Chapter 24- Debut (part 2)

20 5 0
                                    

Ara's PoV

Ng tuluyan na akong makababa, nahagip ng mata ko ang malungkot na mukha ni Derry pero agad din siyang ngumiti ng makitang nakatingin ako.

Ano kayang meron?

Nginitian ko silang lahat na nandito. All my friends are present here. I'm glad that they came

Pinaupo ako sa mini stage ng garden namin at nagsimula na ang program. Inuna ang 18 roses

"Ian Heneroso"-tawag ng emcee at inilahad ni Tito Ian ang kamay niya na tinanggap ko naman at nagsayaw kami

"Dalaga ka na. Kung nakikita ka ng mga magulang mo, matutuwa sila"-Tito Ian

"Pinalaki niyo kasi ako ng maayos tito e."-Me

"Syempre. Para sa kinabukasan mo, para sa mga tao sa paligid mo"-sabi niya at ngumiti. I hug him

"Salamat Tito ah."-Me

"Ivan Greiden"-Emcee

"Hi pamangkin! Ang ganda ganda mo ngayon! Boyfriend mo ba yung escort mo?"-nagulat naman ako sa tanong ni Tito Ivan

"Uhmm. Opo"-Me

"Alam mo akala ko, kayo ni Derry ang magkakatuluyan. Ang hina naman ng manok ko"-sabi ni Tito kaya natawa ako

"Tito naman. Kaibigan ko lang si Derry"-Me

"Eh sa tingin mo ba kaibigan lang din ang tingin niya sa'yo? 14 years na kayong magkaibigan at close na close kayo kaya hindi imposibleng hindi siya magkagusto sa'yo"-Tito

"Hindi rin tito."-Me

"Hindi ko akalaing manhid ang pamangkin ko. Anyway, kung saan ka masaya dun din ako. Sana lang hindi ka saktan nung,ano nga pangalan non?"-Tito

"Aqua po"-Me

"Aqua. Sabihin mo lulunudin ko siya pag niloko ka niya. Bagay sa pangalan niya"-Tito. Natawa naman ako, suus hindi yun mamamatay sa tubig xD

"Drevin Greiden"-Emcee

"Insan.. binata ka na"-sabi niya kaya hinampas ko siya

"Joke lang. Ang ganda mo ngayon, ngayon lang"-Sabi niya kaya hinampas ko ulit

"Ouch ha! Nakadalawa ka agad!"-Drevin

"Baliw ka kasi!"-Me

"Nathaniel Terrence Cortez"-emcee

"Happy birthday Princess"-sabi ni Rence ng nakangiti

"Salamat"-Me

"Wag mong iiwan si Aqua ha? Baka mabaliw"-Rence

"Oo na. Hindi ko hahayaang magaya siya sayo"-sabi ko at tumawa pero nagpout lang siya

"Vincent Jackson"-Emcee

...

Matapos ang ilan, kasama si larry na bwiset -_- si Derry na *-*

"Hi. Happy birthday"-bati niya

"Hello."-Me

"Kamusta naman kayo ni Aqua?"-tanong niya. Hayss, bakit ganun? Pagbanggit lang ng pangalan niya,napangiti agad ako.

"Ok lang naman kami"-Me

"Masaya ka ba sa kanya?"-tanong niya

"Hhmm."-tumango tango ako

"I guess,kailangan ko talagang magparaya"-bulong niya

"Ano?"-tanong ko

"Ha? Wala ah."-sabi niya at ngumiti. Bakit ganon yung ngiti ni Derry? Parang malungkot yung ngiti.

"Uhhmm, tutal may boyfriend ka na.. hindi na tayo masyadong magkakasama,pwede bang sa table ka namin kumain?"-tanong niya

"Sure. "-sabi ko

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap

"Miss ko na yung kaisa-isa kong girl bestfriend"-sabi niya. Gumanti naman ako ng yakap

"Miss ko nadin naman ang boy bestfriend ko."-Me. Bakit ba kasi magkahiwalay kami ng section -_-

"Best friend... bestfriend mo padin ako kahit anong mangyari ha?"-sabi niya

"Ano bang sinasabi mo dyan?"-tanong ko

"Wala lang. 18 ka na kasi e,baka mag-asawa ka na tapos makalimu--"-I cut him off

"Loko-loko ka talaga! Bakit naman kita makakalimutan ha? Bestfriend kita e."-Me

"Tama. Bestfriend mo ko"-sabi niya

"Francis Aquaken Criosson"-Emcee

"Ang ganda naman ng baby ko"-sabi niya kaya napangiti ako

"pogi din ng baby ko"-sabi ko

We chuckled.

"Ready ka na ba bukas?"-Ken

Tumango ako

"May surprise ako sa'yo bukas"-sabi niya at ang lapad ng ngiti niya.

"Ano?"-Me

"Surprise nga diba?"-Aqua.

"Ano nga?"-Me

"Aish. Ang kuliiiit"-sabi niya at pinisil ang ilong ko.

After ng 18 candles,18 treasures at 18 blue bills, nag-announce na ng kainan. Gosh, kanina ko pa to hinihintay ^_^

At gaya ng napag-usapan, tumabi ako kay Derry kaya naman takang taka sila.

"Bakit kayo ganyan makatingin?"-inosente kong tanong

"Akala namin kay Aqua ka tatabi"-sabi ni Chesca.

"Kasama ko sila bukas kaya sa inyo na muna ako ngayon"-nakangiting sabi ko.

Nginitian ko naman ang kanina pa nakangiting si Derry.

Sana palagi nalang nakangiti ang mga tao sa paligid ko.

~~~***

Icy Destiny (Completed)Where stories live. Discover now