The Beginning

154 15 3
                                    

The reason of her royal magic: The Crystal Ball of Ice and Water Power

...

Pinilit imulat ng Reyna ng Tribo ng Tubig at Yelo sa kaharian ng Permagen ang kaniyang mata pero pakiramdam niya ay hindi niya kaya. Napagdesisyunan niyang kausapin ang Pinakamataas sa tatlong Heneral ng kanilang tribo nang nakapikit.

"Alam ko na hindi na ako magtatagal at hindi ko kakayaning magsalita ng madami. May papel sa ibabaw ng side table ko,nakalagay dun ang lahat ng gagawin niyo sa oras na mawala ako."-Wika niya.

Nagmulat siya ng kaunti at Itinaas niya ng dahan dahan ang kanyang kamay at ibinuka ang palad, lumabas ang imahe ng isang babae na gawa sa yelo, inilapit niya ito sa ulo ng lalaki na para bang pumasok ito doon. Ginawa niya ito upang sa lahat ng oras ay makita ng Heneral ang imahe ng babae sa kanyang isipan.

"H-hanapin niyo siya at gawin ang nakasulat. Ang anak ko, k-kayo na ang bahala sa kanya"-hanggand diyan na lamang ang nasabi niya at agad ding binawian ng buhay.

"B-bakit hindi mo siya nailigtas?"-tanong ng Heneral sa manggagamot ng Kaharian.

"Hindi ko alam ang sakit niya kaya hindi ko din alam ang lunas."-makatotohanang binigkas ng manggagamot ang mga salitang ito. Hindi nila alam ang sakit ng Reyna sapagkat hindi lingid sa kaalaman ng mga naninirahan sa kaharian ng Permagen na ang Reyna nila ay may dugong mortal, ang kanyang Ina ay isang mortal at ang ama ang nagmula sa Permagen.

Kaya naman hindi alam ng mga manggagamot na ang Reyna ay nakararanas ng sakit ng mga mortal. Cancer.

Sa oras na nailibing ang Reyna ay nagtungo ang tatlong Heneral ng tatlong hukbo ng Permagen sa katabing puno na pinaglibingan sa reyna.

Nakasaad sa sulat na sa oras na mailibing ang Reyna ay may tutubong crystal ball sa punong iyon na nagtataglay ng kapangyarihan ng Reyna.

Sa mundong ito, babae ang makapangyarihan. Ang mga naunang reyna ang pinakamalalakas at sa tuwing mamamatay ay may tutubong crystal ball dito.

'Tunawin niyo ang crystal ball at ilagay sa isang bote'- iyan ang instruksyon ng Reyna sa sulat.

ipinwesto nila ang crystal ball sa ibabaw ng butas ng maliit na bote.

Huminga ng malalim ang Pinakamataas na Heneral at ipinwesto ang kanyang palad sa harap ng bote. Unti-unti niyang nacocontrol ang crystal ball at unti-unti itong natunaw at nahulog sa bote. Mukha na itong simpleng asul na inumin.

Ang lahat ng nanunungkulan sa palasyong ito ay may kapangyarihan na kontrolin ang yelo at tubig subalit ang kanilang kapangyarihan ay mahina kung ikukumpara sa mga kawal na babae ng palasyo at lalo na sa reyna.

Pagkatapos takpan ang bote ay inumpisahan na nilang hanapin ang babaeng nasa imahe.

.... Makalipas ang Isang buwan....

Isang buwan ang lumipas bago nahanap ang babae. Nagbihis ang pangalawang Heneral bilang isang pulubi, nakasaad sa sulat na si Lianna--ang babae sa imahe ay may busilak na puso.

"Hija. Mayroon ka bang inumin manlang diyan?"-tanong ng pangalawang heneral.

"Ayy. Meron po kuya!"-agad ibinigay ni Lianna ang tubig na nasa bag niya na incase mahilo siya ay may maiinom siya dahil nagdadalang tao siya at 2 buwan nalang ay manganganak na siya.

Ininom iyon ng pangalawang heneral at kinuha sa bulsa ang maliit na boteng laman ang asul na inumin.

"Nagdadalang tao ka hija. Inumin mo ito, ito ay ininom ng aking anak at ang apo ko'y napakakisig at malusog"-Pangalawang Heneral.

"Talaga po?.sige sige"-masiglang saad ni Lianna.

Nakatira man sa ibang mundo, nakikisalamuha padin ang mga Permagena at Permageno sa mga mortal subalit hindi nila ipinapakita ang kanilang kapangyarihan.

Lahat ng taga Permagen ay nakapagtapos ng pag-aaral dito sa mundo ng mga mortal bago nakabalik sa Permagen.

Umuwi si Lianna dala ang Maliit na bote na agad niyang binuksan, nagtataka siya dahil ang amoy na bumalot sa inumin ay amoy ng kanyang kababata--si Alexa na hanggang ngayon ay hindi niya parin alam kung saan na napadpad, o kung ano ba talaga ang lahing pinagmulan ng ina ni Alexa.

Sa kabila nito, ininom niya padin ang asul na likido at sa pagkakataong iyon, nasilaw siya sa biglaang pagkakaroon ng ilaw na asul ng kanyang tiyan.

Nawalan siya ng malay ng dahil sa pagkasilaw.

Sa Permagen..

"Ian,ikaw ang magbantay sa susunod na reyna ng Permagen. Alam mo na kung anong gagawin. Apat na buwan bago ang kanyang ika-labing walong kaarawan ay kinakailangang madala mo na siya dito at sa saktong gabi ng kanyang kaarawan ay hihirangin siya bilang Crowned Princess ng Permagen Kingdom.."-Utos ng unang heneral sa ikatlo.

....

Icy Destiny (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora