae at ang alam ko ay nagka anak ito dito. I just don't know kung nasan na ang bata na ang alam ko ay halos kasing edaran na namin ni Kristele.

"What a morning Mom," bati ko kaya bigla silang napaayos dalawa. Since the day I heard what Dad made to Mom? Nawalan na ako ng gana sa kanya. Lalo na nung nalaman ko na may kapatid kami ni Kristele sa labas at hindi ko alam kung bakit nanlamig ako sa kanya. I respect him, though.

"Why so bitter, Sasha?" Umirap si Mom. Umupo ako sa harap nila ng walang kaba at takot. I hate mom for coming back to Dad. Okay naman kami noon-- Nabuhay kami kahit iniwan kami ni Dad. What's the point of having him back? Trust is important to me. Kapag nasira na ito, you can never have it back. Even my Dad couldn't have it back.

"I ate bittermelon lastnight , Mom. Ang mura kasi." I sarcastically said. Nagbuntong hininga si Dad pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.

"Could you atleast, respect your father? Or me? Can you accept that I forgave your dad already.." matigas na salita ni Mommy kaya napatingin ako sa kanya.

"What did I do? I just told you that I ate bittermelon---"

"Oh-- shut your crap, Sasha!"

Marahas kong binaba ang kubyertos na hawak ko. Nagulat si Mommy sa ginawa ko pero blanko lang ang expresyon ni daddy.

"Then don't ran after me again and cry for," liningon ko si Daddy na tila hinihintay ang sunod na sasabihin ko. "Someone who lied to you and broke your heart."

Tandang tanda ko pa nung nasa higher level ako ng highschool sa U.S. how Mom cried every single hour of the day. Halos hindi na ako makapasok sa school to comfort her. She was so shuttered and I just couldn't let her alone. Galit na galit ako sa ginawa ni Dad. Sumama siya sa iba at iniwan kami.

Nagkaron ako ng trust issues. Masyadong naging miserable ang kabataan ko dahil sa ginawa ni Daddy. Ako lang ang nasa tabi ni Mommy noon, ako lang ang nakakaalam ng paghihirap niya. And now? Magsasama ulit sila na parang wala lang? Kaya ako? Hanggat hindi ko nakikita ang tamang lalaki na pwedeng makasama habang buhay? I will not settle down. Girl's don't deserve the better, we deserve the best. 

Tumayo ako dahil nawalan na ako ng gana. Hindi na nagsalita si Mommy at si Daddy. I never regret what I have said though. Minsan kahit magulang natin sila ay hindi mo pa din basta basta mawawala ang sakit na naidulot nila. And what dad, did? Ako ang kinalabasan. I mean-- yon' ang dahilan kung bakit takot ako pumasok sa seryosong relasyon. I saw how mom suffered that's why I'm scared.

"Ate, where's your MAC lipstick?" Inosenteng tanong ni Kristele na naabutan kong nasa loob pa ng kwarto ko. Huminga ako ng malalim at pilit na inalis ang iritasyon sa sarili ko. Ayokong idamay si Kristele sa inis ko.

"In my bag.." seryosong sagot ko. Panay pa din ang halughog si Kristele sa gamit ko kaya naman hindi ko mapaigilan lalong mairita.

"What bag? The LV or the TB?"

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now