26. Wala siya

8.2K 230 12
                                        

"Ma'am uuwi na kayo?" Tanong ni Sam, officemate ko. Ngumiti ako at nagsimulang iligpit ang gamit ko. I'm dying to see Luther now.
       
Simula ng lahat, ngaun lang ako nasabik na umuwi at makasama siya. Ngaun lang ako nasabik sa lahat. I feel-- well parang nakalutang. I'm genuinely happy and contented.

Ngumuso ako at lihim na nangingiti habang nagliligpit ng gamit. Luther's my drug. My happy pill.. para ngang lalo akong na-adik sa kanya ngaun.

I don't expect him to say those things that way.. eh ano paba ang magagawa ko? Luther is Luther. Wala talagang romantic bone ang katawan niya. Magugulat ka nalang at bibiglain sa paraan niya.

"Oo." Ngumiti ulit ako kay Sam.

"Ingat ma'am." Tumango ako at nag-wave ng kamay sa kanya.

Sumakay ako sa lift. Iniisip ko kung anong pwedeng iluto ngaun dinner? I want to surprise Luther. And maybe.. I will buy condom for him. Ilang months na kasi siyang hindi gumagamit noon' well-- kapag alam niyo na.

Umiling ako at tinapik tinapik ang pisngi. Grabe Atasha! Yun talaga ang iniisip mo?

Pagbukas ng lift sa ground floor mabilis akong lumabas. Rush hour na kasi ngaun at baka maipit ako sa traffic. Pupunta pa ako ng grocery  para mamili ng gagimitin ko sa pagluluto. Mabuti nalang lately gina-gabi si Luther sa office nila. 

"Ate.." natigilan ako ng makita ko Kristele. Kumunot pa ang noo ko ng makita siyang umiiyak at mugtong mugto ang mata.

"Bakit ka nandito? Bakit ka umiiyak?" Mabilis akong lumapit sa kanya. Ang lahat ng plano ko kanina ay nilipad ng hangin bigla. Bahagya akong nagpanic sa itsura ni Kristele. I've seen her sad and frustrated pero kahit kelan ay di ko siya nakitang umiyak ng ganito. 

Ano 'to umiyak siya dahil sa post ni Luther? Kanina lang galit na galit yan sa akin eh. Seriously? Iniyakan niya iyon?

Lumapit ako sa kanya para daluhan.

"Si Daddy umuwi na.." humihikbi si Kristele at halos 'di na makadilat. Nagulat ako ng bahagya at nai-kuyom ko ang kamao. Hinila ko si Kristele papunta sa basement kung saan naka-park ang sasakyan ko.

"Bakit ka umiiyak?" Hinarap ko siya at pinahidan ang luha na sunod sunod ang pagbagsak sa mukha niya. Why is she wasting her tears and emotions kay dad? She's fine with what's happening to our family. Na watak watak na talaga kami. Bakit ganito ang luha niya ngaun?

Hindi paba siya sanay? Hindi paba niya tanggap na ganito ang pamilya namin? That dad can leave anytime he wants to leave? Na kahit kailan ay di na kami mabubuo?

Hindi ako pinansin ni Kristele. Patuloy pa din ang pag-iyak niya kaya napatitig lang ako sa kanya. "Tinanggap siya ulit ni Mommy coz' dad promised her that he wont leave again."

"why are you crying then? Hindi kapa ba sanay? And don't you dare believe what dad said. Hindi 'yon totoo." Nakaramdam ako ng matinding galit. Bakit ganyan si Daddy? Aalis at babalik na parang wala lang. Mangagako pero hindi naman niya kayang panindigan.

"Kasi ate nahanap na ni Daddy ang anak niya. And I'm here dahil ipapakilala niya sa atin mamaya yung anak niya."

Napasandal ako sa kotse ko at tila ba nawalan ng lakas. He still persued to find his child. Finally.. after so many years he already found his son. Saan naman niya nahanap? At bakit kailangan pa ipakilala sa amin? I don't get it. Gusto ba niyang ipamukha sa amin na mas gusto niya ang anak niya sa labas kesa sa amin?

Nandito kami ni Kristele. Buong buhay namin ay hindi ko naramdaman na nanjan si Daddy para sa amin. At eto! He has the nerve para ipakilala sa amin ang pinakamamahal na anak niya? Ang bunga ng pagtataksil niya sa pamilya?

No Strings (Strings Series 1)Where stories live. Discover now