Chapter 16

193 5 0
                                    

Chapter 16

Palawan


The event will happen at Skylight Convention and Business Center and as for it will happen on Thursday ay naisip muna namin ni Ara na mag-ikot ikot dahil on the four consecutive days ay magiging busy na kami sa gathering. Ang sabi ni papa ay every day ay iba iba ang seminar na mangyayari kaya kailangan umattend kaming dalawa ni Ara. He sent me here dahil wala siyang ibang mapapapunta doon kundi ako.

Pagkalapag pa lamang ng eroplano ay dumiretsyo na kami kaagad sa hotel na tutuluyan namin which is the same, Skylight Hotel ang tutuluyan namin. Hindi rin kami nagtagal doon dahil masasayang ang araw naming dalawa kung mag-stay kami sa hotel at matutulog ng buong araw.

Hindi naman kami umangal na one room lang ang binigay sa amin, iyon daw ay fully booked din ang hotel kaya isa lang ang binigay. Saka minsan na rin kaming nagsama noon, 'yon 'yong panahon na hinahanap pa namin si Eda.

We took some ride papunta sa underground river, doon kami magpapalipas ng araw. Sinabi rin sa amin ni Mr. Tolosa na dumiretsyo from Singapore to Palawan ang kanyang anak kaya kung maaari daw ay pakisamahan namin dahil hindi daw ito palakausap. Wonder who is it?

While we're on the fun, Ara took pictures of us. Ang ligalig niya dahil first time niya daw pumunta dito. Tuwang tuwa siya na naisama daw siya, I'm glad din dahil kung ako lang mag-isa dito ay paniguradong mabo-bored ako lalo na't puro business minded ang makakasama ko.

Naalala ko rin naman bigla ang mga sinabi ni Eda sa akin noon.

She likes to go here in Palawan. While were still on relationship, sinasabi niyang one day ay sabay kaming pupunta dito. She even googled everything para daw kapag ready na ang lahat ay madali na lang at alam na namin ang mga pupuntahan namin. She wanted to go at the underground river, it happened pero hindi ako ang nakasama niya.

Arklouse gave her what she wanted. Medyo masakit lang para sa parte ko noon na kaya ko namang gawin iyon sa kanya at lumipad kaagad kami ni Palawan pero ayaw niya sa ganoong paraan at sinunod ko naman ang gusto niya. At hanggang sa napako ang lahat.

"Huy, natutulala ka na naman?"

Umiling naman ako saka ngumiti sa kanya, "hindi ah, nakatitig lang ako sa tubig."

"Parang ikaw nga eh, ang lalim." Aniya pa. "Huwag kang titingala sa loob ha? Baka mapasukan 'yang bibig mo!"

"Nang ano?"

"Secret!" aniya.

Pumasok naman kami sa loob ng kweba at manghang mangha naman ako sa nakikita ko. Ano kaya naging reaksyon noon ni Eda nang makita niya 'to? Sobra rin kaya siyang amaze o mas lalong hindi mapaliwanag ang reaksyon niya? Gustong gusto ko tuloy makita ang histura niya pero ano nga bang aasahan ko, mas nauna niyang nasaksihan ang lahat ng ito.

Tama pa ba 'tong pinag-iisip ko? Si Ara ang kasama ko pero lumilipad kay Eda ang isip ko.

Nang matapos naman ay bumaba na kami ng bangka. Ilang papadating naman na turista ang padating, aalis na sana kaming dalawa ni Ara pero nabato naman siya sa kanyang kinatatayuan kaya naman nang tingnan ko rin kung saan siya nakatingin ay natulala naman ako kung sino iyon.

"Nandito siya."

Ang mga ngiti niya, ang mga tawa niya at ang mga kwento niya. Lahat iyon ay nami-miss ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon. Hindi ko akalain na muli kaming magkikita pagkatapos kong kalimutan ang lahat ng meron kaming dalawa.

All Out of LoveWhere stories live. Discover now