Chapter 32- I'm Here

23 4 0
                                    

Derry's PoV



Paglabas ko ng room, napansin ko agad si Ara na nakaupo dun sa upuang pabilog sa ilalim ng puno ng mangga.

I covered her eyes with my hands

"Ken?"-nagulat ako sa pangalang binanggit niya.

Since we were kids, I used to do this to her at laging tama.. a-anong nangyari?

Nakalimutan na ba niya talaga ako? Napalitan na ba talaga ni Aqua?

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko at lumingon siya sakin ng nakangiti pero dahan dahan din yung nawala.

"D-Derry"-sabi niya at muling ngumiti pero this time--malungkot na ngiti na

Umupo ako sa tabi niya at binuksan ang lunch box ko na may lamang Caldereta at kanin

"Share tayo. Favorite mo to diba?"-Me. Tatlong araw ko na kasi siyang nakikitang malungkot kaya sinabi ko kay Mommy na ipagluto siya ng paborito niya

"Salamat Derry"-sabi niya.

Ibinigay ko sa kanya ang isang pares ng spoon and fork.

Nagsimula na siyang kumain pero nakatingin lang ako sa kanya. Ang lungkot lungkot ng mukha niya at mukhang puyat.

"Natutulog ka pa ba?"-tanong ko dahilan para tumingin siya sakin.

"Oo naman"-sabi niya

"Ano? 2 hrs?3?"-Me

"4 naman"-sabi niya at tumawa. Isang mapaklang tawa

"Wag ka ng tumawa kung ganyan lang din ang tawa mo. Mukha kang mangkukulam"-Me.

"Ang hard mo ha. Ako na yata ang pinakamagandang mangkukulam"-sabi niya

"Yea. Pero hindi bagay sayong mangkukulam. Bagay kang Reyna... reyna ng puso ko"-sabi ko at natigilan siya sa pagnguya

"Hey. Did I say something wrong?"-Me

"Reyna? Karapat-dapat ba talaga akong maging reyna? Yun ba talaga ang nakatadhana para sakin?"-tanong niya na ikinakunot ng noo ko. Parang ang lalim ng hugot niya ah

"Ara. May problema ka ba?"-Me

"W-wala ah!"-sabi niya at ngumiti

"Sa'yo lang ata hindi gumana yung quote na 'A smile can hide all the pain' sayo parang lalong lumalabas na nasasaktan ka. Dahil ba kay Aqua? Anong ginawa sa'yo nung g*gong yun?"-sabi ko at tatayo sana para hanapin si Aqua pero natigilan ako sa sunod niyang sinabi.

"He..... forgot about me, literally"-sabi niya

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. H-how could that be?

Oo mahal ko si Ara pero nung debut niya, nakita kong mahal na mahal nila ang isa't-isa kaya nga hindi na ako umamin na mahal ko siya e. Paano--paano nangyaring nakalimutan siya ni Aqua? Imposible yata yun

"P-paano nangyari yun?"-tanong ko

"H-he suffered an accident because of me"-narinig kong humihikbi na siya.

Agad ko naman siyang niyakap

"Sshh."-Me

"Ang sakit kasi Derry e. Hindi ko manlang nasabi ni-isang beses na mahal ko siya"-sabi niya.

Teka, diba sila naman? Hindi pa sila nag-'I Love You'-han?

"Natakot kasi ako noon e. Natakot ako na magmahal. Pero dapat pala ito yung mas kinatakutan ko. Ang dumating yung araw na hindi niya na ako nasasabihan ng 'Mahal Kita'"-sabi niya

"Sshh. Wag kang mag-alala Ara, maaalala ka din niya ok? For the mean time, I'm here and I won't leave you."-Me

Humiwalay ako ng kaunti pero nakasandal padin siya sa balikat ko.

I guess,nakatulog na siya kaya hinayaan ko nalang muna.

Bigla namang dumaan yung mga kaibigan nila ni Aqua at halatang gulat sila.

"A-anong nangyari?"-tanong nung isa sa kambal

"Nakatulog e"-Me

Tumango lang siya at naglakad na ulit. Mabuti nga at may mga kaibigan siya.

Pero nagtataka parin talaga ako kung bakit niya iniiwasan si Chesca? Ano kayang nangyari?

Hinawakan ko yung kamay niya at nagulat na ang lamig non, tapos nung tiningnan ko yung kamy ko, may yelo na galing sa kamay niya.

Teka, all this time may hawak siyang yelo? Para saan naman kaya ito?

Ibinalik ko yun sa kamay niya at lalo akong nagulat na natunaw agad yun. Ha? E ang tigas pa nun kanina nung hinawakan ko ah?

Aish nevermind.

Kumain ako habang nakasandal siya sakin dahil gutom nadin ako.

May narinig pa kong nga bulung-bulungan.

"Omg. Sila ba?"

"Ang sweet naman ni Derry, pinatulog pa si Ara sa balikat niya"

"Ang alam ko bestfriends sila ng 14 years na?"

"Omo! Sabi na totoo yung naiinlove sa bestfriend e!"

"Aish bakit ba wala akong bestfriend na lalaki? Solve na sana agad yung love life ko!"

"Landi mo girl ah!"

"Pero akala ko si Aqua ang boyfriend ni Ara?"

"Oo nga noh?"

"Whatever. Basta bagay si Derry at si Ara!"

Natawa nalang ako sa mga bulungan ng mga babae.

How I wish na kami nga.

Kaso may ibang laman yung puso niya e.

Hinaplos ko yung buhok niya.

Hay. Bakit ba kasi hindi nalang ako Ara? Nauna naman ako sa kanya ah.

~~~~****

Icy Destiny (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon