Chapter 1- Kingdom of Permagen

118 12 0
                                    

Ara's PoV

"ARATUEN!"-narinig kong sigaw ni Tito Ian mula sa second floor.

"Bakit po tito?"-sigaw ko pabalik.

"UMAKYAT KA SANDALI DITO!"-sigaw niya ulit.

Feeling ko urgent yun so tumayo ako sa inuupuan ko dito sa recieving area at tumakbo paakyat pero natabig ko yung vase na nakapatong sa table at syempre bilang reflex action ko,handa ko na sanang sambutin yun pero..

Hindi ko pa man ito nahahawakan,nakatapat palang ang kamay ko sa vase ay nakita kong namuo ang tubig na bumalot sa vase dahilan para hindi ito tuluyang bumagsak at mabasag.

Omg!anong nangyari? Dahan dahan kong ibinababa ang kamay ko para sana paikutan yung vase at tingnan kung anong nangyari pero sa bawat pagbaba ng kamay ko ay ang pagbaba din ng  vase na may cover ng tubig. Huh? Itinaas ko yung kamay ko at umangat din yung vase. Watda?

"Aratuen! Kanina pa kita tinata--anong--"-Tito Ian

"T-tito. A-anong nangyayari?"-naguguluhan kong tanong.

"Lumabas ulit."-Tito. Ha?alin ang lumabas?

"Ikanan mo ang kamay mo papunta sa table"-ginawa ko yung sinabi niya at nakitang sumunod yung vase sa ginawa ko at pumatong ulit sa table. Wow!

"Now,close your hand"-sabi pa ni tito na ginawa ko naman at nakita ko kung paano nasira yung tubig na nakapalibot sa vase dahilan para mabasa ang vase at ang table.

"W-what in the world--"-gulat kong tanong pero hindi gulat na gulat.. dahil 2 years ago and 5 years ago ay may nagawa din akong kakaiba.

5 years ago.

Nagpalit ako ng pangswimming at dumiretso sa pool sa likod ng bahay namin. Tuwang tuwa ako habang tumatakbo papunta sa pool. Lumuhod ako sa tabi ng pool at ilulubog ko na sana ang kamay ko pero..

N-naging yelo yung tubig bago ko pa man mailubog ang kamay ko. Anong nangyari?

..

2 years ago..

Ipinatong ko ang towel sa sabitan at akmang kukunin na ang tabo para maligo pero biglang umangat ang tubig na nasa timba. Sa takot ko ay inilayo ko ang kamay ko pero sumunod ang tubig. Isinarado ko ang palad ko at sinubukang pakalmahin ang sarili at nakita kong bumagsak sa sahig ang tubig na kanina lang ay nakalutang.

....~

"Tito! What did I do?"-tanong ko.

Lumapit si Tito sa Calendar.

"April.. 4 months nalang,buwan na ng kaarawan mo,bakit hindi ko napansin?"-tanong ni Tito.

"Oo nga po tito. Debut ko na."-pagsang-ayon ko pa.

"Kailangan na kitang dalhin sa kaharian"-Tito.

Napakunot ang noo ko. Kaharian? Nababaliw na ba si Tito?

"Dawn Aratuen Grieden"-pagbanggit niya sa buong pangalan ko

"P-po?"-kinakabahan kong tanong.

"You are not just an ordinary girl"-tito.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?"-tanong ko.

"You are suppose to be the Crowned Princess and the next queen of the Kingdom of Permagen.."-Tito..

Ano daw? -_-

...

Hindi ko na maalala kung paano ako napilit na sumama ni tito sa kung saan man kami pupunta. Basta ang alam ko nalang, nakasakay na kami sa kotse niya at itinigil niya sa tapat ng water falls.

Icy Destiny (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang