Chapter 3

419 5 0
                                    

Chapter 3

Hope


I remembered last night that Ara took me home, hindi ko na maalala kung anong sunod pa na nangyari doon but well, I'm still in my shirts. So, nothing happened. I freshened myself by having a good bath and when I go downstairs wearing only my boxers, I freaked out when I saw Ara at the kitchen, preparing for breakfast.

"Oh, Barbara! You shookt me! What the hell are you doing here in my apartment?"

And when she turns on my direction, her eyes widened and turned around from me. "Actually, before I answered you, wear a shirt."

Napangisi naman ako sa sinabi niya. "I'm at home, ganito ako madalas dito."

Wala naman siyang magawa kaya lumapit na rin ako sa table. Nang muli itong humarap habang sinasalin ang egg sa pinggan ay napansin ko ang pag-lip bite nito. Napailing na lang din ako sa iniisip ko. Hindi ko alam pero natatatawa na lang din ako.

"What are you laughing at, Kareem?" pagtataray naman nito sa akin.

"Nothing," hagikgik ko pa. Kinuha ko naman ang kobyertos at nagsalin ng sinangag at ulam sa aking pinggan. "You never told me na mag-stay ka dito?" tanong ko at inabot naman niya ang hawak kong plato ng ulam.

"You were drunk, kailangan ko pa bang magpaalam?" aniya pa. "Kumain ka na nga lang din saka pagkatapos ko dito uuwi na ako, may shift na ako mamaya."

"Okay, uwian mo ko ng cupcake ah!" sabi ko pa.

"Utot! Si Eda lang nakakagawa niyan sa akin." nang masabi naman niya iyon ay bigla naman siyang nanahimik at kumain na lang din.

Nauna namang matapos kumain si Ara sa akin. Saglit lang na nag-ayos siya at nagpaalam na sa akin saka siya umalis. Mag-isa na rin naman ako sa bahay, napag-isipan ko rin namang dumaan sa bahay nila papa. Ewan ko kung alam nila ang nangyari kay Eda, o wala lang talaga silang pakelam?

Matapos kumain ay nagligpit din ako ng mga gamit sa sala. Napansin ko kasi ang mga balat ng tsiterya sa sala eh, mukhang tinamad nang linisin ni Ara iyon. Barbara nga talaga. Naligo naman ako at nagbihis ng damit. Paalis na rin naman ako ng biglang may tumawag sa phone ko.

"Hello, officer, ano pong meron?" bungad ko kaagad.

"Good news for you Mr. Barron, may isang babae ang pumunta dito kanina para mag-report noong nakaraang insidente."

"Ano po iyon?" nabuhayan din naman kaagad ako ng bigla kong marinig iyon mula sa kanila.

Isang linggo na ang nakakalipas, simula nang mangyari iyon pero wala man lang ni isang balita ang nakukuha kong impormasyon tungkol kay Eda. Pero mukhang sa ngayon ay meron na, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong tuwa.

"Officer, pupunta na lang po ako diyan, hintayin niyo ako."

Mabilis naman akong kumilos at pumara na kaagad ng taxi. Ang kabog ng dibdib ko ay hindi mapakali sa kung ano mang balita ang matatanggap ko ngayon. It's a good news and it means, there's a chance that she's still alive.

Hindi ko rin naman inisip na wala na siya. I'm not into negative vibe. I always believe that she will come back.

Nang biglang nagkaroon ng traffic ay mas lalo akong hindi mapakali. Mas tatagal pa siguro dahil nagkaroon ng banggan ang dalawang sasakyan at ayaw umalis hanggat walang kasunduang nangyayari. Hindi ako makatiis kaya binayaran ko na nag taxi at naghanap ng mga naka-motor kung pwedeng umangkas papunta sa presinto.

All Out of LoveWhere stories live. Discover now