Chapter 31- Hurt

26 4 0
                                    

Rence's PoV



Tumakbo kami sa kwarto ni Prinsipe nang marinig namin siyang sumigaw at pagkarating namin dun, naunang pumasok si Princess at sumunod kami.

Nakita ko kung paano mag-alala si Ara para kay Ken. Agad niya itong niyakap.

"BITAWAN MO KO! SINO KA BA!?"-sigaw ni Prinsipe na ikinagulat naming lahat.

Pilit niyang itinutulak si Ara pero pinipigilan siya nito. Hindi niya hinahayaang makawala si Aqua sa yakap niya.. she's crying

Nanghihina si Prinsipeng tumigil siya sa pagpupumiglas.

"S-sino ka baaaa?"-nanghihinang tanong niya. He's also crying

"Ken.. please stop"-pagmamakaawa ni Ara

Yung mga babae naiiyak nadin sa dalawa.

Lord, bakit kailangang ganito ang kahantungan ng dalawang to?

"S-sino ka ba kasi? Sino ako?"-nanghihinang tanong pa niya ulit.

Hindi ko maintindihan. Ano'ng nangyayari? Bakit hindi niya na ulit kilala si Ara? Ang sarili niya?

Bakit imbes na gumaling siya ay parang....

Lalong lumalala

"He needs to go to Permagen"-Vin

"A-ano?"-tanong ni Edmond

"May nabasa akong libro noon sa library ng mama ni Ken, nakalagay dun na kapag may tinulungan ang reyna na mabuhay ng mas matagal--para itong binigyan ng second life. New born kumbaga, at ang mga nakalimutan niya ay maaalala lang sa lugar kung saan siya ipinanganak tulong nadin ang dahon ng crystal ball. Kung hindi, maaaring ganyan na siya habang buhay, makakaalala pero pag dating ng ibang araw,makakalimot ulit. Paulit-ulit lang"-Vin

"He may look.... crazy"-Hannah

"Exactly."-Vin

"Nasaan si Hazel? Siya ang may pinakamagaling na healing power sa'tin"-Me

"Kausap si Drevin. Wag niyo silang istorbohin." Ara coldly said. Inihiga niya si Aqua at siya na mismo ang nagwater heal dito.

Tumayo na si Ara at lumabas.

Si Aqua ay nakatulog na. Mahimbing nanaman ang tulog niya

"So may possibility na kapag nagising siya ay kilala niya na ulit tayo?"-Daphne

"Yes. Hindi kasi nagfufunction ng maayos ang brain cells niya"-Vin

Malungkot naming tiningnan si Prinsipe bago nagsibalikan sa mga kwarto. I went down at nakitang nakasandal ang ulo ni Hazel kay Drevin. Wtf?

Gulat akong tumingin sa kanila pero nilagpasan ko nalang din dahil si Princess ang pakay ko.

Nakita ko siyang nakaupo sa may dining table sa kusina sa harap ng baso ng vodka.

Umupo ako sa harap niya.  Mukhang hindi niya ako napansin at busy siya sa paglalaro/pagkokontrol sa ice cube na nasa baso ng vodka.

She's crying silently.. walang sound pero dire-diretso ang tulo ng luha niya.

"Are you....ok?"-Me

Umiling iling siya habang nakangiti.

"Hindi ako ok. Ayoko ng sabihin na ok ako kahit hindi, wala namang pinatutunguhan pag nagsinungaling pa ako e. Tingnan mo nangyari samin, nagsinungaling ako na kaya kong pigilan ang nararamdaman ko kay Ken. Pero ano'ng nangyari? N-nauwi lahat sa sakit."-sabi niya.

I should pity her this time but I can't. Hindi siya nakakaawa dahil alam kong kakayanin niya.NILA.

Kahit na.

She looks really...

HURT.

Kumuha din ako ng baso at nilagyan ng ice cubes at vodka.

"Eto lang magagawa ko para sa'yo Princess. Sorry"-Me

Natawa siya ng mapakla

"Salamat Rence."-sabi niya ng nanghihinang ngumiti.

katahimikan ang bumalot saaming dalawa pero nagsalita din siya agad.

"Bring him to Permagen tomorrow."-sabi niya

"S-sigurado ka? Teka,hindi ka sasama?"-tanong ko

Umiling siya.

"Hindi ko na kayang makita siyang nahihirapan. It's better kung ang maaalala muna niya ay ang childhood niya. Wala munang Dawn o Ara"-sabi niya.

Ilang beses na ba silang nagsacrifice para sa isa't-isa?

"Hindi ba mas masakit yun sa part mo?"-tanong ko

"Mas masakit,oo. But it's for him and I'm willing to do everything and endure any pain for him. Mahal ko e"-sabi niya,hindi na siya umiiyak at nakangiti na siya,hindi ko masasabing peke yung ngiti niya pero may bahid padin ng kalungkutan.

"Update mo nalang ako tungkol sa kanya. Kada oras ha? And please pag nandun na siya, iwasan niyo muna akong i-topic. Dapat isa-isa muna, para hindi siya mahirapan."-sabi niya bago ngumiti at umalis.

...

Ara's PoV



Tumabi ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya.

"I wish the best for you,My King"-Me

Ipinikit ko ang mga mata ko umaasang pagdilat ko sa umaga ay bumalik na sa dati ang lahat.

...
Pero eto,paggising ko, wala na si Ken sa tabi ko. Expected ko na to dahil alam kong hindi naman hahayaan ni Rence na makita ko pa si ken bago sila umalis dahil paniguradong masasaktan lang ako.

...

Someone's PoV



"Bwiset kasi! Patay na sana yung taong yun!"-Me

"Easy there. At least may natamaan ka, si Aqua pa"-Jin

"Tumahimik ka nga dyan!"-Me

"I-pain mo kaya yung isa sa kanila."-Jin

"Ano ba! Alam mo namang kaya tayo ng mga yu--teka. Edi huwag yung malakas ang i-pain natin. Yung mahina at walang laban"-I said as I smirk.

Get ready Aratuen.

~~~~****

Icy Destiny (Completed)Where stories live. Discover now