Bogart says "5"

46.1K 1.3K 153
                                    

Eiji’s Point of view

Huwebes ng umaga; during PE class.

“Shit Eiji how the hell do you do that!?”

Yan ang understatement ng mga classmates ko after witnessing my basketball epicness. Yung mga boys – totally shocked. Ganun din ang mga girls. Something popped up to my mind while looking at those priceless expressions: What boys can do, girls can do BETTER, but gays can do BEST! Haha! Tama!!! Even our PE teacher, herself, was in awe of my sudden greatness.

“Wow Eiji! That’s a first!” sabi nya out of amusement while putting remark (this time I’m sure it’s a good one) on her recorder.

“And there’s more of this to come ma’am!” I exclaimed while throwing the ball farther than the free throw area just to know it’s in. I, once again received a standing ovation! Haha!

Soon as we left the gym, I rummaged my phone from my bag quite excited to text Buknoy. Okay you maybe wondering why. Saturday that afternoon, after the tutoring errand, he sent me a text message. A Group message that went something like this,

Aftie evry1!

Srap tlga ng squidbol at plamig! Merienda n rin kau!

@Ruby – praktis bukas a!? 5 pesos per minute na malate kau! Seryoso. :I

GM

(akin na lang tong converse mo! Hahaha!   ;p)

(may nakita na ba kayong maputing Ifugao?)

And because of this, PniM ko sya.

IFugao is a place.

Oy! Wala akong sinabing sayo na yan! Sauli mo yan sa Monday! BTW, ano lasa ng squid ball?

o.O

 Hindi pa ako nakakatikim e.

Don’t judge.

To cut it short, ganun nga ang nangyari. Everytime na nag gGm yun hindi talaga naaalis yung pang-iinis nya. Kaya ako naman reply ng reply. Hindi ako pala GM na cp user. Hindi rin ako beki or jeje magtext. Direct ako kung magreply in case you don’t know. Pero at one point, nakalimutan ko na magsusulian nga pala kami ng cloths nung Monday kaso walang nakaalalang magpaalala. Ganun din nung Tuesday at Wednesday. Tapos ngayon, oo naalala ko nga asa school na naman ako. Somehow, I forgot to know the purpose of the Reminder icon of my phone.

Madali kong ini-scan yung message nya before the next class starts. And it says, “Good job! Can’t wait you do the same next Monday sa Buwan ng Wika! Hehe!” What the hell is wrong with me!? Kinakabahan ako sa mga tinitext nya! Naku! Kasi naman bakit bahag pa napiling suotin ng mga taga Ifugao e! Pwede namang simpleng t-shirt lang at pantalon!

 By afternoon, kinuha na namin yung in-order naming costume for Monday. Grabe hindi ako makapaniwalang hawak-hawak ko ang kapirasong telang to na maglalagay sakin sa bingit ng kahihiyan. Nangapa pa ako kung ano pa yung kasama nitong bahag ngunit sadly wala na.  Kahit man lang electrical tape para pang tapal sa nipples wala! O come on!?

Nung uwian, nakakita ako ng streetfood vendor na pinag-uumpukan ng mga tao. Tinanong ko si Kuya Pedro,

“Kuya Pedro ano meron dun?”

“A meriendahan na kasi sir kaya kinukuyog nila yung fishball ni manong.” Sagot nya. Now maybe this is my time para malaman kung ano lasa ng squid ball. Lasa ba syang squid o lasa bang ball? Haha! Share ko lang kung gano ako ka-pissed off sa reply ni Buknoy nung tinanong ko sya about dun. Naaawa daw sya sa akin na hindi pa ako nakakakain ng pinakamasarap na merienda ever. Nagkwento rin sya tungkol sa story ng isang lalaking naging successful dahil sa pagbebenta nun. And I was like, “Didn’t I text not to judge me about that!? And yet you did.”

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon