Chapter 37- Love's Magic

24 3 0
                                    

Ara's PoV


Pagmulat ko, mukha ni Derry ang nakita ko. No, no, he can't be here! I might harm him!

"Ara. How are you?"-tanong niya

"Ha?"

"Ara. Sinabi na nila sakin ang lahat."-sabi niya na ikinagulat ko

"Wow ha. 14 years na tayong magkaibigan pero hindi ko man lang ako sinasabihan. Tss"-sabi niya

"Leave me alone Derry, baka masaktan kita--"-he cut me off

"Leave you alone? Tapos ano? Hayaan kang mamatay dito dahil hindi ka pa kumakain? Not a chance Ara"-sabi niya

"Derry please. Ayokong makasakit"-Me

"Hindi mo ko masasaktan ok? Sit back and relax, akong bahala.."-Derry

"ANO BANG HINDI MO MAINTINDIHAN SA MGA SINABI KO?"-sigaw ko na ikinagulat niya pero ngumiti din agad.

"Naintindihan ko lahat pero hindi mo rin ba naintindihan ang mga sinabi ko?"-sabi niya kaya hindi ako nakaimik.

Napatingin ako sa side table. Wala na yung breakfast dun,kanin na yung nandun at

"Caldereta"-Me

"Sabi ko kay Mommy,ipagluto ka kasi may sakit ka"-Derry

"Baliw ka ba? May sakit tapos Caldereta? Diba dapat soup? Lugaw?"-Me

"Ayaw mo ng lugaw. Bakit kita dadalhan nun?"-sabi niya

"You know me very well"-Me

Ngumiti lang siya tapos sinubuan ako.

"Masarap?"-tanong niya at tumango naman ako.

"Salamat Derry ah"-Me

"Ano ba. Don't thank me, kaibigan kita kaya hindi kita pababayaan"-sabi niya at ngumiti ulit

I thank god for giving me the best friends I could ever have.

"Paano nila nasabi sayo?"-Me

"Pinapunta ako ni Chesca dito tapos ipinaliwanag nila sakin. Actually, akala ko nagbibiro lang sila pero pinakita sakin ni Aqua na kaya niya talagang kontrolin ang tubig."-Derry

Buti pa si Derry hindi ako sinukuan at napakain ako,samantalang si Ken isang sigaw ko lang umalis agad.

Pagkatapos kong kumain, pinainom na ako ng tubig ni Derry.

"Iiwan na muna kita ha? Pahinga ka na ulit"-Derry

Tumango ako at muling pumikit. Bakit nanghihina ako?

Paglabas ni Derry ay iminulat ko ulit ang aking mga mata at tumayo. Lumapit ako sa may tabi ng cabinet at umupo kung saan may salamin sa harap.

B-bakit ang putla ko? Para akong may sakit e. Ang putla putla ng labi ko at kahit ilang oras na akong tulog ay parang puyat parin ang aking mga mata.

Nahiga ulit ako at natulog.

...

Pagmulat ko ay tiningnan ko ang orasan at nakitang 10:30pm na.

Bumangon ako na nanghihina at bumaba, nakita ko doon si Rence.

"Rence. Bakit gising ka pa?"-nanghihina kong tanong.

"Princess. Ok ka lang ba? Mukha kang may sakit"-sabi niya

"A-asan ba si Ken?"-tanong ko.

"W-wala siya"-sabi niya at umiwas ng tingin.

"Rence. Asan si Ken?"-muli kong tanong pero hindi siya sumagot.

"Rence please, where is he?"-tanon ko.

"W-wala. Hindi ko alam kung saan siya pumunta"-Rence.

G-ganon? He left me? Almost dying?

"I-iniwan niya ko?"-Me

"Ha? S-sigurado namang may dahilan si --"-I cut him off

"Dahilan? Oo may dahilan siya. Mamamatay na yata ako kaya iniwan niya na ko"-sarcastic kong sab

"Princess naman. Wag ka namang magsalita ng ganyan"-Rence

"Bakit hindi? E iniwan ako ng prinsipe niyo!"-nanghihina kong sabi. Naramdaman ko nanamang tumulo ang luha ko.

Pakiramdam ko kinakapos ako ng hininga kaya agad kong inabot yung baso at naglagay ng tubig pero bago ko pa man mainom ay naramdaman ko ng bumagsak ako sa sahig.

"PRINCESS!"-ang huling salitang binanggit ni Rence bago ako nawalan ng malay.

...

Rence's PoV




Agad kong binuhat si Princess at isinakay sa kotse. Gigisingin ko pa sana sila pero alangan namang hintayin ko pa sila diba? Agad ko siyang dinala sa Permagen

"Oh Rence?"-General John

"Heneral! Si Princess!"-sigaw ko.

Agad namang kinuha sa'kin nung mga kawal si Princess at inihiga sa kama niya dito sa palasyo.

"Nasaan si Aqua?"-tanong ni General Hanz pero napayuko agad ako

"H-hindi ko alam"-Me

"Ano? Iniwan niya si Ara sa ganitong sitwasyon?"-tanong ni General Ian.

Siya ang nag-alaga kay Ara kaya siguradong nag-aalala siya. Tama siya, hindi dapat iniwan ni Prinsipe si Ara sa ganitong sitwasyon.

Pero hindi ko rin naman masisisi si Aqua dahil mahal niya si Ara kaya handa niya itong iwan para--

"Tawagin ang mga pinakamagagaling na manggagamot!"-sigaw ni General John.

Nagsipasukan naman ang mga manggagamot sa loob ng kwarto at agad tiningnan si Ara.

"So ano'ng nangyari sa kanya?"-tanong ko

"Kumakalat ang sirang magic niya sa buong katawan niya."-sabi nung isang manggagamot

"A-anong ibig mong sabihin?"-tanong ko

"Ang damage ng magic niya ay simple lang pero dahil hindi siya isang Permagena kundi isang tao ay hindi kaya ng katawan niya ang pagkasira ng magic niya"-sabi niya

"I-ikakamatay ba niya to?"-tanong ko

"RENCE! ANONG KLASENG TANONG YAN?"-sigaw ni General Ian

"Dapat nating malaman yun General!"-Me

"M-maaari... kung hindi maaagapan"-Manggagamot

"Anong makapagpapagaling sa kanya?"-tanong ko

"Love's magic lang ang makakapigil sa pagkasira ng magic niya."-sabi niya

L-love's magic? Pero walang nakakaalam kung nasaan si Prinsipe!

~~~~****

Icy Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon