Chapter 4- The Bandmates

47 7 0
                                    

Aqua's PoV

Lumabas kami ng principal's office at dumiretso sa room nina Daw. Sinalubong agad si Dawn ng yakap ni Chesca

"Bes! Kanina pa kita hinihintay!"-Chesca

"Sorry na bes--"-pinutol niya ang sasabihin ni Dawn

"Gosh! Who is he?."-tanong niya habang nakaturo sakin.

"Ahh. Si--"-I cut her off

"Call me Aqua"-Me. Siya lang kasi ang pinapatawag ko ng Ken.

"Aqua? Ano ka kuya taga-underwater?"-sabi ni Chesca. Letche to ah!

Sinamaan ng tingin ni Dawn si Chesca.

"Hehe. Peace, nga pala sa gym daw ang practice niyo, sige una na ko!"-Chesca.

"Hindi siya kasama?"-tanong ko

"Hindi ko siya kabanda. May klase siya"-Dawn

Pumunta kami sa gym ng school at nakitang naka-set na sila

"Oh Ara! There you are! Akala ko d ka papasok e!"-sabi nung Derry.

"Teka. Ken, may klase ka pa diba?"-tanong sakin ni Dawn

"Nah. I don't care"-Me

Nagkibit balikat lang siya at dumiretso sa mga kabanda niya.

Pumunta ako sa canteen,mamaya pa naman tapos non e. Bumili ako ng shake at ininom yun hanggang sa may mapansin ako.

Lalaking--sa tingin ko galing siya sa Permagen, di manlang nagawang magpalit ng damit -_- nakamahabang coat na puti siya at pants na blue at polo na puti.

Bakit siya nandito? Siya yung nagttraining nung isang araw kaya nakakasigurado ako na tapos na siyang mag-aral sa mundo ng mga mortal.

Inubos ko yung shake at lumapit sa kanya.

"Bakit ka nandito?"-Me

Gulat na gulat siyang napalingon sakin kaya tiningnan ko muna kung saan siya nakatingin kanina.. Dawn Aratuen

"Bakit mo siya tinitingnan?"-Me

"A-ano po.. p-pinapabantayan po siya ni Heneral John."-Sabi niya

"Tss. Makakaalis ka na, kaya ko siyang bantayan."-Me

"Pero--"-I cut him off

"Baka nakakalimutan mong prinsipe ang kausap mo? Mas malakas at makapangyarihan ako sayo kaya mas kaya ko siyang bantayan. Alis na!"-Me

"Masusunod po."-sabi niya at umalis na.

Ang weird niya kasi kaya pinaalis ko nalang.

Tumambay ulit ako sa canteen at kumain ng cake bago bumili ng Malamig na tubig na actually ay nagyeyelo na xD para kay Dawn. Baka napagod yun e

"Done?"-tanong ko at umupo sa bleacher.

"Hhmm. Akin ba yan?"-tukoy niya sa tubig na iniabot ko naman agad.

"Hala. Malamig, masisira boses ko"-Dawn.

Lumingon ako sa paligid, walang tao maliban sa mga kabanda niya na busy sa pag-aayos ng mga instruments.

"Akin na"-Me.

Nagtatakang iniabot niya sakin yung bote. Hinawakan ko yun at tinunaw ang yelo, hinawakan ko pa yun ng mas matagal para mawala ang lamig at habang hawak ko ,umiilaw ito ng kulay asul pero hindi naman masyadong maliwanag yung ilaw.

Iniabot ko na sa kanya yung tubig.

"Wow ang galing! Hindi na malamig!"-sabi niya at ininom yung tubig.

Natawa ako sa kabubbly-han niya at napalipat ang tingin sa kanan niya, nakita ko ang isang lalaki na may hawak na drum stick na nakatingin sa gawi namin. Sh!t, nakita kaya niya? Sana naman hindi.

"Tara na Dawn."-Me

"Ha? May klase pa ko"-Dawn

"Delikado"-Me

"Ha? Anong sinasabi mo?"-Dawn.

"Tara na. Ipapaliwanag ko sayo sa daan"-Me

Sumakay kami sa kotse ng tito niya at umuwi sa bahay nila.

"Ano bang nangyari?"-tanong niya pagkapasok ng bahay nila.

"Yung lalaking may hawak ng drumstick, nakatingin siya satin kanina. Nakita niya kaya yung ginawa ko?"-tanong ko

"Hala. Si Victor? Chismoso pa naman yun, pero hindi siya madaldal."-Dawn

"Ano? Chismoso pero hindi madaldal? Niloloko mo ba ko?"-Me

"Hindi. Chismoso siya gusto niya lahat ng curiousity niya nasasagot pero ang mga sagot don ay hindi naman niya ipinagkakalat"-napatango ako sa sinabi niya.

"Nakakakita ka ng nakaraan. Subukan mong tingnan"-Me

"Ha? Ako?"-Dawn.

"Oo!"-Me.

"Paano?"-Dawn.

"Isipin mo ang oras o kung kailan o kung sino ang gusto mong makita sa nakaraan at igesture mo ang kamay mo ng pa-curve sa hangin"-Me.

Ginawa niya ang sinabi ko at lumabas sa ere yung pag-abot niya sakin ng tubig para alisin ko yung lamig ang pagbabalik tanaw sa nakaraang ito ay may nakapalibot na tubig.

"Sh!t nakita niya! / omg! Nakita niya!"-sabay naming sabi.

"Waaah. Anong gagawin natin Ken?"-Dawn

"Hindi ko alam."-Me

"Huwag na muna nating sabihin kayna Tito"-sabi niya

"Sang-ayon ako."-Me

"Pwede bang dito muna tayo? Bukas ng hapon nalang tayo bumalik"-Dawn.

"Hhmm. Sige maggesture ka ng pa-rectangle sa hangin at isulat mo dun gamit ang daliri mo na dito muna tayo at bukas ng hapon tayo uuwi. At pagkatapos, igalaw mo yung fingers mo gaya ng ginawa mo noon sa water tornado hanggang sa maging bula yung sulat at isipin mo yung taong gusto mong padalhan ng sulat."-Me.

Ginawa niya ang sinabi ko at ng maging bula ay bigla itong naglaho, sign na maglalakbay na ito patungo sa taong gustong padatingan ng sulat..


Third Person's PoV


Sa Permagen..

Kausap ng kawal si Heneral Ian ng may humarang sa mukha nito na isang bula. Alam niya kung ano ito kaya pinutok niya ito gamit ang daliri at lumabas dun ang kulay asul sa liham na padala ni Aratuen.

"Ang batang yun talaga"-Nasabi nalang niya pagkatapos mabasa ang sulat ni Ara.

'Hi Tito kong pogi! Dito po muna kami ha? Bukas na ng hapon kami uuwi diyan. Wag kayong mag-alala di namin patataasin ang bill ng kuryente. Baka tubig hahaha baka kasi sanayin ako dito ni Ken e. (Ang pogi niya tito.hahaha jk!) So ayun, dadalhan ko nalang kayo ng paborito niyong Putong may keso^^'

Napangiti din siya, mukhang may gusto ang alaga niya sa Prinsipe ng Permagen dahil alam niya na gusto din ng Prinsipe ang kanyang magiging prinsesa, ni-hindi alam ni Ara na ang kanyang kasama ay ang Prinsipe ng kahariang matagal siyang hinintay.

~~~~~***

Icy Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon