Chapter 18- Holding back

26 3 0
                                    

Ken's PoV

"Hhmm? Aga aga. 4:30 am lang ah!"

(Pasensya na Prinsipe. Si Princess kasi eh.)

Napa-upo ako sa kama.

"Anong nangyari sa kanya?"

(K-kaninang 1am pa siya nawawala hanggang ngayon wala padin siya)

"Teka. Bakit ka pa tumawag?magkatabi lang kwarto natin ah!"

(Y-yun na nga Prinsipe Aqua e. Wala kami sa bahay)

"Ha?nasan kayo?"

(Sa Tagaytay)

"Ahh Tagaytay. Ang aga niyo naman diyan,ba---ANO!? TAGAYTAY? Anong ginagawa niyo diyan?paano kayo nakarating diyan? Si Dawn lang kasama mo? Saan nagpunta bakit hindi pa nabalik?"

(Ahmm.. ano,k-kasi)

"I'll go there. Asan kayo sa Tagaytay?"

(Tapat ng Picnic Groove)

Agad akong sumakay sa sasakyan ni Dawn. Buti iniwan niya to.

Pinaandar ko ito ng mabilis para makapunta sa Tagaytay.

5:53am nadin ng makarating ako dahil medyo natraffic kung kelan malapit na. Bwisit lang

"Where the hell is she?"-tanong ko

"Kanina pa namin siya tinatawagan pero hindi sumasagot. Tinext namin siya na dito namin siya hihintayin pero wala padin siya."-sabi nung lalaki ni Dawn -_-

"Pri--Aqua. Usap tayo"-Rence.

Lumayo kami dun sa lalaki ni Dawn at nag-umpisa na siyang magsalita.

"Kanina.... may nakasunod saming motor"-panimula niya.

"W-what? Ano ba talagang nangyari?"-tanong ko.

"Actually,nakatulog ako sa byahe tapos paggising ko nagyaya magdrivethru si Princess at may naramdaman akong kakaiba sa kanya kaya naman dinamihan ko yung order ko habang nakatingin parin sa kanya at siya naman..... nanatiling nakatingin sa side mirror.."-he paused.

"And then what?"-Me. Pabitin pa tong gagong to!

"Tiningnan ko yung tinitingnan niya. Motor na nakasunod samin. Wala siyang helmet at kilala ko siya. Isa sa mga kawal ng Permagen,may tattoo siya sa kaliwa ng leeg niya. Nung makapagdrivethru kami,nagpark yun sa harap ng Jollibee at muli kaming sinundan after naming makabili. Hindi naaalis ni Princess ang tingin niya dun at bigla niyang pinahinto yung sasakyan at nasigawan niya pa si Drevin kaya naitigil yung sasakyan. Binantaan niya kami na hindi na niya kami papansinin pag sumunod kami o sinundan namin ng tingin. Ayun, di na namin siya nakita. I believe,kasama niya yung lalaking nakamotor.

May Permagen Tattoo sa kaliwang bahagi ng leeg? Lahat ng kawal ay nasa kanan ang tattoo maliban sa isa. Yung nakita namin sa police station.

"Sabi mo tinatawagan niyo siya?nagriring ba?"-tanong ko.

Tumango siya.

Binuksan ko yung phone ko. Sana bukas ang GPS ng phone niya.

Taena,20mins nga pala to bago magbukas >_<.

After 20mins.

"Gotcha'!"-nakita ko kung nasaan siya. Isang building sa tabi ng Skyranch.

"Sabihin mo dun sa lalaki ni Dawn aalis tayo,may pupuntahan. Hindi siya pwedeng sumama dahil taga Permagen ang kasama ni Dawn,ok?"-Me. Tumango naman siya at nagpaalam dun sa lalaki ni Dawn.

Nakarating kaming dalawa ni Rence sa tapat ng isang nasunog na building dito sa tabi ng Skyranch. Napatingin ako sa relo ko. 6:37am. Sana hindi ako nahuli.

"Aaaaaaaahhhh"-narinig naming sigaw mula sa loob ng building at nabasag ang ilang natitirang salamin ng building at may lumabas na tubig.

"Sh!t,si Dawn!"-sabi ko at agad tumakbo papasok.

Naabutan ko ang isang lalaking nakahandusay sa sahig at may dugo ang buong katawan niya.

Nakita ko si Dawn na--fvck! L-lumabas na ang totoong magic ng crystal ball na nasa katawan niya! Ang damit pang-digma ng Reyna ng Permagen--i-iyon ang suot niya ngayon. May hawak siyang espada,espada yun ng aking ina at regalo yun ng buong Permagen sa kanya--biglang pagtanggap.

"DAWN!"-sigaw ko ng bigla siyang natumba and thank God I catched her. Tinulungan ako ni Rence na buhatin siya.

Lumingon ako sa lalaking nakahandusay sa sahig. You deserve that.

Dinuraan ko siya bago umalis. Sumakay kami sa sasakyan,una akong pumasok sa back seat at inihiga sakin ni Rence si Dawn bago siya pumasok sa driver's seat.

"Ano kayang nangyari?"-tanong ni Rence

"Nailabas niya ang totong kapangyarihan niya. Malapit na kasi ang ika-labing walong taon niya. Dapat na niyang maisuot ang korona sa paglabas ng buwan."-Me

Tiningnan ko siya. Mukha siyang pagod.

"Wag ka munang magmaneho. Hindi pwedeng makita siya nung lalaki niya na ganito yung kalagayan at suot"-Me

"Why do you keep calling him LALAKI NI DAWN?"-natatawang sabi ni Rence

"Bakit?totoo naman ah?"-Me

"Loko ka talaga Prinsipe! Pinsan niya si Drevin"-Rence. Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig.

S-so nagseselos ako sa pinsan niya? What the heck Aqua? >_<

Hindi ko na sinagot si Rence at tinitigan nalang si Dawn. Hinawakan ko ang kamay niya at ginamit ang healing powers ko. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya. Nanghihina man,nagawa niya paring ngumiti at umayos ng upo.

"Ken!"-bati niya at niyakap ako. Napangiti ako at niyakap siya pabalik.

"Ehem"-Rence. Napahiwalay naman si Dawn sakin.

"Bakit ba kasi ang iksi ng suot mo?"-tanong ko.

"Malay ko. Ayan ang lumabas e"-Dawn. May kinapa siya sa flower crown niya at unti-unti siyang nagliwanag at bumalik sa dati ang damit niya.

"Woah. Alam mo na yan ah?"-Me

"Actually,hindi ko alam kung paano ko nalaman kung paano ko yun gagawin. Pati yung espada."-sabi niya at pinasadahan ng kanyang palad ang crystal ball sa hawakan ng espada dahilan para maglaho ito.

"The late Queen is guiding you Princess"-Sabi ni Rence.

"Hoy! Wag ka namang manakot!"-natawa ako ng magpout si Dawn. Ang cute niya.

I just felt like I want to hug her so I pulled her to a hug and kissed the top of her head.

"I love you. Simula ngayon,hindi kita pababayaan"-bulong ko sa kanya pero halata namang narinig ni Rence -_-

Naramdaman kong yumakap siya pabalik.

"I lo---thank you Ken"-Dawn.

She was supposed to say 'I LOVE YOU TOO',right?

Why are you holding back Dawn?

~~~~**

Icy Destiny (Completed)Where stories live. Discover now