Chapter 7

234 5 0
                                    


Chapter 7

Confined


Halos nanginginig na ako sa sobrang lamig. Pinatay na nila ang aircon para naman pagpawisan ako. Uminom na rin naman ako ng gamot para bumaba ang lagnat ko. Hindi ko naman inaasahan na aatakihin ako ng lagnat na 'to. Siguro dahil minsan ay nalilipasan na ako ng kain, kulang sa tulog at masyado kong iniisip si Eda. Hindi rin naman kasi ako mapapanatag kung hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam kung nasaan na siya.

"Sabi ko naman sayo Kib, relax ka lang! 'Wag mong pinu-push ang sarili mo, ayan tuloy ang nangyari sayo!" ani Bruno. Alam kong nag-aalala lang sila sa kondisyon ko. Kahit ako ay ayoko naman na nakahilata lang ako sa kama at inaalagan nila. Ayoko ng gano'n, nasasayang lang din ang oras ko eh. "Makikita din natin si Eda, malay mo bukas makita na natin siya."

"Don't give him false hopes, babe!" pagpalo naman ni Leide sa braso ni Bruno. "Kaya umaasa 'yong tao dahil binibigyan mo ng ganyang pag-asa eh."

"Oh, eh, what's with that?" taas kilay pa ni Bruno.

"Whatever." Irap pa nito.

"Couple's problem." Ara rolled her eyes and sighed. "Kareem, kung hindi mo aalagan ang sarili mo, bahala ka na sa buhay mong maghanap kay Eda. Sinasabi ko sa'yo 'yan. Kahit bestfriend ko pa si Perdita, if you didn't take of yourself, go on your own self." Aniya.

Napasinghap naman ako sa sinabi niya. "Maybe I'm just tired, I need some rests."

"Yeah, you should stop once in a while." Ngisi pa ni Ara. "Labas muna ako." Aniya.

"Maiwan muna kita, Kareem." Tumayo naman si Olisha. "You should get some rest, hayaan mong kami muna ang maghanap sa kanya habang nagpapahinga ka."

I mouthed thank you and then she smiled leaving the room.

No wonder why everyone don't see the resemblance between her and Eda. Maybe, I was just too furious about it when Ara said that she's just look like her. Hindi ko na tuloy maalis iyon sa isipan ko. Minsan nga kapag bigla bigla na lang akong napapalingon ay aakalain mong si Eda si Olisha. Well, Olisha had a brown hair while Eda has her natural black hair. Maybe on some point, on the nose and in the view of the eyes. Maybe, they could be the same.

But not on the inside, not on the heart they had.

I slept in sick. Gusto ko pagkagising ko ay magaling na, I wanted to return on searching for her. Kung pwede nga lang sa mismong area nang aksidente ako mag-stay eh, alam kong babalik siya doon. Everybody does that pero minsan may mga pangyayaring ayaw mo na talagang balikan.

"Kib, Kib, wake up." ginising naman ako ni Olisha. "You're burning, mukhang hindi naman bumaba ang lagnat mo."

"We'll get you to the hospital." Ani Bruno.

Hindi naman ako makapagsalita dahil nanginginig na din ako. Inalalayan naman nila ako pumunta sa sasakyan at nagmaneho si Bruno. Naiwan si Leide at Ara sa room namin doon. Dinala naman agad ako sa emergency room saka chineck-up ng doctors.

And the cause of thinking too much was to get exhausted.

"He needs to get strength, so I must say na kahit isang araw lang ay dito muna siya to confine and check his stability. Bukas, kung bababa ang lagnat niya ay makakalabas naman siya. We need to check him pa para hindi na lumala." Ani ng Doctor.

All Out of LoveWhere stories live. Discover now