Chapter 22- Daphne!?!?

26 5 0
                                    

Ara's PoV


"Princess. Tulungan mo ko. Hindi ako ang kasama niyo ngayon, please tulungan niyo ko"-Daphne

A-anong ibig niyang sabihin?

Nakita ko siyang naka-upo at nakatali ang kamay at paa.

"Princess. Mag-ingat ka sa kanya. Gusto niyang siya ang mamuno sa Permagen. Don't let her. Please, help me"-sabi niya pa ulit at umiyak.

...

Nagising ako na mabilis ang tibok ng puso ko.

Anong ibig sabihin non?

Bumaba ako at nakitang naghahanda sila ng pagkain. Si Daphne, naka-upo lang siya. Bigla akong kinabahan. Sino ka ba?

"Ken"-Me

"Oh.. gising ka na pala"-Ken

"Usap tayo"-seryoso kong sabi.

Tumango siya at umakyat kami sa kwarto ko.

"Bakit?"-Ken

"P-pwede ko bang malaman kung anong kapangyarihan meron si Daphne?"-Me

"Well, pamangkin siya ng pinsan ng tatay ko kaya medyo maganda ang kapangyarihan niya. Bukod sa pagkontrol ng tubig at yelo, kaya niyang gamitin ang tubig sa katawan mo para makabuo ng panaginip mo. Kumbaga, kaya niyang makipagcommunicate gamit ang panaginip. Kaya din niyang alamin ang panaginip mo, basta something about dreams. Bakit mo natanong?"-Ken

Para akong nanlambot. So---- totoo yung mga sinabi niya sakin sa panaginip ko?

"Ken.."-hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang may kumatok.

Hindi ko alam kung paano ko nagawa pero parang natunaw ko yung pinto sa isip ko at nakita ko yung nasa labas.

"Wag.."-pigil ko kay Ken ng akmang bubuksan niya yung pinto.

"Ha?"-Ken.

Hinila ko siya sa terrace ng kwarto ko at isinara ang sliding door don.

"Ken.. makinig ka sakin, k-kinausap ako ni Daphne sa panaginip ko... n-ng totoong Daphne"-Me

"Teka hindi kita maintindihan. Anong ibig mong sabihin?"-Ken

"Nakita ko siya sa panaginip ko na nakatali sa upuan."-sabi ko na ikinagulat ni Ken

"K-kung ganun.. sino yung kasama natin?"-Ken

"Hindi ko alam. Basta ang sabi niya, tulungan natin siya, na mag-ingat tayo sa daphne na kasama natin"-Me

Natahimik bigla si Ken

"Hindi siya dapat magtagal dito."-seryosong sabi niya at lumabas.

"Ken sandali!"-sigaw ko pero huli na, nakalabas na siya pero wala na dun si Daphne kaya naman dumiretso kami sa baba.

Nagtatawanan sila ng datnan namin sila.

"Lumayo kayo sa kanya."-seryosong sabi ni Ken

"Anong sinasabi mo Aqua?"-Hazel

"Ang sabi ko.. lumayo kayo sa kanya"-Ken

"Ano ba. Umayos ka nga Aqua!"-Vin

Nairita ako ng biglang nagsmirk yung Daphne. Bwiset!

Sa irita ko, itinapat ko ang palad ko sa kanya at naglabas ng tubig na tumama sa kanya dahilan para matumba siya.

"PRINCESS! BAKIT MO GINAWA YUN? DAPHNE!"-sigaw ni Rence at akmang tatakbo papunta kay Daphne 'DAW' pero ginawan ko siya ng tubig na kulungan.

"A-ara. Ano to?"-Hazel

"Hayaan niyo siya. Dapat lang yan sa kanya"-Ken

"P*tang ina!. WAG MO SIYANG SAKTAN!"-sigaw ni rence habang pilit kumakawala sa tubig na kulungang ginawa ko.

Muli kong itinapat ang palad ko kay DAPHNE'DAW' at sinakal siya gamit ang tubig.

"P*TANGINA WAG MO SIYANG SAKTAN! PARANG AWA MO NA!"- sabi ni Rence habang umiiyak. Naaawa ako sa kanya.

Sa higpit ng sakal ko ay bumalik sa dati ang itsura ni Daphne. Naibagsak ko ang tubig dahil sa gulat ko.

"Bakit lalaki?"-gulat na tanong ko.

"Jin."-banggit ni Ken

"Anong--"-naguguluhan si Rence

"Saan mo dinala si Daphne?"-tanong ko.

"Bakit ko naman sasa--ahh!"-sinakal ko siyang muli at pinakawalan si Rence

"T*ngina mong g*go ka! SAAN MO DINALA ANG GIRLFRIEND KO!?"-tanong niya at kinuha niya mula sa pagkakakontrol ko yung tubig na sumasakal dun sa lalaki kaya hinayaan ko lang. Hinila ko naman palabas si Ken

"Bakit lalaki?"-tanong ko

"Bakit? Babae ba ang inaasahan mo?"-Ken

Tumango ako

"Sabi ni Daphne sa panaginip ko, gusto niyang siya ang mamuno sa Permagen, hindi ba't babae lang ang pwedeng mamuno sa Permagen? Ang lalaking susubok ay mamamatay? Hindi naman niya siguro gustong mamatay diba?"-Me

"Ang talino mo talaga. Well, isa lang ang ibig sabihin niya. Hindi pa siya ang mismong kalaban."-Ken

"Yan din ang pumasok sa isip ko.. pero, kung yung lalaking yun ay may kakayahang mangopya ng anyo, maaaring ganun din yung babae."-Me

"Si Jen"-Ken

"Ha?"-Me

"Si Jin at si Jen ay magkapatid. Sila lang ang may kakayahang kumopya ng wangis. Pero walang nakakaalam kung saang parte ng mundo ng mga tao sila naninirahan."-Ken

Teka.. kung nandito sila sa mundo ng mga tao, posibleng nasa Permagen si Daphne, hindi nila isasama dito si Daphne para mas mahirap siyang hanapin. Hindi yung nahanap silang dalawa,nahanap din si daphne.. pero pwede ding kasama nila.

"I got an idea"-Me

Pumasok ulit kami sa loob

Hanggang ngayon, nakasakal padin yung tubig sa kanya at pilit pinapaamin nung mga nasa loob kung nasan si daphne.

"Let go."-Me

"Ano?"-galit na sabi ni Rence.

"Trust me."-Me

Pinakawalan naman niya yung Jin daw.

Itinapat ko ang kamay ko sa kanya at ginawa ang ginawa ko kay Victor. Sa oras na sabihin niya sa kapatid niyang alam na namin, malalaman ko.

Pero hindi ko pa siya hahayaang masabi yun hangga't hindi namin alam kung nasaan si Daphne.

Ikinulong ko siya sa tubig gaya ng ginawa ko kay Rence kanina pero mas matibay ang ginawa ko sa kanya.

"Ken..."-hinila ko ulit siya paalis pero this time,kasama na yung iba.

"Vin,Hazel and Edmond, maiwan kayo dito, bantayan niyo yung Jin na yun. Babalik kami sa Permagen para hanapin si Daphne. Kami ni Ken ang bahala sa Permagen. Rence and Hannah, try to find Daphne here. Sa tingin ko, hindi naman siya masyadong malayo kung nandito man siya"-Me

Napatingin sakin si Rence.

"S-salamat Princess. Sorry din sa nasabi ko kanina,namura pa kita"-Rence

"Ok lang. Alam kong ayaw mo lang masaktan si Daphne, kaya lang... hindi siya si Daphne"-Me

"Ok. Umpisahan na nating maghanap."-Ken

"Hhmm. May naisip akong idea na mas makakapagpadali ng paghahanap natin"-Me

"Ano?"-Them

"Who's up for sleeping? I think I can communicate with Daphne.  Sa pamamagitan ng isang tao at sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Daphne"-Me

"Ako nalang"- lakas loob na sabi ni Rence.

Hhmm..iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Minsan, sugal...kailangang sumugal.

~~~~****

Icy Destiny (Completed)Where stories live. Discover now