Chapter 44- Reunited

32 2 0
                                    

Ara's PoV



Nagising ako na nasa tapat ng isang pinto. Hindi ako familiar sa lugar na ito pero sa taong nakahawak ngayon sa magkabilang balikat ko, super familiar ako--Jin.

Hindi ako nakatali or something pero hindi padin naman ako makagalaw ng ayos dahil sa bigat ng pagkakahawak niya sa balikat ko.

Binuksan niya ang pinto at halos matumba ako sa kinatatayuan ko sa nakita ko.

Aquaken.

B-bugbog sarado siya.

Ang mga sugat at galos niya ay hindi lang basta sugat dahil alam gawa ito ng ice blades. Kung ganon kaya nilang makagawa ng ice blades? Sa pagkakaalam ko kasi, iilan ang marunong nito.

"Oh? Nagulat ka ba? Wag kang mag-alala, magkakasama na ulit kayo"-sabi niya at itinulak ako papunta kay Ken

"Hindi na kita tinalian kasi wala nadin namang kwenta ang kapangyarihan mo."-sabi niya at agad niyang isinara ang pinto. Pinigilan ko namang madali si Ken ng dahil sa pagtulak sakin dahil baka mapahawak ako sa kanya.

Iminulat ni Ken ang mata niya at halatang nagulat siya ng makita ako.

"D-Dawn. Hindi ka dapat nandito."-nanghihinang sbai niya.

Kung kaya ko lang siyang i-heal. Hindi kasi niya yun magagawa dahil nakatali ang mga kamay niya e dun nanggagaling ang kapangyarihan niya.

Pero.. hindi ko maintindihan, ang sabi ni Rence, sabi daw nung kausap ni Ken--sa tuwing magkakalapit kami ay unti-unti akong mamamatay at nabasa din yun ni Rence sa libro ng reyna sa library sa palasyo.

Pero ngayon... pakiramdam ko lumakas ako lalo.

"P-pwede ko bang malaman kung sino ang nagsabi sa'yo nung tungkol sa...... p-pagkakalayo natin?"-tanong ko.

"Sinabi pala sayo ni Rence"-sabi niya

"Oo. Pinilit ko siya pero nung gabi ding yun, nakuha ako ni Jin."-Me

"Si Julia--pinsan ni Jin at Jen. S-siya yung nakausap ko"-sabi ni Ken.

Teka, pinsan nina Jin at Jen? Posible bang kasabwat siya dito at niloko lang niya si Ken tungkol sa 'mamamatay ako pag magkasama kami'?

Tumayo ako at tumingin sa paligid. Isang bintana,isang pinto tapos puro pader na. Lumapit ako sa may bintana na katabi ni Ken.

Walang mawawala kung susubukan ko, besides bintana lang to.

Itinapat ko ang palad ko doon at sobra akong natuwa ng may lumabas na ice blades at nabutas ang bintana.

"N-nacontrol ko!"-masayang sabi ko.

"O-ok na ang kapangyarihan mo? Mabuti naman. Kaya kailangan mo ng makaalis dito dahil baka pag tumagal na magkasama tayo ay m-mawala ulit yan"-sabi ni Ken kaya napalingon ako sa kanya.

"No!"-Me

Kumunot ang noo niya.

"Look Ken, ngayon ko lang nakontrol ulit ang kapangyarihan ko dahil kasama kita! Don't you get it? Binaliktad nung Julia ang sinabi niya!"-sabi ko at nakita ko kung paano siya natigilan.

Pumikit ako at ramdam kong nagliwanag ako. I REGAIN MY MAGIC!

Nagpalit na ang damit ko. Ang damit pang digma ng reyna.

Sigurado na akong nakokontrol ko kaya umupo ako sa tabi ni Ken.

"Aish. Bakit ba ang iksi ng palda na yan?"-iritang sabi niya kaya umayos ako ng upo.

Itinapat ko ang kamay ko sa kanya at ginawa ang Water heal. I'm glad it works!

kinakabahan kong hinawakan ang tali na nakatali sa kamay niya dahil baka magyelo yun pero hindi! Hindi nagyelo!

Tinanggal ko yun agad at niyakap siya.

"I miss you so much Ken"-Me

"I miss you too Baby."-Ken

"We... need to get out of here"-Me

Tumayo kami at tiningnan ang pinto.

"Nakalock yan sa labas panigurado."-sabi niya kaya ngumiti ako.

Kinapa ko yung maliit na crystal sa may korona ko at kinuha yun. Sa tuwing magpapalit ako ng damit pang digma ay nag-aapear din ang korona ko.

Itinapat ko ang crystal sa may pinto at natunaw yung pinto na akala mo ay yelo yun. After matunaw ay ibinalik ko na sa korona yung crystal

"Woah. When did you learn about that?"-Ken

"Nabasa ko sa libro sa lib sa palasyo. 2 days akong nagstay dun kaya ang boring so nagbasa ako"-Me

Tumawa naman siya.

Paglabas namin, may mga bantay kaya kinuha ko yung crytall ball sa may parang belt ng palda ko at lumabas ang espada ko.

Namiss ko ang sword ko ^_^

Kinulbit ko yung isang bantay at pagharap niya ay ginilitan ko sa leeg. Eww, ang brutal ko dun ha, bakit ba sa leeg ko pa naisipan itama ang espada ko? -,-

Lumapit ako kay Ken at kumapit sa braso niya habang dumami lalo ang mga bantay at pinalibutan kami.

"Don't worry. I'll protect you"-sabi niya pero hindi ko pinansin yung sinabi niya at nagpakawala ng ice blades paikot sa mga kalaban at tumigil lang ako ng wala ng nakatayo maliban saming dalawa ni Ken.

"Sabi ko I'll protect you diba?"-iritang sabi ni Ken at inirapan ako. Letche, nagawa pang umirap. Ang cute ! ^_^

Kinurot ko naman ang magkabilang pisngi niya.

"Aish. Tara na nga"-sabi niya at hinawakan ang kamay ko bago kami sabay na lumabas pero sa paglabas namin, halos magunaw ang mundo ko.

"D-Drevin"-sabi ko habang sakal siya ni Jin gamit ang braso niya.

"Any last words before I kill your cousin?"-nakasmirk na tanong ni Jin.

No! Not him! He's my only cousin!

~~~~****

Icy Destiny (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu