Chapter 5- Permagen Tattoo

43 7 0
                                    

Ara's PoV

Pumunta kami sa pool area ng bahay at magsasanay sana.

"Try the water tornado"-Ken

"K."-Me..

Huminga ako ng malalim at itinapat ang kamay ko sa tubig sa pool at unti-unting itinaas.

Iginalaw ko ulit ang daliri ko at umikot ang tubig ng pabilis ng pabilis.

"Ara?"-sa gulat ko sa tumawag ay naibaba at naisara ko ang kamay ko dahilan para bumagsak ang tubig..

Lumingon ako sa likod ko at nakitang lumabas ng bahay si Derry papunta dito sa pool.

P-paanong--buti hindi niya nakita yung pagbagsak ng tubig. Nakahinga ako ng maluwag.

"Derry? Anong ginagawa mo dito?"-tanong ko.

"Dinadalaw lang kita. Bukas kasi yung gate mo eh."-Derry

"Bukas?paano nangyari yun? Isinara ko yun kanina bago kami pumunta dito"-Ken. Napalingon kami sa kanya. Bakit basa siya?

Then I realized what happened, bumagsak nga pala yung tubig at malamang ay tinalabsikan nanaman siya.ahhaha

Napatawa nalang ako.

"Tawa pa"-Iritang sabi ni Ken

"Pfft.s-sorry.hahaha"-Me

"Anong nangyari? Nagswimming ka bro?"-Derry.

"Di tayo magkapatid. Maka-Bro ka"-Bulong niya na narinig ko naman kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Natulak niya ko"-turo niya sakin. Napatawa nalang tuloy ako.

"Teka,kumain ka na ba Derry?"-Me

"Hhmm. "-Derry

"Tara sa loob. I'll make a juice"-Me. Palusot ko nadin para matuyo ni Ken yung sarili niya. Kasi iilaw siya kapag ginawa niya yun,makikita ni Derry.

Nagtimpla ako ng orange juice habang siya ay nagtitingin tingin sa bahay.

Habang hindi siya nakatingin ay kinuha ko ang ice cube tray at nilagyan ng tubig bago hinawakan at gawing yelo. Inilagay ko yun sa juice.

"Oh"-sabi ko at inilapag.

"Gusto mo ng donuts? I have many in the refrigerator."-alok ko.

"Sure."-Derry.

Lumapit ako at binuksan ang ref. Hinawakan ko yung donuts, aish. 8hrs na to super lamig na.

"Wait lang."-Me

Pumunta ako sa may pool at nakitang tuyo na si Ken p-pero topless siya!

"B-bakit nakahubad ka?"-Me

Gulat niyang tinakpan ang sarili.

"Sorry dawn. Baka kasi magtaka yung kasama mo dun sa loob pag nakitang tuyo na ako at yun padin ang damit"-Ken. Kung sabagay may punto siya.

"Ahmm. Pwede mo bang bawasan yung lamig ng donuts?hehe"-Me

"Ha? Kayang kaya mong gawin yun! Mas makapangyarihan ka sakin,tandaan mo yan"-Ken

"Pero di ko pa alam yun."-Me,sabay pout.

Lumapit siya sakin and cupped my face.

"Yung mahirap nagawa mo. Yung madali pa kaya?"-Ken.

Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.woah!

Hinimas himas niya ang pisngi ko and I can feel his breath. Waaaah, Tito Ian si Ken oh! Pigilan niyo ko! Este siya! Pigilan niyo siya!>_<

"You can do it. Trust me ok?"-Aquaken said and I just felt his warm lips on my forehead and my heart keeps on beating so fast.

Icy Destiny (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu