Chapter 8

219 5 0
                                    

Chapter 8

Namumukhaan


"You seemed so good na Mr. Barron, I'm glad na sinunod mo naman ang payo ko sayo. You can go home na basta, 'wag mo lang kakalimutan ang mga gamot na nireseta ko sayo ah."

Tumango naman ako, "yes, doc, thank you so much."

"My please to help you Mr. Barron." Ani ng doctor saka umalis na ito.

Nag-ayos naman si Olisha sa mga gamit ko. Tinapon na rin niya 'yong mga pinagkainan namin. Natutuwa talaga ako dahil hindi nila ako pinabayaan. Inisiip kong nagiging pabigat lang ako sa kanila pero hindi ko nakita sa mukha nila na nahihirapan sila o nababagot. Gusto nilang tumulong kaya mas hindi ko makakalimutan ang mga taong 'to.

Ang sabi na rin ng doctor sa akin na huwag ko daw papagurin ang sarili ko. Na huwag muna daw ako magkikilos masyado dahil kakagaling ko lang din sa sakit. Pero nang sabihin ko naman ang rason kung bakit ako nagkasakit ay naiintindihan naman niya daw ang sitwasyon ko pero huwag ko daw kakalimutan ang sarili ko.

"Iniisip mo ang kalagayan ng ibang tao pero ang sarili mo, kinakalimutan mo na."

Tumatak iyon sa isipan ko kaya ngayon ay hindi ko alam kung paano ako magsisimula sa paghahanap kay Eda.

"Guys, tanong kaya natin kung dinala dito si Eda?" suhestyon ko.

Nagkatinginan naman ang dalawa. Pumayag din sila dahil wala naman daw masama kung magtatanong sa mga nurses kung dito nga siya idinala. Nang tanungin namin sa receiving area, hinahanap naman nila sa documents nila kung meron ba. Pinaghintay pa kami saglit para hanapin iyon.

"Is it Perdita Aldair?"

Halos manlaki naman ang mata ko nang marinig ko ang pangalan ni Eda. "Yes, she is, is she's still here?"

Umiling naman ang nurse, "no sir, last week pa nag out ang patient. Kaano-ano niyo pa ba sila?"

"Girlfriend ko." diretsyo kong sabi. "Any details kung saan siya ngayon?"

Muli naman akong inilingan ng nurse, "sorry sir pero hindi na po namin alam. Actually isang gabi lang siya dito at umalis kaagad. May kasama siyang lalaki, sigurado po ba kayo sir kayo ang girlfriend?" taas kila pa nitong tanong akin.

I smirked, "of course, I am. Why would you ask questions like that?"

Napayuko naman ang nurse, "sorry sir, hindi ko sinasadya."

"No, no, I'm sorry... thank you for the information."

Atleast kahit papaano ay napanatag naman akong ligtas siya at nasa maayos na kalagayan niya. So the guy who helped her must be the guy whom Olisha sees, right? Paalis na kami ng biglang lumapit sa amin ang nurse.

"Sir, nandito 'yong lalaki ngayon." Nang ituro naman ng nurse ang lalaki nakatalikod at kausap ang isang nurse sa receiving area. "Siya po iyon."

Nang mapalingon naman sa direksyon namin ang lalaki ay natigil pa ito ng ilang segundo at mabilis na umalis sa kinatatayuan niya. Hahabulin ko sana pero agad naman akong pinigilan ni Bruno. Siya naman ang nagpresentang habulin iyon dahil bawal nga daw ako mapagod. Tumuloy na lang kami ni Olisha sa sasakyan.

Pansin ko rin naman ang pagkatulala niya.

"Olisha wait, namumukhaan mo ba 'yon?"

All Out of LoveWhere stories live. Discover now