Chapter 26- Yung lalaking--

34 4 0
                                    

Ara's PoV




"And one more thing, about Prince Aqua."-sabi ni Tito John at bigla akong kinabahan..

"A-ano po yun?"-Me

"He will not be the same Aqua."-Tito John.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?"-Me

"Let's say.... oo,napahaba mo ang buhay niya. But he's near to death a while ago and because of what you did, IT'S LIKE, HE ALSO DIED AND BORN AGAIN."-Tito John

"And then what?"-Me

"He's like a newborn baby except the fact that he knows how to stand,sit, walk, run and talk. Kumbaga, wala siyang alam sa mundo kundi ang limang yun, he don't know how to read, to write. He don't know how life goes on. He don't know what kind of world he belongs in--"-I cut him off.

"And... h-he doesn't know...... US?"-sabi ko ng makuha ko ang gusto niyang iparating.

Tumango naman si Tito John.

S-Si Ken. Para siyang isang batang walang kamuwang muwang sa mundong dapat niyang galawan, sa mga tao sa paligid niya....

Sa akin...

Hindi niya ko kilala. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng halaga sa kanya.

"Sa paghaba ng buhay niya, hindi naman humina ang kapangyarihan niya but as I said, WALA SIYANG ALAM KUNDI ANG TUMAYO,UMUPO,MAGLAKAD,TUMAKBO AT MAGSALITA"-Tito John.

"Pati kapangyarihan niya ay hindi niya kayang gamitin?"-tanong ko at tumango ulit si Tito John.

Napaluha nanaman ako. Hinawakan ni Tito John ang magkabilang balikat ko at niyakap ako.

"Tito... si Ken ko"-iyak ko.

"Sssh.."-Tito John.

Ilang minuto kaming nasa gano'ng posisyon ng magsalita ulit si Tito.

"Hindi man niya maalala ang pagsasamahan niyo, try to make new happy memories with him. New. Happy. Memories. Na it-treasure niya sa isip niya at idadagdag niya sa kayamanan sa puso niya"-sabi ni Tito John at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Be careful every fridays ok? Kahit ganyan ang kapangyarihan mo tuwing biyernes,babalik yan sa dati pero matagal na panahon pa, ilang taon pa."-Tito John

"Babalik naman pala sa dati tito, tinakot niyo pa ako kanina."-Me

"Just... mag-ingat kayo. I'll let you stay in the mortal world together with Ken, ingatan mo siya ha? Alam mong wala siyang alam ngayon. Rence and the others will also be going with you"-Tito John

Tumango ako at pumasok sa kwarto ni Ken.

"Ken.. gumising ka na please,gagawa pa ulit tayo ng memories"-sabi ko habang hawak ang kanang kamay niya.

Hindi ko namalayang,nakaubob na pala ako sa kanang kamay niya at natulog.

...

Napamulat ako ng gumalaw bigla yung kamay na hawak ko,

Tumunghay ako at nakitang gising na si Ken at nakangiti.

Agad ko siyang niyakap at ramdam kong napaiyak nanaman ako.

"Ken... thank God you're awake!"-sabi ko habang hindi padin inaalis ang pagkakayakap ko.

Dire-diretso ang pagtulo ng luha ko habang yakap ko siya.

"Uhh. W-who are you?"-hindi na ako dapat magulat dahil expected kong hindi niya ko kilala dahil nasabi na sakin ni Tito John ito.

Pero...... hindi naman gulat yung naramdaman ko e.

Sakit...

Galit...

Sakit dahil hindi niya ako kilala.

Galit para sa mga taong gumawa nito.

Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap at umupo sa tabi niya.

Hinaplos ko ang buhok niya.

"Ako? Ako.... ako...."-hindi ko magawang magpakilala dahil naiiyak ako.

Naramdaman kong pinunasan niya ang luha ko gamit ang daliri niya.

"A-ako... Ako yung... ako.."-hindi ko talaga masundan yung sinasabi ko.

patuloy kasi sa pag-agos yung mga luha ko e.

Bigla niya akong niyakap.

"Hindi ko alam kung sino ka o sino ako, pero ang sakit sa dibdib na nakikita kitang umiiyak. May umaway ba sayo?"-tanong niya

I chuckled bitterly.

"Walang umaway sakin.."-Me

"Ganun? E bakit ka umiiyak?"-tanong niya.

"Kasiiii.. kasi, nasasaktan ako. Yung lalaking pinigilan kong mahalin.. pero minahal ko padin.. y-yung lalaking hindi ko inakalang mamahalin ko kasi galing kami sa magkaibang mundo. Yung lalaking pinapasaya ang bawat araw ko. Yung lalaking minahal ako agad ng walang pag-aalinlangan. Yung lalaking yun..Minahal niya ako... itinaya niya ang buhay niya para sa akin..m-mahal niya ako e.. hindi ko na nasabi sa kanya na mahal ko din siya kasi y-yung lalaking yun.. hindi na ako kilala ngayon."-paputol-putol kong sabi dahil pumipiyok ako sa bawat salitang bibigkasin ko dulot ng pag-iyak.

"Talaga? Bakit ka naman niya hindi kilala"-tanong niya

"K-kasi dahil sakin... dahil sakin,muntik na siyang mawala sa mundo."-sabi ko.

Hinahagod niya padin ang likod ko.

"Sshh. Sabi mo nga,mahal ka niya. Sapat na dahilan na yun para ibuwis niya ang buhay niya para sayo. Tsaka sabi mo nga diba? MUNTIK. so may chance ka pang iparamdam sa kanya kung gaano mo siya kamahal."-sabi pa niya.

Humiwalay ako sa paglakayakap niya at tinitigan siya sa mata.

"Tama ka. Dapat kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal"-sabi ko at..

Inilapat ko ang labi ko sa labi niya at ipinaramdam sa halik na yun ang pagmamahal ko para sa kanya.

~~~~****

Icy Destiny (Completed)Where stories live. Discover now