Chapter 13

184 3 0
                                    


Chapter 13

Split and suffered


"Kareem, kailangan mo ba ng secretary?" tanong naman sa akin ni papa.

Napakibit balikat naman ako, "kahit wala naman, okay naman."

"Gusto mo kunin natin si Ara para maging secretary mo? In that way, mas magiging malapit na kayo sa isa't isa at hindi niyo na kailangang itago pa—"

Agad naman akong sumingit sa pagsasalita ni papa dahil alam ko kung saan na madadala ang usapan namin. "Dad, Ara is a good friend at wala nang magbabago 'don. Masaya naman siya sa trabaho niya ngayon kaya hayaan na natin siya. Baka mahirapan lang 'yon kapag pumasok pa siya dito."

"Not what you think, Mr. Kareem Ivencio Barron."

Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko si Ara na naka-corporate attire. Napatayo naman ako sa kinauupuan ko saka siya lumapit sa desk ko. Nakangisi lamang si papa habang tinitingnan ang reaksyon naming dalawa.

"I guess everything is settled." Father said and stood up on his chair, "and now, I can officially welcome you to our company Barbara."

"Sir naman, Ara na lang po." Aniya at nakipagkamay dito. "Thank you po ulit, promise po. Hindi ko po kayo bibiguin."

"I'm sure of that." Dad said, nilingon naman ako ni papa. "Kib, ikaw nang bahala sa secretary mo, okay?

Wala naman akong nagawa kundi ang pumayag na lang sa desisyon ni papa. Bumalik na lang din naman ako sa pagkakaupo ko, naupo naman si Ara sa silya sa harap ng wooden desk.

"Hoy Kib, hindi ka ba masaya na magkasama na tayong dalawa?"

I look at her, "what comes to your mind para tanggapin ang trabaho na 'to, Ara?"

Napa-anga naman siya sa sinabi ko, "it's a good opportunity din naman 'to for my career, Kib saka ang sama ko naman para tanggihan ang offer ng papa mo sa akin diba?"

"But you had a good job at the restaurant."

She rolled her eyes, "nakakasawa na kaya maging waitress, and this time secretary mo na ako. Ang sabi pa ni Sir Barron na tutulungan kita sa lahat ng gagawin mo. Your mom said kasi na baka daw nahihirapan ka sa trabaho mo."

"And so you accept it?" I asked.

She nodded, "wala naman sigurong masama 'don, Kib ah? May problema ba tayo? Sa pagkakaalam ko, hindi tayo ang may problema dito."

Napabuntong hininga na lang din naman ako. "So when you start?" pag-iiba ko naman sa usapan namin.

"Actually, bukas pa talaga. Kagabi kasi tinawagan ako ng secretary ng papa mo para magpasa ng resume ko sa hr kaya ngayon pina-process na nila and tomorrow, I can start being your secretary!" aniya. "I knew your family had a quite name in the business industry pero sila ang pinaka generous na nakilala ko."

Napangisi naman ako sa sinabi niya. "That's just because they like you..."

Napa-huh naman ito sa sinabi ko, kumunot na lang din naman ang noo niya. "What did you say, Kareem?"

"In my office, sir." Pagtatama ko pa. "Nothing Ara."

She rolled her eyes, "by the way, as my friend at hindi pa naman ako nags-start. Can you tour me around the building?"

All Out of LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant